Ano ba susuotin ko? Kasi naman hindi sinabi kahapon para makapagdecide ako ng maayos.
"Yan o, dress tapos magflats ka nalang"
Sabi ni Chloe sabay turo dun sa nakahanger na dress ko na kulay gray.
"Maganda ba?"
Tanong ko.
"Bagay sayo, ang ganda mo kaya nung acquaintance natin nung yan ang suot mo"
Sabi nya sakin, talagang to. Alam na alam kung paano ako pangitiin.
"Ok yan nalang"
Sabi ko. 6 pm na kasi at kanina pa sya nakabihis, pambahay lang naman suot nya kasi sa unit lang sila ni Drake.
7 pm ang call time. Charr. HAHAHA.
Pagkabihis ko e nagmake up lang ako ng very slight tsaka kami nagpunta ng condo nila Tristan.
...
"Tristan, ingatan mo yang si Cat a. Pag yan nagasgasan pag-uwi lagot ka sakin"
Sabi ni Chloe, binantaan pa si Tristan e. Pero hindi ko maitago yung kilig ko, nakangiti lang ako habang paalis na kami.
Sumakay na ako sa kotse nya, tapos umalis na kami. Dito daw kami sa Italian resto kakain.
Umorder na nga kami.
"Italian spaghetti sakin and then, fillet mignon pero ayaw ko yung dumudugo a. Yung lutong luto dapat"
Sabi ko. Natuwa ata si Tristan kasi halos matawa na sya sa sinabi ko e.
"Ganun narin"
Sabi nya sa waiter tapos umalis na yung waiter.
"You look pretty tonight"
Sabi nya sakin. Oh noooo!! Wala akong pangretouch!!
"Thanks"
Sabi ko naman. In the most pabebe way i can.
"i still wonder, bakit wala kang bf e ang ganda mo naman"
Sabi nya sakin, ikaw na nga lang kasi hinihintay para magkaron ako e. Ikaw nalang kulang!! HAHAHA.
"Wala naman nanliligaw"
Sabi ko nalang kahit meron naman pero hindi ko talaga type yung malagangster na ewan.
Yung iba naman, feeling fame kaya binabasted ko na agad.
"It's been 3 or 4 months since nagkakilala tayo"
Sabi nya. Huh? Kwentadong kwentado a.
"Catherine--"
Konpleto ang first name, shockss!! Kinakabahan ako.
"i appreciate how you take care of me. Yung pag-alaga mo sakin nung may sakit ako and nung lasing ako. Napapasaya mo pa ako lagi kahit sa simpleng mga bagay lang and i admire you for that"
I admire you for that
I admire you for that
I admire you!!
Waahhhh... he admires me!!
"What do you mean?"
Tanong ko,my hands are shaking right now, is he confessing or what? Gusshhh!!
What to do?
"I like you"
Sabi nya bigla kaya nagulat ako.
He?
He?
He what?
"You, what?"
"I like you"
Sabi nya. Tumalikod naman ako saglit kasi shocksss!! Im so shock and sobrang pula ko, hindi ko maitago yung kilig na nararamdaman ko.
Yung tipong namamawis narin yung mga kamay ko tapos nanginginig pa.
"Hey, are you ok?"
Tanong nya sakin. Humarap naman ako sa kanya.
"Y-ya"
Sabi ko.
"Pwede ba kitang maligawan?"
Hooooo noooooo!!!!
Is it real? Is it real?
Inhale
Exhale
Ano ba? Kinikilig ako masyado, hindi ako makasagot!! Wahhhhh.. kyahhhh!!
"Y-ya"
Sabi ko nalang, syempre kahit type ko sya, kailangan manligaw muna sya. Kahit mga 2 days lang. HAHAHA. Pero magpapakipot muna ako, baka sabihin na patay na patay ako sa kanya.
Kinikilig parin ako.
Mabuti nalang dumating na yung order.
Homeged!!
Naconscious ako bigla sa pagkain ko.
"Wag kang mahiya, sinabi ko yun not to make you shy."
Sabi nya. Huminga naman ako ng malalim, well! Gutom din naman ako so wala munang hiya hiya ngayon.
...
After naming magdinner date, choss.
Umuwi na kami, nagulat nalang kami ng sumalubong samin si Chloe sa harap ng elevator, tinext ko kasi sya na pauwi na kami.
"so?"
Tanong nya.
"Im courting her"
Sabi ni Tristan, hallah!! Kinikilig na naman ako!
"T-talaga?"
Tanong ni Chloe. Tapos bigla nalang syang yumakap sakin at may binulong...
"Manlibre ka bukas a"
Sabi nya. Ngumiti naman ako. Lumabas din si Drake sa unit nya na may apron pa na suot.
"Im sorry, kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin"
Sabi nya. Ngumiti naman si Chloe.
"See you tomorrow"
Sabi ni Chloe tapos hinila na si Drake sa loob. This is it!! There's no turning back na.
Pagpasok namin e nagbihis na ako agad, syempre nagdala ako ng pamalit ngayon at para bukas, may pasok po kasi kami.
Tapos natulog na kami, sabi nya sa sofa na sya matutulog pero sabi ko, ok lang na magkatabi kami, lagyan nalang ng unan sa pagitan namin.
BINABASA MO ANG
WAR FOR LOVE (friendship vs love)
Fanfiction❌this is a ✔MAYWARD ✔EDVEN ✔MARVOREE ✔KISSMARC story
