It's business month!!
And may business conference kami ngayon na aattendan wherein, lahat ng mga kilalang business tycoon nandoon.
Sina Henry Sy ganern. Iba rin diba?
Ilang beses narin naman namin silang nakita at nakasama, pero naaamaze parin talaga kami sa kanila.
"Today, we're business woman"
Sabi ko. Tapos nag apir pa kami.
Alam nyo kasi. May mga shares kami sa JFC (Jollibee Foods Corporation) that means na we're a minority stockholder ng kumpanya nila. Which means, partner kami ni Henry Sy sa business nya. YES! FEEL SO RICH! HAHAHA.
...
Nandito na kami sa hotel kung saan gaganapin ang business conference.
Andaming businessman. Ang sosyal makakita ng mga taong nakacorporate attire tapos yung iba ang babata pa at yung iba matatanda na talaga.
Syempre nakikipag-usap din naman kami.
About sa Market.
Na sa ngayon e Bearish kasi mataas ang inflation rate.
Hanggang sa magstart na yung conference na parang program narin.
Unang nagtalk si Mr. Sy tapos sumunod ang CEO ng isang brokerage firm.
Hanggang sa...
"Mr. Drake Clinton. He is an Engineer by profession, he is also a model and most importantly a businessman who became the face of business magazine last year"
Pagpapakilala nung emcee.
Nagkatinginan naman kami ni Chloe na pumapalakpak na.
"Laki na ng katawan a"
Sabi ko.
"Laway mo"
Sabi naman sakin ni Chloe. Tapos nagsalita na sya.
Iba rin! Yung accent nya talaga nagdadala e.
Tumagal ng ilang oras yung talk and then bumaba na sya para maupo.
"and our last speaker is Mr. Tristan Scheuster. He is a friend of Mr. Clinton, an Engineer by profession but a businessman by heart"
Sabi nung emcee tapos lumabas si Tristan na inaayos pa yung botones nung coat.
"Gwapo?"
pang aasar ni Chloe.
"Oo. Medyo hot na ngayon"
Sabi ko naman. Kala nya siguro affected ako. Hay naku!
"Thank you for inviting me here..."
Ay o! Iba rin! yung accent din e.
Nu bang nangyari sa dalawang to nung nangibang bansa? Anong klaseng delatang de susi kaya ang nakain nila?
May asawa na siguro mga to.
Well, again! GOOD FOR THEM
Nakinig lang kami, hanggang sa matapos na yung talk.
Uwian na. 5 hours din tinagal namin dun e.
Palabas na kami ng may humawak sa balikat ko, well hindi ako pwedeng manapak kasi mga kilalang tao nandito at may press din sa labas baka mamaya pumasok sila.
Lumingon ako.
Hindi na po ako yung Catherine dati na payat at loka loka.
Im Catherine v.2.0 o diba? May paganun.
Ayun nga, paglingon ko. Si Tristan, kaya hinila ko si Chloe na lumingon narin. Nasa likod lang po ni Tristan si Drake.
"Mr. Clinton"
Sabi ko. Napakaformal, that's what we are.
"Quit the formality Cat"
Sabi naman niya.
"How are you?"
Tanong ni Tristan.
"I'm good. We're good"
Sabi ko. Tapos ngumiti pa kami.
"You're in a business also?"
Tanong ni Tristan.
"Obviously. Yes"
Sagot ni Chloe. Yeah GIRL! I LIKE THE ATTITUDE. HAHAHA.
"Uhm. So are you both busy tonight?"
Tanong ni Drake.
"Actually, may date kami tonight"
Sabi ni Chloe.
"Oh. Ok, we'll see you around"
Sabi ni Tristan tapos umalis na sila kami naman umuwi na. See you around e pauwi na kami, hahaha. May pachibog pa kasi na nagaganap kanina.
"Sinong kadate natin?"
Tanong ko kay Chloe.
"Tayong dalawa"
Sabi naman nya sakin, napangiti naman ako tapos nakipagfist bump pa ako.
and nagdate nga kami ni Chloe kinagabihan. At yung resto na pinuntahan namin, nandun din sina Tristan at Drake na may tig-isang babae.
May gf nga. Syempre ang gwapo rin naman kasi nila kaya hindi malayong magkagf sila.
"Nandito rin kayo"
Sabi ni Tristan.
"kayo rin"
Sabi naman ni Chloe. Ehem!! Note the sarcasm. Obvious naman kasi.
"So sino kadate nyo?"
Tanong ni Drake.
"Did we say na may kadate kami? Sabi ko may date kami. It means kaming dalawa"
Sabi pa ni Chloe. Napapangiti nalang ako, i want to laugh pero nakakahiya. Hello! Si Mr. Scheuster yan at Mr. Clinton, wala pa kami sa kalingkingan ng mga yan.
Bumalik din sila sa table nila.
Kami ni Chloe dumating na yung order kaya kumain na kami. And after kumain, umuwi narin kami agad kasi feeling namin pagod na pagod kami dahil sa kabusugan.
kami lang ba? Yung pag busog laging inaantok? Hindi naman siguro.
BINABASA MO ANG
WAR FOR LOVE (friendship vs love)
Fanfic❌this is a ✔MAYWARD ✔EDVEN ✔MARVOREE ✔KISSMARC story