WFL (9)

266 23 2
                                    

papunta ako ngayon sa bahay nila Tristan kasi may sakit daw sya sabi ni Drake tapos walang mag-aalaga sa kanya.

Si Wendy naman nag out of the town kasama ang mga kaibigan nya for 2 days weekend naman ngayon.

*dingdong

"Pasok ka"

Sabi ni Drake pagkabukas ng gate nila.

"Take care of him muna. I have to meet someone e"

Sabi ni Drake, tumango tango naman ako.

Ang shunga naman kasi nitong si Tristan, kakatapos lang magbasketball tapos magpapaulan agad.

At eto pa, nagpaulan sya para lang kay Wendy na hindi rin naman sya sinipot kasi nga nung time na yun, paalis na sya para sa trip nila.

"Uminom ka na ba ng gamot?"

Tanong ko kay Tristan na nakakumit lang ngayon tapos nanginginig pa.

"Kanina pa"

Sabi nya. Nilapitan ko naman sya at hinawakan ang noo, ang taas ng lagnat nya.

Kumuha ako ng bimpo at maligamgam na tubig. Alam nyo na yung ginagawa pag may sakit ang isang tao.

"Matulog ka na"

Sabi ko.

"Thanks"

Sabi naman nya.

Ayun pumikit na sya, hays!! Ang gwapo gwapo mo talaga, sana ako nalang kasi ang magustuhan mo para hindi ka na umaasa pa. Hindi naman ako mahirap mahalin e.

Tignan mo nga, napkacaring ko pa sayo kahit wala akong hinihintay na kapalit.

Tristan, alam ko malayong mas maganda si Wendy pero mas bubbly naman ako sa kanya.

Tumayo na muna ako para mag-ayos muna ng mga gamit nya na medyo makalat din.

Habang nag-aayos ako e biglang may picture akong nakita.

Di kaya ito yung ex nya?

Pero---

Kamukha ni.... whut?

Kamukha ni Wendy, pero mas matangos ilong nitong nandito sa picture tapos mas matangkad ng konti kay Tristan.

"Kaya ba si Wendy nagustuhan mo?"

Tanong ko kay Tristan sa picture.

"Wala naman pala akong laban e"

Sabi ko nalang tapos nagpatuloy na ako sa pag aayos ng mga gamit nya.

2 hours later...

"Kain ka na"

Sabi ko sa kanya. Medyo bumaba na yung lagnat nya hindi tulad kanina na sobrang taas.

"Thank you"

Sabi nya sakin, ngumiti lang ako.

sarado na ang feelings ko sa kanya kasi sa nakikita ko ngayon, hindi pa sya nakakamove on sa ex nya na namatay.

Parang kapatid lang ang tingin nya kay Wendy? Hindi yun totoo, kasi alam kong nakikita nya ang ex nya rito. Sana lang hindi nya masaktan si Wendy.

Hindi si Wendy ang mahal nya pag nagkataon, yung ex nya na namatay parin.

"After nyan, inumin mo na yang gamot mo. Tapos magbihis ka ng damit kasi pawis ka na e"

Sabi ko. Tumango tango naman sya.

*kringgg

*kringgg

*Chloe calling

"Bakit?"

Tanong ko.

"Asan ka ba? Wala akong kasama rito. Nagluto ako ng sinigang wala naman pala akong kasamang kakain"

Sabi nya sa kabilang linya.

"Nandito kina Tristan. Dalhan mo nga kami"

Sabi ko.

"Ok"

Sabi naman nya tapos binaba na nya yung tawag.

"Masarap magluto si Chloe kaya for sure magugustuhan mo yung sinigang nya"

Sabi ko. Ngumiti naman sya.

CHLOE

Pagkalagay ko ng ulam sa baunan e lumabas na ako at nagpunta kina Tristan, saktong dumating din si Drake na hindi ko alam kung saan nagpunta. Sumabay nalang ako papasok.

"Pakibigay kay Cat"

Sabi ko sa kanya, tapos kinuha nya yung baunan at nagpunta sya ng kusina.

"Kumain ka na?"

Tanong nya.

"No. i'm ok, kakain nalang ako mamaya sa bahay"

Sabi ko.

"Chloe"

Sabi nya.

"Bakit?"

Tanong ko naman.

"If you're gonna tell me na gusto mo na naman ako, may boyfriend ako"

Sabi ko sa kanya.

"No. Itatanong ko lang kung may naging bf naba si Sab"

Sabi nya. Ok, assumera ka ng taon Chloe.

"Meron, pero wala ngayon. Gusto mo ilakad kita sa kanya?"

Tanong ko. Umiling iling naman sya, kahit hindi mo naman ilakad ang isang to e, halata naman kay Sab na gusto nya ito.

"Awww"

Sabi ko ng hawakan ko yung mangkok, mainit pala kasi. Muntanga ka naman Chloe.

"Are you ok?"

Tanong nya na hahawakan sana yung kamay ko kaso binawi ko agad.

"dalhin mo na ito"

Sabi ko, kinuha naman nya at nagpunta sya sa kwarto ni Tristan. Bumaba naman si Cat na nakasimangot.

"Anyare sayo?"

Tanong ko.

"Magmu-move on na ako"

Sabi nya sakin

"Kanino?"

Tanong ko.

"Kay Tristan, game over na pala"

Sabi nya. Halata mo talaga na malungkot sya, iba rin kasi ito magkacrush, mahal na agad. Lalo na't close na sila.

"Hayaan mo na, makakahanap din tayo"

Sabi ko ng nakangiti.

Nakatambay lang kami dito kina Tristan ng ilang oras tapos napagdesisyunan na naming umuwi dahil maggagabi narin at baka pasukin pa ng magnanakaw yung bahay namin.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon