WFL (19)

230 20 4
                                    

Kahapon ng pauwi na kami. Sinalubong kami agad ni madam principal.

Akala nga namin may kasalanan kami e. Good news pala.

May Camp Trip kami.

Ibig sabihin, walang pasok. Yes!!

Nakabihis na ako't lahat lahat. Pupuntahan ko nalang si Chloe sa unit nya.

Hindi pa naman ngayon yung Camp Trip, next week pa yun pero excited ako kaya nakaimpake na ako.

*toktok

*toktok

"Sandali"

Sigaw nya sa loob.

Paglabas nya, umalis na kami agad. Magcocommute na kami kasi yung kotse na gamit namin dati e kay Sab kaya ngayon. Wala na kaming sasakyan, magcocommute na.

...

"Chloe/Cat"

Lumingon naman kami sa likod namin, ayun sina Tristan at Drake na may hawak na paper bag.

"What's this?"

Tanong ni Chloe ng nakakunit ang noo. Ako naman, syempre tinanggap ko ng nakangiti yung regalo.

"Thank you"

Sabi ko.

"Chocolates?"

Tanong ni Chloe.

"Hindi mo ba nagustuhan?"

Tanong ni Drake, oh nooo! Never nyang magugustuhan ang chocolates kasi namamalat sya pag kumakain sya nyan.

"Ya. Thanks"

Sabi ni Chloe, akala ko naman ibabalik nya.

"Sige, mauna na kami. May meeting pa kami nila coach"

Sabi ni Tristan tapos umalis na nga sila.

"Sayo nalang"

Sabi nya sakin sabay abot nung paper bag.

"Yung mini bear kunin mo"

Sabi ko naman. Ayun, nilagay nalang yung chocolates sa paper bag ko tapos naghiwalay na kami.

Lunch...

Magkakasama kaming apat, ako tapos si Chloe and yung dalawang boys.

"Bat andami mong chocolates?"

Tanong ni Tristan sakin. Paano ba? Kasi naman, dapat mamaya nalang nya binigay.

"That's mine. Binigay ko"

Sabi naman ni Chloe, tumingin ako kay Drake na nakakunot na ang noo. Hindi naman nagsasalita si Chloe.

Baka mamaya iniisip ni Drake na sinasayang ni Chloe yung mga effort nya.

"Hindi kasi kumakain ng chocolates si Chloe kasi bawal sa kanya"

Sabi ko.

"Pero tinanggap mo parin"

Sabi ni Drake.

"Coz i don't want you to feel na--- sayang naman kasi pag di ko tatanggapin"

Sabi ni Chloe.

"Next time sabihan mo ako"

Sabi ni Drake, tumango tango nalang si Chloe.

Naramdaman ko naman yung kamay ni Tristan na humawak sa kamay ko.

Nandito po kami sa cafeteria at kasalukuyang kumakain tapos makikipag holding hands pa. Ang malala, halos pagtinginan kaming lahat ngayon.

Nangunguna na ang tingin ni Sab at ni Wendy na halos isumpa kami kung makatingin.

Pagkatapos naming kumain e nagpunta kami sa gym.

Hindi sana sasama si Chloe kaso hinila ko nalang din. Mamaya sabihin pa ni Drake na ginagawa namin syang chaperon

"Chloe/Cat"

Napatingin kami sa nagsalita, si Sab at si Wendy na nakangiti.

Kanina lang parang sobrang kinasusuklaman kami e.

"Can we talk?"

Tanong ni Sab, tumango naman kami ni Chloe tapos umalis muna sina Tristan at Drake.

"We're so sorry about our attitude. Alam namin na sobrang naging masama kaming kaibigan sa inyo, ang sobrang nagsisisi na kami dun"

Sabi ni Wendy.

"We want our friendship back. And tatanggapin na namin na kayo ang gusto nila at hindi kami"

Sabi ni Sab. Napangiti naman kami ni Chloe tapos niyakap namin sila agad.

"Namiss namin kayo"

Sabi ko.

So ngayon, ok na kami.

Masaya na ang lovelife masaya pa ang friendship. I dont know kung anong nagawa kong mabuti sa buhay to deserve this.

Sinenyasa naman namin sina Tristan at Drake na lumapit na.

Ayun, nagbonding na kaming anim. Parang wala kaming napagdaanang problema a.

Though naiinis ako sa pagdikit ni Wendy kay Tristan kasi halos ilayo nya sakin si Tristan e. Pero nag aasaran lang naman sila kaya ok lang.

Wag ko nalang pag iisipan ng masama kasi baka mamaya nyan pag-awayan pa namin.

...

Pagkatapos ng classes namin ng hapon e napagdesisyonan naming dun muna kay Tristan dumiretso kasi magpapapizza party daw sya.

I love pizza kaya, pati narin yung nagpapaparty.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon