WFL (18)

248 17 3
                                        

CATHERINE

naalimpungatan ako ng biglang may pumitik sa ilong ko.

Pagmulat ko...

Ay ang gwapong nilalang, nakakaganda ng gising ang bungad sakin e. Isang ngiting sobrang lawak.

"Good morning"

Bati nya sakin. Magsasalita sana ako kaso naalala ko, bagong gising ako at baka may muta ako tapos bad breath kaya tinulak ko sya agad at pumasok ako ng banyo nya.

Wala naman, pero, medyo hindi kaaya aya ang amoy ng ating bunganga. Hahaha.

Nagmumog muna ako bago ako lumabas. At nagpunta ng kusina nya, nandun sina Chloe at Drake na kumakain na.

"Good morning Princess"

Sabi ni Chloe.

"Princess mo mukha mo"

Sabi ko naman. Tapos tumabi na ako sa kanya at nakikain sa kinakain nya. Malamang sya na naman nagluto.

After naming kumain, bumalik narin sila ng unit ni Drake tapos ako naman naligo narin tapos nagbihis sa loob ng banyo. Nauna ng natapos si Tristan e.

After nun, wala naman kaming hair dryer kaya basang basa yung buhok ko na lumabas ng unit nya. Saktong lumabas din si Chloe at Drake. Sabay sabay na kaming pumasok sa school.

At naghiwa hiwalay din kami nung nakarating na kami.

"Alam mo kasi Sab, may mga walang kwentang kaibigan talaga e. Alam na nga nilang may gusto yung kaibigan nila doon, papatusin pa"

Sabi ni Wendy na kasama sisab ngayon habang nakauspo sa may bench dito sa hallway.

Malamang ako yun, kasalanan ko ba kasi na hindi na sya gusto ni Tristan?

Wag ko nalang pansinin, mamaya baka kung ano pang masabi ko.

Walang kwentang kaibigan? Bakit di nalang sila maging masaya para sa amin ni Chloe, makakahanap din naman sila ng lalaking magmamahal sa kanila e.

They're pretty, kaya hindi malayong magkakagusto mga lalaki sa kanila.

Dire-diretso lang ako ng lakad, as if im not hearing anything.

Gustong gusto ko na talagang makipagbati, pero wala e... they keep on pushing me away from them.

Pagkarating ko sa room, as usual tahimik dahil wala pa yung mga maiingay.

Tapos biglang...

"Huy, nakita kita kagabi kasama yung gwapong player a. Nagdate kayo?"

Tanong ni Ally kaklase ko.

"Huh?"

Pagmamaang maangan ko.

"Iba rin a, ang gwapo ng jowa"

Sabi nya sakin. Icocorrect ko sana na hindi ko jowa si Tristan pero wag na, dun din naman mapunta yun.

Pinaalis ko nalang sya, nai-stress parin kasi ako dahil kina Sab at Wendy.

Hindi naman kasi sila ganun dati e. Masyado naman silang nabubulag sa pag-ibig.

Kasi kung ako sasabihin ni Tristan na hindi nya gusto at si Wendy gusto nya, masaya akong tatanggapin yun. Magmu-move on ako kasi andami namang ibang lalaki dyan e.

...

After ng klase, hindi ko na hinintay si Chloe at nauna na akong umuwi kasi pupunta sya ng campus ministry para sabihin na aalis na sya ng Chorale.

Mahirap din naman kasi pagsabayin ang studies at chorale, ginagabi nga sya ng uwi dahil dun e.

"Waiting for someone?"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dito sa shed ng sumulpot bigla si Tristan

"Sasakyan"

Sabi ko naman.

"sumabay ka na sa amin ni Drake, hinihintay lang namin si Chloe"

Sabi nya. So ayun, maghihintay din pala ako.

"S-sige"

Sabi ko nalang tapos hinawakan nya yung kamay ko at pumasok ulit kami ng campus. Yieehh!! Kinikilig ako mga besh.

This is what they call, the famous HHWW.

"Nakakahiya"

Sabi ko pa sa kanya, ako pa talaga nahiya a.

"Relax. Ganito din naman bagsak natin"

Sabi nya. Namula ako! Bakit ba kilig na kilig ako kahit hindi naman sya nagpapakilig? Bakit? Bakit?

Itsura ko tuloy parang ewan.

Relax

Relax

Relax

Enjoy the moment Catherine.

Nagpunta lang naman kami sa gym, naglalaro si Drake dun ko lang napansin na sinundo lang talaga ako ni Tristan sa labas.

Nakita ko naman si Wendy at Sab na ang sama ng tingin sakin kaya nakiupo nalang ako malapit dun sa gamit nila Drake ar Tristan.

Oyy! Ang gwapo nilang dalawa, lalo na pag naglalaro. Tignan mo nga naman o. Akalain mo yun, future bf ko si Tristan.

Maglaway kayo ngayon.

After game practice nila. Diretso yung dalawa sa pwesto ko tapos lumapit sina Wendy at Sab na saktong pagdating ni Chloe.

"Nandito pala kayo"

Sabi ni Chloe sa kanila.

Nagkatinginan naman sila ni Drake tapos kami ni Chloe.

"nagmeryenda na kayo? Kain tayo"

Sabi ni Chloe.

"Stop being so nice Chloe. Alam naming masama rin ang loob mo sa amin"

Sabi ni Sab.

"Sorry"

Sabi nalang ni Chloe.

"Umalis na kayo"

Sabi ni Drake ng mahinahon, aalis sana si Chloe ng hilahin nya ito tapos sina Wendy at Sab na yung umali.

"Bat ka aalis?"

Tanong ni Drake kay Chloe.

"Sabi mo umalis na kami"

Sabi naman ni Chloe. Tama nga naman, hindi naman kasi nagsabi ng pangalan si Drake tsaka muntik narin akong tumayo kanina.

WAR FOR LOVE (friendship vs love)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon