WFL (12)

254 20 13
                                    

CATHERINE

2 months later...

Binigyan kami ng government notice na kakailanganin daw ang lupa ng subdivision namin kaya kailangan naming umalis.

Well, we just bought a condo unit. Kasi mahirap maghanap ng bahay. And malapit lang ang condo dito sa school kaya convenient narin sa amin. And hiwa hiwalay na kami ng unit kasi this past few months medyo nagiging malabo na ang pagkakaibigan namin.

Sina Tristan naman at Drake, medyo malayo yung binilhan nila ng condo kaya hiwa hiwalay na kami.

*toktok

*toktok

Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ng unit ni Chloe, sya lang nakakausap ko kasi si Wendy bigla nalang akong hindi pinapansin tas pag kinakausap ko naman nag-i-earphones agad.

Si Sab naman, sabi nya hindi nya raw ako kakausapin kasi mas close kami ni Chloe.

pinagbuksan naman na ako ni Chloe na nakatali ang buhok tapos naka-apron pa.

"Cupcakes"

Sabi nya. Nagpunta naman ako sa kusina nya.

"Si Tristan nakausap mo na?"

Tanong nya sakin.

"Hindi pa nga e"

Sabi ko. Hindi nya talaga ako kinakausap, ewan ko kung bakit. Parang naging malabo na ang lahat.

"Give him time"

Sabi ni Chloe, tumango naman ako tapos kumuha ako ng isang cupcake na nabake na nya.

"E si Drake? Bat di mo bigyan ng chance?"

Tanong ko sa kanya.

"Kumain ka na nga lang dyan"

Sabi naman nya.

After nyang magbake e nilagay na nya sa box yung mga cupcakes tapos lumabas na kami.

Ewan ko kung saan kami pupunta.

...

Nandito kami ngayon sa park, may birthday party pala. May sideline narin pala si ateng.

"Thank you po"

Sabi nya dun sa mommy ata nung celebrant tapos inabot na yung bayad at umalis narin kami agad.

*kringggg

*kringggg

"H-help!!"

Tinignan ko yung tumatawag, si Tristan.

"what? Where are you?"

Tanong ko.

"Sa pusho mo"

Sabi nya. Ay, lasing to!! Sinong may pusho dyan? Pusho? Pusho?

"Hihintayin kita dito"

Sabi nya tapos binaba nalang bigla yung phone.

"Alam mo ba kung saan ang condo ni Tristan?"

Tanong ko kay Chloe.

"Sa---"

"Samahan mo na nga lang ako"

Sabi ko tapos hinila ko na sya.

...

Nakarating nga kami sa condo building nila, si Drake saktong palabas ng elevator at hindi ko alam kung saan pupunta pero sumama narin sya sa amin ni Chloe.

"Room?"

Tanong ko.

"548"

Sabi ni Chloe, alam na alam a.

Pagkarating namin, bukas naman yung pinto tapos magulo ang mga gamit.

"Hey"

Sabi nya samin ng makita nya kami. Andaming bote na nagkalat.

"I saw Camille. Sabi nya hindi ako makakasama sa kanya. Sh*t i want to be with her"

Sabi nya. Lumapit naman ako, hindi naman nya ako tinaboy kaya inalalayan ko na sya papunta sa kwarto nya.

"Ano ba yan, anong ginagawa mo sa sarili mo?"

Tanong ko sa kanya.

"Me? uh? Wheres Camille? Drake, you saw Camille? She's here"

Sabi nya. Matagal na ngang patay si Camille e.

"Bro, just rest"

Sabi ni Drake. Tumingin naman ako kay Chloe.

"Ikaw na bahala sa kanya, mag-aayos lang ako ng mga gamit nya dun"

Sabi niya, tumango naman ako tapos lumabas na sya. Sumunod naman si Drake sa kanya.

Ano bang gagawin ko sayo?

Tignan mo nga. Nasukahan nya pa ang damit nya tapos may mga gasgas pa sya sa kamay nya tapos gulo gulo pa buhok nya.

"hubarin ko muna damit mo"

Sabi ko, tapos hinubaran ko na nga sya kahit na ang bigat bigat nya.

Holyyyy mamamiyaaaahhh!!

Wala syang abs pero ang hot nya tignan.

"Laway te. Wag mong rape-in"

Sabi ni Chloe tapos umalis din, sumilip lang talaga sya.

Tumakbo naman ako saglit nung tubig at kahit anong damit na nya dyan para pamunas sa kanya.

Habang pinupunasan ko sya, may nakita akong tattoo sa tagiliran nya, elbow level.

"Mahal na mahal mo talaga sya"

Sabi ko nalang. Pangalan kasi ni Camille yung nasa tattoo nya.

Ang swerte naman talaga ni Camille kasi kahit wala na sya, may tao paring mahal na mahal sya at umaasang bumalik sya kahit hindi na talaga sya makakabalik.

Habang pinupunasan ko sya, bigla nya akong hinila at sumubsob ako sa dibdib nya tapos niyakap nya ako.

"Stay"

Sabi nya. Humihiwalay ako kaso hinihigpitan nya ang pagyakap nya sakin

Hanggang sa marinig ko nalang sya humihilik. Ang comfortable din pala pag nakaunan ka sa dibdib nya.

"Uso bumangon"

Sabi ni Chloe. Ano ba tong babaeng to? Pasulpot sulpot nalang bigla.

Bumangon na nga ako tapos pinunasan ko na ulit sya at binihisan ng damit. Ayaw ko namang hubarin yung shorts nya kasi baka iba ang bumungad sakin. HAHAHA.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon