WFL (24)

211 14 11
                                    

It's been a week.

It's been a week na nasasaktan ako, umiiyak gabi gabi, hindi pa ako makakain ng maayos.

Sobrang painful!

Oo wala pa kaming one month! Pero minahal ko sya ng sobra. Ang sakit sakit.

"C'mon Cat, lets go out. Napapabayaan mo na sarili mo o"

Sabi ni Chloe sakin. Nandito ako sa unit nya kasi sobrang tahimik sa unit ko and ang lungkot ko pa kaya dito muna ako.

Hindi naman kasi naging sila ni Drake kaya hindi masakit para sa kanya.

Tapos si Drake bumalik na ulit ng Italy, kinausap nya ako kasi ayaw sya kausapin ni Chloe.

Sabi naman netong si Chloe, what the point of talking to someone na aalis na. Ayun, wala talaga, nagmatigas na si Chloe tulad ko.

Yes, Tristan tried to talk to me. Pero ayaw ko talaga, ayaw ko syang marinig. Makita. Makausap at lalo na sa lahat, ayaw ko na syang maalala.

Pero wala e... sya parin laman ng isip ko.

Baliw kasi tong puso na to, pati si utak dinadamay sa katangahan.

Sina Sab at Wendy? Lumipat ng ibang condo at binenta na ang unit nila.

Ayaw ko lang talaga silang makita. Pati si Sab ayaw makita ni Chloe.

Hindi ko alam kung anong nangyari kina Drake, Chloe at Sab and wala akong balak magtanong, hahayaan ko nalang na si Chloe ang magkwento sakin ng mga nangyari baka mabigat pa sa kanya ang lahat.

"Ok. Hindi na kita pipilitin, dito ka nalang muna kasi may bibilhin lang ako sa labas"

Sabi nya sakin, tumango naman ako.

Tapos umalis na sya.

.....

Seconds...

Minutes...

Hours...

Days...

Weeks...

Months...

and 4 years passed

Ok na kami, may resto na kami ni Chloe na minsan sya ang nagluluto tapos ako ang manager.

We also have 2 resorts and 1 bar. Katas lahat yan ng pagod namin sa pagtatrabaho.

About sa relasyon namin? Well! Nakamove on na kami. We're happy now and nakipagbati na kami kina Sab at Wendy.

Hindi narin bumalik yung friendship namin, si Sab isa ng model ng isang clothing line. Si Wendy naman nakapag-asawa na sa ibang bansa ng britano, we even attended their wedding.

Si Sab may boyfriend na artista, Neil ata ang pangalan. Basta yun.

ako, hindi pa ako nagkakalovelife since kay Tristan na hindi ko pa nakikita hanggang ngayon, kasi nung graduation e bumalik narin sya agad ng Germany.

Hindi ako umaasa na mahal pa nya ako! As i've said, nakamove-on na ako.

Si Chloe may isa syang naging bf pero hindu nagwork ang relasyon nila kaya ayun hindi sila nagtagal.

"Ano? Spa?"

Tanong ni Chloe.

"Sa Sunday nalang after natin magsimba. Magshopping nalang muna tayo"

Sabi ko.

"Basta ikaw. SHOPPING"

Sabi nya tapos inirapan pa ako ng babaeng to.

...

Pagdating namin ng mall e kung saan saang boutique kami napunta pero wala! Wala akong nagugustuhan sa mga damit. Si Chloe may 4 na damit ng nabili.

"huy Chloe tignan mo o"

Sabi ko sa kanya.

Nakita ko yung picture na kamukha ni Drake sa may stand. Naka-americana yung isa tapos yung isa naman e nakasummer attire tapos yung isa e topless lang sya at pero shorts naman yung suot nya.

"baka si Drake yan"

Sabi ko.

"Well, good for him"

Sabi nya ng nakangiti. Tapos umalis narin kami, wala kaming balita sa kanila e. As in... ayaw naming maging FBI noon kahit ngayon. HAHA.

"So ano to?"

Tanong ni Chloe sakin. Tapos pinakita yung cover ng magazine na kinuha nya.

"Tristan Scheuster: outstanding engineer businessman of the year"

Sabi dun sa cover.

Wow!!

"Good for him too"

Sabi ko naman tapos nagtawanan lang kami, tinignan ko yung likod nung magazine.

"Meron pa o. Drake Clinton: last years most outsanding Engineer, businessman, model"

Basa ko. Ay iba rin! So sya nga yun.

"GOOD FOR THEM"

Sabay naming sabi tapos binalik na yung magazine.

Bumili nalang ako ng 2 dress tapos nagpunta na kami ng foodcourt. All time favorite tambayan namin ni Chloe.

"May naiisip ako"

Sabi ko sa kanya.

"Ano?"

Tanong naman nya.

"Na naglalakad tayo papunta sa altar. Double Wedding"

Sabi ko. Wala lang, naisip ko lang yun. Hello!! We're 23 at malapit na kaming mag25 na goal namin para maikasal. E wala naman kaming bf kaya baka 28 nalang. HAHAHA.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon