CHLOE
(Same time nung date ni Tristan and Catherine)
Pagkaalis nung dalawa e pumasok narin kami ng unit ni Drake, diretso kusina na kami.
Ayun prepared na yung ingredients na kakailanganin nya, at sa nakikita ko... Tinola ang trip nyang lutuin.
"Alam mo?"
Tanong ko sa kanya.
"Google"
Sabi naman nya, lokong to. Hindi pala alam magluto.
"Turuan kita"
Sabi ko nalang.
"Pero syempre hiwain mo muna tapos hugasan yang mga ingredients"
Sabi ko. Ginawa na nga nya, nahiwala pa nya daliri nya kasi pati paghawak ng pealer e hindi pa maayos imbes na yung sayote ang mabalatan, yung darili nya tuloy.
Pero hindi naman malala, kaya ako nalang naghiwa, baka matuluyan pa e.
"Wag mo nga akong titigan"
Sabi ko sa kanya.
"Girlfriend material ka talaga"
Sabi nya sakin. Hindi ako kinikilig, slight lang. Charot charot!!
After kong maghiwa, pinaready ko na sa kanya yung lutuan. Tapos hinugasan ko na yung mga ingredients, ang bagsak e ako lang din nagluto.
...
After an hour tapos na akong magluto at naghahanda na sya ng kainan namin.
"Itsura mo"
Sabi ko sa kanya, naiirita na kasi ako. Nakatitig nalang sya lagi sakin. Parang shunga.
"I can't believe it. Magdidinner ako kasama ang pinakamagandang dalaga sa paningin ko"
Sabi nya sakin. Tinuktukan ko nga ng matauhan.
Pagkaayos ng kainan at nakahain narin, kumain narin kami agad.
"Chloe"
Sabi nya.
"O?"
Tanong ko naman.
"Ang sarap"
Sabi nya. Ngumiti naman ako.
"Syempre luto ko"
Sabi ko sa kanya.
"Sumarap lalo nung ngumiti ka"
Sabi nya.
"Kumain ka nga, mamaya ka dumaldal. Focus sa food"
Sabi ko. Wala sa food yung focus nya, nasaakin. Ewan ko ba kung anong mali sa mukha ko at nakatitig lang sya sa akin.
Pagkatapos naming kumain, magkasama kaming naghugas ng pinggan, ayun, inaasar lang nya ako tapos bigla kong nalagyan ng sabon yung mata nya.
Ang shunga naman kasi, sino ba naman mangingiliti habang naghuhugas.
"Sorry"
Sabi ko naman tapos pinaghilamos ko na sya.
"Ako na nga tatapos"
Sabi ko.
"Ako na"
Sabi nya. Madali naman akong kausap. Aalis na sana ako kaso bigla syang yumakap sakin, tinutulak ko nga kaso malakas sya tapos kada tulak ko lalo nyang hinihigpitan yung pag-yakap nya sakin.
"Drake"
Sabi ko.
"1 minute"
Sabi nya. Hinayaan ko nalang tapos nagcount ako ng oras sa isip ko lang.
1...
60 seconds
"Enough"
Sabi ko pero hindi parin sya humihiwalay sa pagkakayakap sakin.
"Liligawan kita"
Sabi nya sakin.
"No. May boyfriend ako"
Sabi ko sa kanya.
"Ok lang sa boyfriend mo na magdinner ka kasama ko at matulog ka sa unit ng isang lalaki na wala kayong kasama at kayo lang?"
Tanong nya sakin. Tameme ako.
"Cat told me na wala ka namang boyfriend and that you're just afraid of commitments"
Sabi nya. Andaldal din naman talaga ni Cat e.
"Ok. Wala akong bf, but still, NO"
Sabi ko.
"Whether you like it or not"
Sabi nya tapos humiwalay na sya at tumalikod, ginulo ko naman yung buhok nya. Ang pangit kasi... tsaka naiinis ako.
May halong kilig ng slight, wow!
*ting
Phone ko po yun, may nagtx and it's Catherine
From: Cathing
Where on our way home. See ya, may good news ako
Sabi nya sakin. So lumabas muna ako ng unit ni Drake at hinintay sila sa tapat ng elevator.
"so?"
Bungad ko.
"Im courting her"
Ayy, kinilig ang bakla. Kita mo to, ang kiri kiri
"T-talaga?"
Tanong ko ng gulat. Nagulat naman ako dun. Hindi na ako magugulat kung si Cat ang nanligaw, pero besh... si Tristan ang nanliligaw.
Lumapit naman ako para yakapin si Cat
"Manlibre ka bukas a"
May pagbabantang sabi ko, tapos humiwalay ako ng yakap. Ay kilig na kilig si ateng, yung ngiti o. Abot hanggang outer space.
Tapos lumabas si Drake sa unit nya na naka apron pa
"Im sorry, kakatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin"
Sabi nya.
"See you tomorrow"
Sabi ni ko tapos hinila na si Drake sa loob. Dahil may pasok pa kami bukas, kailangan na naming matulog.
"San ka?"
Tanong ko.
"Dito"
Sabi nya sabay turo ng kama nya.
"San ako?"
Tanong ko.
"Dyan din"
Sabi nya sakin. Kumunot naman ang noo ko.
"Ok"
Sabi ko nalang tapos nahiga na, naglagay nalang ako ng unan sa gitna namin para naman may boundary at harang.
Mamaya nyan ano e... lalaki parin nya, di natin alam nasa isip.
BINABASA MO ANG
WAR FOR LOVE (friendship vs love)
Fanfiction❌this is a ✔MAYWARD ✔EDVEN ✔MARVOREE ✔KISSMARC story
