"Guys! 3:30 na, ano ba kayo? Late na tayo sa last subject natin." Sigaw ko sa mga kaklase ko sabay labas na sana ng klasrom. Room 324, ang tambayan naming mga DevComm students.
"Sandali lang Mel, retouch muna." Napairap nalang ako sa turan ni Faye. Kung sana ginawa nyo na yan kanina, edi tapos. Hinintay ko muna silang lahat matapos saka kami umakyat na sa taas. Strict pa naman si Miss Lomina at ayaw na ayaw nya yung late pero heto kami at kamuntik nang ma late.
Saktong pagdating ko sa ikaapat na palapag, dumating din si Miss. Halos magkasunod lang kami pero yung klasrom namin nasa dulo. Mabilis akong kumaripas ng takbo nang sandaling may kinausap si Miss sa kabilang room. Wala nang lingon lingon pa.
Nang saktong matapat ako sa pintuan ng klasrom namin, nandun na ang iba pa naming kaklase sa subject na ito. Narinig ko na rin ang mga ingay ng mga kaklase kong DevComm na nakasunod din pala agad sa akin.
Papasok na sana ako nang saktong tinanong ako ni Miss. "Anong oras na ba?" Nakangiti sya nyan. Good mood yata. Ako naman ngumiti din sa kanya hindi pinahalatang kabado na. Tiningnan ko yung wristwatch ko, "3:30 Miss." Tumango sya at muling nagsalita, "I see, advance pala tong relo ko." Pagkatapos nun umuna na sya sa akin papasok. Phew!
Buti nalang talaga mabilis pa ako kay flash. Nilingon ko muna yung mga nahuli kong kaklase at senenyasang nandito na si Miss. Agad naman silang nagmamadali. Kagagawan nyo 'to e.
"Okay!" Pukaw ni Miss sa lahat. Dumiretso nalang ako sa upuan ko. Sandali pa akong napatingin sa katabing table ni Miss. May nakaupo kasi roong isang lalaki. May bangs na halos takpan na ang mga mata nito. Nakaitim lahat mula sa inner shirt, sa coat nya at sa slocks. Seriously? Saan ba ang lamay? Or baka naman emo lang si kuya mo. Pero kabado ang mukha nya. Sino kaya 'to? Ano kaya ang ginagawa nya rito? Bagong kaklase ba namin?
Bumaling nalang ako kay Miss at pinakinggan ang instructions niya. Preamble na naman. Hindi ko tuloy maiwasang di maalala yung naging performance ko noong isang araw. Paano kasi, as usual kamuntik na naman kaming ma late tapos si Miss nagpapamemorize na naman. Hindi daw kasi sya mag-uumpisa ng lesson kapag hindi kami naka memorya lahat.
"Next?" Seryoso si Miss nyan habang nakatingin sa akin, tumango sya at ngumiti naman ako. Aba confident yata ako unlike noong isang linggo. Tumayo na ako at saktong natisod ako sa upuan na nasa harapan ko. Tumawa ang lahat kahit na ako, natawa na rin sa katangahan ko. Jusmiyo, hindi ka naman lampa Melody, anyare sa'yo ha?
Pagdating ko sa harapan, humarap ako sa lahat in a swift move. Parang yung ikot ko parang nasa runway na nagpopose for picture. May sira na ba ang utak ko? Natawa ako sa sariling isipan. "Go." Ani Miss na nasa gilid ko at taas noo naman akong humarap sa mata ng lahat sabay taas ng kanang kamay ko.
"Preamble, 1987 Philippine Constitution, I am Melody Meil Caro, We the sovereign of Filipino people, imploring the aid of Almighty God..." Okay naman sya, so far. Memorize ko naman at malapit na rin akong matapos nang biglang nag-leg cramp ako. Jusmiyo. Bakit naman ngayon pang malapit na ako?
Napapikit nalang ako sa sobrang sakit at tiniis ito kahit nahihirapan na akong tumayo. "Shit." Bulong ko at bumuga ng hangin. Tiningnan ko si Miss na nakatingin na pala sa akin. Hindi ko pa rin binaba ang kamay ko at nagpatuloy. "Pahawak muna miss ha?" bulong ko sa kanya sabay tinukod yung kaliwang kamay ko sa gilid ng mesa nya. Hindi ko yata kaya, mabubuwal na ako. Yung kanang paa ko kasi ang nakacramp. Tsk.
"..do ordain and promulgate this Constitution." Sa wakas! Nairaos ko rin. Bumalik na ako sa upuan ko na paika-ika. Kanina pa nakatitig ang mga kaklase ko at nagtatanong ang mga mata. Halatang nag-alala sila kung anong nangyari sa akin. Ngumisi lang ako at pinaliwanag sa kanila ang nangyari.
"Go." Napabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Miss na nasa unahan ko na pala. Inisa-isa nya yung mga hindi pa naka present. Tumunog ang upuan na nasa table ni Miss at tumayo ang isang lalaki. Ngayon ko lang napansin na may katangkaran pala ito at medyo payat. Slim for a man.
Naglakad ito papunta sa likuran na animo'y isang modelo ng isang clothing line. Tiningnan ko lang sya nang may pagtataka. Anong gagawin mo? Napataas agad ang kilay ko nang marinig ko itong magsalita. Malalim ang boses ng kuya mo at medyo malaki. Malayong malayo sa katawan nyang payatot. "Hindi pa kayo naka present di ba?"
Nag-umpisa nang magmemorya ang ibang kaklase namin sa likuran. Napatingin ako sa wristwatch ko at muling tinaasan sya ng kilay. "Kung sana ginawa mo na yan kanina pa, edi sana tapos na." mahinang bulong ko na narinig naman ng katabi kong si Mira. "Hoy Mel." Pinuna nya ako at takhang tiningnan ko lang sya, "What? Totoo naman ah? Kung tumayo sya sana agad at tinulungan si Miss, edi sana hindi maubos oras natin sa pagpapamemorya magdamag."
Muli pa nya akong sinaway sabay tingin sa likuran ko. May isang hanay pa pagkatapos ng hanay namin at bago ang panghuling hanay kung saan sya naroroon. Nagkibit balikat nalang ako at pinagmasdan syang namumula at pawisan na. Hindi naman de aircon tong klasrom namin at kung alam nyang pawisin pala sya, edi sana hinubad nalang nya ang coat nya, naiinitan sya di ba? Tss.
Bumaling nalang ako sa phone ko at nag online. Bawal to sa klase pero sinikap kong itago. Boring naman at free data lang din ako. Nagbabasa lang ako ng mga messages na wala din naming kwenta. Si Cian wala na ring paramdam. Bahala sya. Binalik ko yung phone ko sa bag at muling tumingin sa kanya.
Sa hitsura nyang yan, kunwari interesado sa sinasabi ni ateng girl pero yung mga mata parang wala sa realidad. Kunwari nakikinig pero halata namang hindi rin memorize ang Preamble. Pfft. Hindi ko maiwasang hindi matawa sa naisip ko. "Ikaw ba? Memorize mo din ba ang preamble?" Muli ay siniko na naman ako ni Mira. "What?" Natatawang tanong ko sa kanya. "Tumigil ka na nga lang dyan Melody." Natatawa ding aniya.
Malapit nang matapos ng bou ni ateng girl ang preamble at napansin ko namang kumuha sya ng panyo sa likuran nya at nagpunas ng pawis sa noo. Napangisi ako. "Aba, sa inyong tatlo, ikaw lang yung nakatapos." Kunwari ay puri nya sa babae.
Tumingin sya sa klase at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng upuan. "Be the judge guys, to be honest, di ko rin memorize ang preamble. Tingin nyo wala bang kulang? Tama ba lahat?"
Doon na ako kamuntik na humalakhak kung di lang ako pinigilan ni Mira. "See? Sabi sa'yo e." Natatawang bulong ko sa kanya. "Ewan ko sa'yo Melody."
Kaso, bakit pakiramdam ko, nakita ko na sya dati? Hindi ko lang alam kung saan. Basta parang nakita ko na talaga sya. Well, maliit lang ang Cebu Eastern College, hindi malabong hindi kami kailanman nagkasalubong sa hallway, sa activity center or di kaya ay sa canteen o kahit saang parte ng campus. Pero isa lang talaga ang napapansin ko sa kanya, loner ang kuya mo.
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...