WFL (20)

233 16 3
                                    

Before anything else.

Naniniwala po ako na relasyon ang pinapatagal at hindi ang panliligaw kaya naman sinagot ko na po si Tristan.

Yes kami na, 4 days lang ata sya nanligaw.

Atleast dumoble yung 2 days na sinabi ko.

Sunday ngayon at wala kaming lakad kasi kailangan naming magprepare para sa camp trip namin bukas e 5 days yun monday-friday.

Nakapag-impake naman na ako kaya nandito ako ngayon sa unit ni Chloe para manggulo.

Sina Sab at Wendy e tulog ata kasi kanina ko pa kinakatok e hindi naman ako pinagbubuksan.

"Bat di ka nalang manggulo dun sa boyfriend mo?"

Tanong ni Chloe sakin.

"Ayaw ko, busy daw sila ng team nya"

Sabi ko naman.

"Si Drake ba tinawagan mo na? Tumawag kaninang umaga gamit yung phone ni Tristan, hindi mo raw sinasagot mga tawag nya"

Sabi ko.

"Hindi ko po naicharge kagabi yung phone ko kaya nakaoff sya kanina and kakacharge lang po"

Sabi nya. Tumango tango nalang ako. After nyang mag-impake e lumabas muna kami kasi bigla akong nagcrave ng shake.

Kaya inaya ko syang bumili ng fruit shake malapit sa school.

Saktong pagbaba namin ng taxi e palabas na yung sasakyan ni Tristan at Drake sa school. Nakita ata kami kaya pinark muna saglit yung kotse nila.

Pero hindi, may tinanong sila sa coach nila.

Si Chloe bumili na e.

"Banana apple yung akin"

Sabi nya sakin.

"Avocado lang po yung akin"

Sabi ko dun sa tindera, nagulat ako ng may yumakap sakin. Paglingon ko, si Tristan. Nakita na pala kami.

"50 iha"

Sabi nung tindera kay Chloe. Kukuha sana sya ng pabayad kaso binayaran naman na ni Drake.

"Bat di mo sinasagot tawag ko?"

Tanong ni Drake dito.

"Lowbat"

Sabi ni Chloe.

"Sukli mo"

Sabi ni Chloe. Kinuha naman ito ni Drake.

"Tamis"

Sabi ni Chloe paglingon samin.

"Sorry iha. Akin na papalitan ko"

Sabi nung tindera.

"Ay. Hindi po, sila po yung matamis"

Sabi naman ni Chloe. Natawa naman yung tindera.

"Namiss mo na ako agad?"

Tanong ko kay Tristan. Wala kaming term of endearment, basta pangalan nalang namin.

"Sobra"

Sabi naman nya. Naiihi na ako sa kilig.

"Pahingi"

Sabi ni Drake sa inumin ni Chloe, binigay naman ni Chloe yung inumin nya. Tapos pagkakuha ko yung akin e umalis narin kami.

Si Drake at Chloe sa sasakyan ni Drake syempre tapos kami naman ni Tristan magkasama.

"Susunduin mo ba ako bukas?"

Tanong ko.

"Bf duties"

Sabi naman nya. Ngumiti lang ako. Tapos sinusundan lang namin yung sasakyan ni Drake hanggang sa makarating kami sa condo nila.

Diretso kaming lahat sa may unit ni Drake kasi hindi pa nakaayos ng gamit tong bf ko.

Feel na feel ko yung pagtawag sa kanya na BOYFRIEND KO.

"Tawagan mo kaya sina Sab"

Sabi ni Chloe. Ay oo nga pala, baka hindi pa kumakain mga yun. Sabay sabay nalang kaming kakain.

Kinuha ko naman yung phone ko at tinawagan si Sab.

Sinagot naman nya agad.

"Bakit?"

Tanong nya sa kabila.

"Punta kayo dito kina Drake. Kain tayo"

Sabi ko.

"Coming"

Sabi nya agad tapos binaba na nya yung phone. Kami naman nagkwentuhan muna actually kami lang ni Chloe.

Si Tristan na nilalaro yung buhok ko tapos si Drake na pinapakealaman yung phone ni Chloe na hinahayaan lang ni Chloe.

May password kasi yung gallery nya. Yun lang ang importanteng malagyan nya ng password. Hahaha. Pati rin naman ako.

After 30 minutes e dumating na sina Sab at Wendy na may dala pang isang bucket ng chicken.

Saktong pagdating nila e dumating narin yung order namin sa isang korean resto. feel lang namin.

Puro chicken ulam.

Yun, kain lang kami ng kain. Dito na kami sa lapag kumain kasi hindi naman kami kakasya sa table ni Drake.

"Itali mo nga buhok ko"

Sabi ni Chloe kay Drake, nagkakamay kasi si Chloe e sumasawsaw yung buhok nya sa kinakain nya.

Tinali naman ni Drake, dahil sa nainggit ako. Nagpatali rin ako ng buhok kay Tristan.

Dahil wala ng chicken dahil masiba si Sab at Wendy, gustuhin ko mang kumain pa pero wala na talaga.

Napatingin naman ako sa plato ni Tristan na may 1 pang chicken na hindi nya nagagalaw.

Napansin ata nya kaya napatingin sya sa plate. Tapos...

Binigay nya yung chicken nya. Ayaw nya talaga akong nagugutom.

Si Drake at Chloe tapos na. Sina Sab at Wendy naman halatang pinipilit nalang yung pagkain sa chicken. Ikaw ba naman kasi kumuha ng 4 na chicken agad.

Hay naku!!

Maiintindihan ko sana na gutom sila. Kaso figure conscious sila e kaya nakakapanibago na.

Pagkatapos naming kumain, e pinapanuod nalang namin tong dalawa na kumain.

Hanggang sa ayaw na nila talaga kaya niligpit na nila yung pinagkainan kasi sila naman yung nahuling kumain e.











UPDATES!!!

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon