WFL (35)

223 16 7
                                    

CHLOE

So ayun, i tried applying for a job pero hindi ako natanggap. Yung tipong najudge pa ako ng wala sa oras kaya umuwi ako ng umiiyak.

"Ok lang yan"

Sabi ni Cat. Magkasama kasi kami, sinamahan lang naman nya ako kasi may trabaho na sya sa company ni Tristan.

E hindi naman ako inaalok ni Drake ng trabaho sa kanila tapos nandoon lang ako sa bahay nya kaya nag apply ako, alam nanan nya pero ang alam nya sa kanya ako mag aapply.

"Ok sana na hindi ako natanggap pero beshy. Sabi nya wala daw akong kakayahan sa trabahong yun at puro ganda lang daw ako"

Sabi ko. Matandang lalaki yung may-ari ng kompanya pero babae yung head ng HR nila nainsecure siguro kaya ganun.

"Atleast maganda ka"

Sabi ni Cat. Anong point ng pagiging maganda kung wala namang trabaho. Ayaw ko namang umasa lang kay Drake.

Pero sige na nga, mag aapply na ako sa kanya.

"Idaan nalang kita sa kompanya ni Drake a . May kailangan pa akong tapusing trabaho e"

Sabi ni Cat. Tumango naman ako, tapos binaba lang nya ako sa may entrance ng building ng company ni Drake.

"Ano po yun ma'am?"

Tanong nung guard. First time ko dito.

"Si Mr. Clinton po"

Sabi ko.

"May appointment po ba kayo sa kanya?"

Tanong nya. Umiling naman ako.

"Sa front desk nalang po kayo magtanong ma'am baka po kasi busy si Mr. Clinton"

Sabi ni kuya guard. Tumango naman ako.

"Miss si Mr. Clinton nga"

Sabi ko sa babae.

"appointment?"

Tanong nya.

"Wala"

Sabi ko.

"Tawagan mo nalang sya"

Sabi ko pa.

"Hindi po pwede yun ma'am baka po pagalitan kami"

Sabi niya.

"Akong bahala"

Sabi ko sa kanya. Tapos inabot nya yung telepono tapos nagdial.

"Sorry sir---"

Inagaw ko agad yung phone.

"i dont have time with those. Wag kang tawag ng tawag, kung sino lang ang nasa appointment ko yun lang ang ientertain mo"

Sabi ni Drake sa kabilang linya.

"Uuwi na ako"

Sabi ko.

"Who are you?--- Chloe?"

Tanong nya.

"Bye"

Sabi ko tapos binaba ko na yung telepono. Sigurado ako bababa yun kaya dito muna ako maghihintay.

2 minutes later.

Inorasan ko kasi.

"Chloe"

Sabi nya lumingon naman kaming lahat, Chloe silang lahat?

"You should've told me earlier na pupunta ka dito"

Sabi nya sakin habang lumalapit. Paglapit nya e hinalikan nya ako sa noo.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon