WFL (14)

250 24 0
                                    

Good morning!!

It's Sunday at makikimass kami ngayon ni Chloe.

"Tanungin mo sina Tristan kung gusto nilang sumama"

Sabi ko.

"Ikaw may number sa kanya diba? Ikaw magtanong"

Sabi naman ni Chloe.

Sabi ko nga e, ako na!! Sunday na sunday ang init ng ulo. Menopause na te?

*ringgg

*ringgg

"Hello"

Sabi sa kabilang linya na halatang tulog pa at napilitan lang sagutin yung phone.

"Tristan"

Sabi ko.

"Akin na nga, pabebe pa te"

Sabi ni Chloe tapos kinuha yung phone ko.

"Simba tayo. Sunduin namin kayo, bye"

Sabi nya tapos binaba na nya yung phone.

"Tara na"

Sabi nya. Kanina pa kami nakabihis kasi sabi namin 2nd mass kami. Pero wala e, inaya namin sina Tristan kaya 3rd mass na kasi mag aayos pa mga yun.

Pagkarating namin sa condo nila, diretso kami sa unit ni Tristan tapos kumatok kami ni Chloe.

Ayun, bagong gising nga sya. No choice na sya kundi sumama kasi nandito na kami kaya naligo na sya kahit labag sa kalooban nya.

Aayain sana namin si Sab at Wendy kaso. Hindi kami pinagbubuksan ng pinto nung kumakatok kami.

"Si Drake tawagin mo na"

Sabi ko kay Chloe.

"Bat ako?"

Tanong nya.

"Alangan ako, nandito yung myloves ko. Dun ka sa kanya"

Sabi ko. Kahit labag sa loob nya, pumunta na sya.

CHLOE

nu ba yan!!

Kinaaway ko lang sya kagabi sa text e taz ngayon ako pa tatawag.

*toktok

*toktok

Tapos bumukas yung pinto at...

Napatakip ako ng mata. Ikaw ba pagbuksan ng lalaki na nakaboxer shorts lang tapos topless at bagong gising pa.

"Maligo ka, magsisimba tayo"

Sabi ko sa kanya.

Hinila nalang ako bigla papasok ng unit nya.

"Ok na"

Sabi nya. Tinignan ko naman sya. Nakabath robe na sya.

"Sasama ka ba?"

Tanong ko.

"Oo"

Sabi nya.

"Sorry"

Sabi nya. Kumunot naman ang noo ko, bakit sya nagsosorry?

"San?"

tanong ko.

"I dont know. Galit ka sakin kagabi e"

Sabi nya sakin. Napatawa nalang ako. HAHAHA. Wala akong maaway kaya sya pinagtripan ko kaya kami nag away.

"Wala yun. Dali na"

Sabi ko tapos tinulak tulak ko na sya. Naghintay nalang ako sa sala nya.

Ngayon ko lang napasok to, tsaka hindi ko pa napasok yung kwarto nya noon sa may subdivision.

*toktok

*toktok

Baka si Cat na yan.

Pagbukas ko.

"Sab?/Chloe?"

Sabay naming sabi.

"anong ginagawa mo rito?"

Tanong niya sakin.

"Magsisimba kami ni Drake"

Sabi nya.

"Ganun ba? S-sige. Aalis na ako"

Sabi ko naman. Hindi ba ako nagpaalam kay Drake, umalis nalang ako tapos nakita ko naman si Cat sa labas ng unit ni Tristan.

"Bat ka nandyan?"

Tanong ko.

"Tayo nalang magsimba, may date pala sila"

Sabi nya. Hinila niya ako tapos sumakay na kami ng elevator.

...

Hinintay muna namin matapos yung 2nd mass bago kami pumasok kasi malapit narin naman matapos kanina.

Ang pangit naman pag hindi namin mauumpisahan ang misa, useless lang din.

"Cat"

Sabi ko.

"Paano pag nagugustuhan mo na ang isang tao?"

Tanong ko sa kanya.

"Bakit? Gusto mo na si Drake?"

Tanong nya.

"E? Hindi a. Nagtatanong lang"

Sabi ko.

"Ganito yun, pag gusto mo na sya. Lagi mo lang syang naaalala, tapos namimiss mo sya kahit hindi naman kayo gaanong nagbabonding"

Sabi nya. Napakunot naman ako ng noo.

"Hindi ko naman sasabihin kay Drake"

Sabi nya pa.

"Baliw"

Sabi ko nalang tapos naglabasan na ang mga tao, nung wala ng lumalabas e pumasok na kami. At tenen, nandito narin sina Drake at Tristan kasama ang date nila.

Wala sakin yan, hindi ko naman sya gusto. Slight lang! O ayan na, ayaw kong lumalim yang pagkagusto ko sa kanya kaya iwas iwas nalang, baka magalit ang imaginary boyfriend kong si Francis.

Hindi nalang kami lumingon ulit sa kanila, yung parang hindi namin sila nakita, ganun. Dire diretso lang kami ni Cat papunta sa may gitna.

Hanggang sa nagstart na yung mass.

Peace be with you!!

Peace be with us!!

...

After mass, we decided na magpunta muna sa mall para magshopping. Mayaman kami ngayon, ngayon lang. bagong bigay allowance e, joke. May kinukuhanan naman kasi kami ng extra income.

CATHERINE

"Sa tingin mo, bakit tayo iniiwan?"

Tanong ko kay Chloe. Nagulat ata sya sa tanong ko.

"Kasi hindi tayo sapat"

Sabi naman nya. Ay may sagot si ate.

"Sa tingin mo, bakit tayo niloloko?"

Tanong nya.

"Kasi hindi tayo mahal"

Sabi ko naman. Diba? Hindi ka naman lolokohin ng isang tao kung mahal ka nya. C'mon, tanga lang yung gagawa nun.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon