Ayun nga, ginabi na kami ni Chloe dito sa unit ni Tristan. Gusto na ni Chloe umuwi kaso sabi ko wag muna dahil baka mamaya maglasing na naman itong si Tristan.
"Umorder ka nga ng pagkain Drake"
Sabi ni Chloe.
"Ano bang gusto mo?"
Tanong ni Drake.
"Ikaw ng bahala. Gutom na kami"
Sabi ni Chloe
"E ikaw lang naman gusto ko"
Sabi naman ni Drake, ngumiti naman si Chloe pero sumimangot din agad.
"Balakajan"
Sabi nya lang. Naku, kung ganyan lang sakin si Tristan matagal na kaming kasal. HAHAHA.
"Uggh"
Dinig namin, nagulat pa kami a. Syempre si Tristan yun na kagigising lang.
Umaga po kami nagpunta rito at sa ngayon 7 pm na po at sobrang dilim na sa labas.
"Bat kayo nandito?"
Tanong niya samin.
"Bat ka lasing?"
Tanong naman ni Chloe.
"Ok na ako"
Sabi nalang nya. Ngumiti naman ako tas lumapit ako sa kanya para alalayan sya.
"Thanks"
Sabi niya sakin, umooo. Yung kahit amoy alak sya e parang ang bango nya parin.
"Iba rin mag alaga ang isang Catherine e"
Sabi ni Chloe tapos nakipag apir pa kay Drake. Parang timang mga to, hay naku!!
"Lilibre nalang kita ng dinner next time"
Sabi ni Tristan.
"How bout us?"
Tanong ni Chloe. Echoserang babaeng to, di nalang makipagdate kay Drake. Guguluhin pa kami ni Tristan.
"Joke. Joke. Kakain nalang din kami ni Drake sa labas"
Sabi naman nya tapos tong si Drake ngiting ngiti naman tapos kinindatan ako ni Chloe. Napakamot naman ng ulo si Tristan.
Dahil nga sa wala namang maluluto dito sa unit ni Tristan, umorder nalang kami sa McDo.
Habang kumakain kami e biglang may kumatok.
"Ako na"
Sabi ko. Kaya tumayo muna ako at binuksan yung pinto. Tapos bumungad sakin si Wendy at Sab na nakangiti pero nung makita ako e sumimangot din.
So ayun, FO na talaga kami?
"Excuse me"
Sabi ni Sab, tatayo naman sana si Chloe kaso hinila lang sya ni Drake palapit sa kanya.
"Thats Cat's place"
Sabi ni Tristan nang uupo sana si Wendy sa tabi nya. Holyyyy crappp, kinikilig ako!! Ohmygadddd
"Kain ka na ulit"
Sabi ni Tristan, tapos kumain lang sila ni Drake na parang wala sina Wendy at Sab. Hindi naman kami makakain kasi ayaw namin yung oinapanuod kami habang kumakain e. Mabuti nalang paubos na tong pagkain namin ni Chloe ng dumating sila. Mabagal lang talaga kumain tong dalawang lalaki.
Pagkatapos kumain e niligpit na ni Chloe ang pinagkainan tapos tinapon sa basurahan.
So ngayon, magkakaharap harap kami, walang umiimik. Tahimik lang.
"Alis na kami"
Sabi ko tapos hinila ko si Chloe palabas ng unit. Hindi ko na matagalan ang katahimikan, alam nyo naman ako. Madaldal akong tao.
"Napano tayo?"
Tanong ni Chloe.
Ang lagay e, kampihan nalang talaga ganun? Kami ni Chloe tapos si Wendy naman at Sab.
Gusto kong makipag ayos kaso lalapit palang kami e ang sama na ng tingin nila sa amin.
"Parang nakazip yung bibig ko kanina"
Sabi ko naman. Tapos nagtawanan lang kami habang nasa loob ng elevator.
"Sa unit mo muna ako matutulog"
Sabi ni Chloe.
"Edi sana hindi ka na bumili ng sayo at sa akin ka nalang"
Sabi ko naman.
"Oo nga no"
Sabi naman nya. Pero wala, nabili na nya kaya yun na yun.
Syempre sa unit nya muna sya dumiretso para maligo at kung anu ano pa tapos nagpunta rin sya agad dito sa unit ko.
Sa ngayon, nanonood lang kami ng Chinese Drama, yung 'a love so beautiful' ang ganda lang kasi.
Parang ako lang at si Tristan yung bida dun. HAHA. Ako ni Xiao Xi kasi hindi ako nawawalan ng pag-asa kay Tristan na magugustuhan din nya ako. Tapos si Tristan naman si Jiang Chen kasi wala, parehas silanh gwapo. Yieehhh.
"Bakit kaya lahat ng bangs at shorthair ang gagwapo ng jowa?"
Biglang tanong ni Chloe.
"yun kasi nakatadhana sa kanila"
Sabi ko naman.
"Magpapashorthair narin ata ako"
Sabi nya.
"Manuod ka na nga lang, kung anu-ano naiisip mo"
Sabi ko. Tapos nanuod na nga lang kami. Hanggang episode 15 lang inabot namin kasi inaantok na kami e.
Kaya goodnight na sa inyo!!
![](https://img.wattpad.com/cover/151093695-288-k796575.jpg)
BINABASA MO ANG
WAR FOR LOVE (friendship vs love)
Fanfiction❌this is a ✔MAYWARD ✔EDVEN ✔MARVOREE ✔KISSMARC story