CATHERINE
Mommy!
Daddy!
Kunin nyo na ko dyan sa states, masyado ng magulo buhay ko dito!
Ang ayos ayos na nga kasi walang boys na commited sa amin at wala kaming iniisip na mangugulo sa amin, pero ano?
Ano to?
Dumating pa sina Tristan, sumusulpot sulpot nga lang sila lagi sa restaurant.
It's been 2 months simula ng sinabi nyang manliligaw sya sakin.
Pero wala, wala talaga akong nararamdaman para sa kanya.
Ano ba naman to!
E papaano kasi, sinaktan nya ako dati e. Though hindi naman nya sinasadya at hindi naman nya kasalanan. Pero sinaktan nya talaga ako.
Hindi naman ako tanga tulad ng iba yan na kahit sinasaktan na't lahat lahat e lambingin lang konti ok na.
Duh!! We are the modern Gabriella Silang!
"Alam mo, feeling ko kailangan na nating lumipat ng bahay tapos wag na tayo magpunta lagi sa resto"
Sabi ko kay Chloe. Magkasama kami dito sa sala kasi nanunuod kami ng Jurassic World.
"May point ka"
Sabi nya sakin sabay subo nung hawak hawak nyang chips.
"Pero stalker natin mga yun, masusundan at masusundan tayo"
Sabi nya pa sakin. Tumango tango naman ako.
May point naman kasi sya.
Hindi naman sa nagmamaganda kami.
Pero maganda naman talaga kami.
Ayun nga, hindi ba kasi nararamdaman na wala na talaga? Na hindi na namin sila kayang mahalin?
As in!! Ang hirap talaga, pinipilit na nga lang namin ni Chloe kaso mahirap.
"Hayaan mo na nga lang, magsasawa rin mga yan"
Sabi nya sakin.
...
Dahil ayaw namin magpunta ng resto, sa mall nalang kami. Wala talaga kaming balak pumunta rito pero bored na bored na kami sa bahay.
Tulad ng dati, sa dating tambayan.
Food court!
So habang kumakain kami, napatago nalang kami bigla.
Nakita lang naman namin si Tristan at Drake na magkasama at may kasamang babae.
Yung mga babaeng kasama nila sa resto noon.
Ang galing naman!
Kunwari mahal ka talaga pero hindi naman pala.
Naku naku!
E bat parang...
Hind!
Hindi!
Bat naman ako magseselos? Hindi ko kaya yun mahal
"selos ka?"
Tanong sakin ni Chloe.
"E bat ikaw?"
Tanong ko rin.
"Konti. Ewan ko nga ba. Hindi ko naman dapat nararamdaman to. Pero mabuti narin na maaga nating nalaman na may iba pa silang babae. Baka mamaya tuluyan na tayong mahulog tapos hindi rin naman pala tayo sasaluhin"
Sabi nya. Tumango tango naman ako ewan ko din kung bat ako tumatango.
So ayun, buo na ang desisyon ko, basted na si Tristan sakin. Kahit anong sabihin nya. Basta ayaw ko ng manligaw sya sakin kasi duhh! Ano ako? Reserba lang nya, na pag nagbreak sila ng babaeng yun may ipapalit sya agad.
Hello?
Matino po akong babae. At kung magmahal akp sobra kaya please lang. I dont deserve shits!
4 pm na kami umuwi ni Chloe kasi nagsalon muna kami at spa.
Ang gastos namin this day.
Pagdating namin ng bahay, may sobre na nakaipit sa gate, may mail box naman po kami. Bat doon pa nilagay?
Syempre out of curiousity binuksan namin.
"Clinton and Scheuster business merger party"
sabi sa card. So, invitation pala yun.
"Hindi ako pupunta"
Sabi agad ni Chloe.
"Ako rin"
Sabi ko naman.
"Ano yun? i-invite tayo para pagmukhaing tanga doon? Tsaka for sure date nila e yung mga babae na yun kaya useless kung pupunta tayo dun. Waste of time"
Sabi ni Chloe.
"Tsaka ayaw ko ng patagalin to. Gusto ko ng tapusin kung ano man ang nasimulan ni Tristan"
Sabi ko. Tumingi naman sya sakin
"Sasagutin mo na?"
Tanong nya sakin.
"Oo"
Sabi ko naman.
"Oo. Sasagutin ko sya ng hindi"
pagtutuloy ko. Hindi po ako sing-martir ng 3 hero priest na GOMBURZA.
So hindi kami pupunta.
Gabi nung dumalaw si Drake sa amin. Aalis sana ako para makapag-usap sila kaso hindi naman ako pinaalis ni Chloe.
"Ayoko na"
Sabi ni Chloe. Higpit din ng pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Ayaw mo ng?"
Tanong ni Drake.
"Ayoko na. I want you to stop courting me. Ayoko ng umasa ka sa wala, hindi na tulad ng dati ang lahat, hindi na tulad ng dati na mahal kita. Kasi... kahit anong pilit ko sa sarili ko na magustuhan o mahalin ka, i can't. I'm sorry. And besides may iba ka ng mahal, ayaw kong isipin na nagiguilty ka lang sa pag-iwan mo sakin nun kaya mo ito ginagawa. I'm sorry"
Sabi ni Chloe. Lumapit pa sa kanya si Drake and lumuhod. Pinatayo naman sya ni Chloe.
"I'm sorry. I don't deserve you Mr. Drake Clinton"
Sabi ni Chloe.
Ayaw naming sabihin na niloloko nila kami kaya thats the best way to end everything.
"You deserve all the best in this world Drake. I like seeing you succeed, you're being praised by people and dahil dun i'm so proud of you. Let's just stay friends, but not more than that. I'm sorry"
sabi ni Chloe then umalis na sya, si Drake iniwan nya na nakaluhod at umiiyak.
Naaawa ako pero mas naaawa ako sa kaibigan ko dahil alam kong masasaktan lang sya ulit pag sumugal sya.
Ganun din ako, i can take risk in stocks, but not in love!
"Pakisabi narin kay Tristan na tigilan narin ako. Let's just be happy on what we are right now. Ayaw namin ni Chloe ng commitments and we're sorry for that"
Sabi ko then sinundan ko na si Chloe. Nagmukmok nalang kami sa kwarto nya at nanuod ng mga movies na paulit ulit na naming napanuod
BINABASA MO ANG
WAR FOR LOVE (friendship vs love)
Fanfic❌this is a ✔MAYWARD ✔EDVEN ✔MARVOREE ✔KISSMARC story