WFL (36)

254 20 10
                                    

CATHERINE

Good Morning!

Good Morning Greece!!!

Yes, nandito kami sa Greece. Surprise trip ni Tristan sakin.

Ang sabi lang nya kasi sakin e pupunta kami ng Singapore for business purposes, busy busy kasi ako sa paglalaro ng candy crush e tinawag yung flight namin, hindi ko narinig kung saan kaya ang alam ko sa Singapore.

Paglapag nung eroplano biglang... Greece naman na.

And we're here sa isang private villa malapit sa dapat.

Sobrang ganda ng gising pag ganito kaganda ang view pagmulat mo ng mata tapos may nakadagan na kamay sa tiyan mo and you feel the comfort kasi alam mong mahal mo yung taong yun.

Ayaw ko na tuloy matapos ang araw na ito.

Ang rules?

No phone, no wifi or anything just the camera na gagamitin to capture memories.

"Good morning"

Bati nya sakin na nakapikit pa sya.

"Good morning"

Bati ko naman tapos hinalikan ako sa noo.

Ako lang ba?

Ako lang ba yung tipong feel na feel yung pahalik sa noo ng taong mahal nya kasi feeling ko sobrang special ko? Ako lang ba?

"Punta tayong santorini ngayon?"

Tanong ko sa kanya.

"Oo"

Sabi nya tapos bumangon na sya.

Before anything else, lilinawin ko lang ang lahat.

Wala pa pong nangyayari sa aming dalawa, nagtatabi lang kami sa kama pero hanggang kiss lang muna.

I'm against pre-marital sex. Though napakaliberated na ng mundo ngayon, gusto ko parin isabuhay yung pagiging dalagang pilipina ko.

Sex after marriage tayo.

I don't judge those na naibigay na ang perlas ng silangan kasi syempre mahal nila yun e pero ingat ingat lang muna kasi masyado ng malaki ang populasyon ng Pilipinas ngayon kaya wag muna magdagdag.

Bumangon narin ako tapos naligo na, after nun nagbreakfast na kami tsaka kami umalis na.

Andami pa naming stop over kasi sobrang ganda ng mga view.

Pagdating sa satorini e iniwan ako ni Tristan kasi magc-cr daw muna sya kaya naglibot-libot nalang muna ako.

Sabi naman nya ok lang na maglibot muna ako hahanapin nalang daw nya ako

"Good morning"

Bati sakin ng mga nakakasalubong ko.

Nakikigood-morning nalang din ako kahit na hindi ko sila kilala.

"For you"

Sabi nung isang bata tapos nag abot ng red rose.

Naglakad nalang ulit ako habang inaamoy yung rose. Napakahospitable naman ng mga tao dito at may paflowers pa sila.

"Hi beautiful"

Sabi nung isang babae, les? Tapos nag abot sya ng isang rose.

Makakapag uwi ata ako ng isang dosena ngayon ha.

Pero ayun nga, 2 lang ang natanggap ko. Tapos may lumapit sakin.

"hi ma'am i'm Charity a tourist guide. Would you like to go around the place? I'm willing to assist you miss"

Sabi nya sakin. Ngumiti naman ako.

"How much?"

Tanong ko. Wala ng libre ngayon no.

"No ma'am. It's for free"

Sabi nya. Tumango nalang ako tapos nilibot nya ako.

Nagkita naman kami ni Tristan pero umalis din sya kasi may naiwan daw sya sa villa kaya tumambay lang ako dito.

Hapon na wala pa sya, mabuti mabait itong si Charity at hindi ako iniwan.

So ayun nga, inaya na ako ni Charity na manuod ng sunset. Sayang na kay Tristan kasi yung camera kaya walang sunset na remembrance.

habang naghihintay kami ng sunset, biglang may nagkantahan na magbabarkada.

*can't help fallin' inlove -elvis presley

After ng kanta e sa kabila naman may kumanta.

*marry me -jason derulo

Saktong palubog na yung araw ng biglang may pamilyar na boses na kumanta sa likuran ko kasabay nung kumakanta kanina at nakisali pa yung isa.

Paglingon ko, si Tristan.

Waaahhhh..

Nakahawak sya ng maliit na box habang nakaluhod.

Tumayo naman ako tapos nakatingin na sa amin yung mga tao.

"Will you marry me?"

Tanong nya.

Nakatingin lang ako sa kanya, i was shocked.

"Yes"

Sabi ko tapos tumayo sya at niyakap nya ako tsaka hinalikan sa harap ng madaming tao. Humiwalay din naman sya agad kasi isusuot pa nya yung singsing sakin.

"Bagay o"

Sabi ko tapos ngumiti.

Saktong sakto yung pagsagot ko ng yes ng lumubog na talaga yung araw.

Sobrang saya ko.

"I love you"

Sabi nya.

"I love you too"

Sabi ko naman tapos hiyawan yung mga tao at may nagbigay na ng camera samin tapos binayaran na ni Tristan.

Umalis narin yung mga tao pero kami naupo muna saglit tapos tinignan ko yung mga pictures na kuha.

Kanina to a? Nung tinutour ako ni Charity tapos nung binigyan ako ng flowers.

"Sobrang saya mo dyan"

Sabi nya sa akin. Ngumiti naman ako tapos sumandal ako sa balikat nya.

Tapos sobrang perfect ng mga kuha nung nagpropose na sya.

Naiimagine nyo ba?

Yung tipong magkatabi kayo habang padilim tapos sobrang tahimik ng paligid at parang kayo lang ang tao sa mundo.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon