Habang naghihintay kami sa student teacher namin sa natsci, biglang bumaling sa akin si Ish, she knows me pero hindi ko naman sya ganun kakilala talaga, pinapansin nya ako minsan and a sign of respect, kinakausap ko rin sya. Tho, kaibigan nya ang ibang DevComm na mga kaibigan ko rin. Ngayon, naninibago lang ako dahil tinawag nya mismo ang pangalan ko, "Mel,"
"Oh Ish, bakit?" Kausap ko sana si Mira nang tinawag nya ako. "May kilala ka bang John Dewey?" Nangunot ang noo ko, bakit ang seryoso naman nya yata? Tsaka, wala naman akong kilala na nagmamay-ari ng pangalan na iyan. Dowee lang naman kasi yung alam ko tsaka, pagkain yun. Bigla tuloy akong natakam.
"Kilala ka kasi nya at ang dami nyang alam. Basta i-chachat ko sa'yo mamaya." Tumango nalang ako at naging curious na rin. Bakit parang ang foreign naman ng pangalan na yan? Dewey? Seriously? Hindi ko nalang pinagtuunan masyado yun ng atensyon since nandito na rin si Miss.
Pagsapit ng hapon, last subject na naman and may pa activity na naman ulit si Sir. Ang hilig nya sa activity, ano? Hindi tuloy boring tong SocSci 3. Kung ano anong mga pinagsasabi nya sa harapan pero ako, nakatunganga lang. Kanina pa ako nakatitig sa kanya kunwari nakikinig pero ang totoo nyan, lumilipad ang utak ko sa kung saan. Naiinis talaga ako dahil ang saya saya nya tingnan, yung tipong kahit may magjojoke na ang waley naman natatawa sya. Napairap na lamang ako at sinikap na pakinggan yung mga sinabi nya.
"For example lang ha? May pera kayo, mayaman. Kaso what if yung papa mo involve sa isang drug syndicate and yung mama mo naman walang pake at sarili lang ang iniisip? Ano sa tingin nyo ang maiitsapwera, yung maleleft out?" Doon talaga nya nakuha ang boung atensyon ko. Alam ko ang sagot pero hindi yan ang gusto kong sabihin. Gusto ko syang yakapin at sabihing nandito lang ako.
"Syempre, yung love para sa pamilya mismo. Mawawala yun since napabayaan na at hindi nabigyan ng atensyon." Biglang nagsalita si ate Hayley, may pamilya na kasi sya at alam nya ang mga bagay na ganito. Hindi ko mapigilang sumimangot, nilingon ko si ate at sabi ng utak ko, 'ate, kailangan talagang sagutin yun? Detailed mo pa masyado.' Kaso, parehas pala kaming walang alam. At alam na yun ni Sir pero hindi lang nya inaasahan na may suamagot na sobrang detalyado. Logic nay un.
Muli kong tiningnan si Sir at ayan na naman sya, trying to suppress it. Tumawa sya ng mapakla at nagbiro, "Anyway, let's not talk about that, mageemo pa kayo e. Ang punto ko lang naman mag-isip kayo ng mga hindi pa nag-eexist na law. I'll group you into 4 at kailangan maka-isip kayo ng mga pwede maging law. Bakit ito ang naisip nyo at kung anong outcome nito. After nyan, let's have a debate. Each group will criticize your law, its effectivity and kailangan makahanap kayo ng butas. Idedefend din yan ng grupo na nagpepresent. Gets nyo ba?"
Lahat kami nag-agree, maging ako ay naexcite. Magandang stratehiya itong ginawa nya. Hindi mabobore ang klase at marami pang matututunan. Tsaka, debate yun. Kailangan panindigan mo ang posisyon mo. Hindi dapat maging balimbing. Binigyan nya kami ng trienta minutos para mag-isip since isang oras lang naman klase naming so, kukulangin talaga. Bali, next meeting na namin gagawin yung debate mismo. Sa ngayon, more on theories muna, mga plano, preparations and all.
Matapos na naming ma finalize ang lahat, pinasa na namin yung ¼ sheet sa kanya at nagsi-uwian na. Nang makarating ako sa bahay ay ginawa ko muna yung mga assignments ko lalong lalo na sa major. Gusto ko sana syang tanungin kung yung example nya kanina ay sariling karanasan yun para ma kumpirma ko yung hinala ko. Kaso, parang ang bastos ko naman kung ganun. Hayaan ko nalang na sya mismo yung magshare sa akin.
At hindi nga ako nagkamali, bigla syang nagchat sa akin. "It's good that your back." Napangiti ako. Ang active ko na naman kasi sa klase kanina unlike noong nakaraang linggo. "Pero muntikan ka na talagang maiyak kanina sa naging example mo at yung tanong mo mismo." Inasar ko sya. Feeling ko tuloy, hindi na bilang student teacher ang tingin ko sa kanya. Parang kaibigan ko na rin sya kasi hindi naman ako nagbibiro ng ganito sa isang tao kung hindi ko na tinuring na kaibigan.
"The truth is, yun ang istorya ko." Hindi na ako na gulat pa. Halata naman sa reaksyon nya at hindi naman sya nagbibigay ng isang example ng walang basihan, for the sake lang of example. No, pinag-iisipan din nyang mabuti ang mga sasabihin nya. Kailangan may kaakibat itong facts. He's that objective. Matalinong bata.
"Alam ko."
"My mom, she was something like a prosti and my father naman ay isang drug dealer. We used to have everything nang dahil iyon sa isang illegal na gawain." Yung akala mong sa libro mo lang mababasa pero talagang nangyayari sya in reality. "But, nawala ang lahat ng iyon nang makulong ang papa ko. Yung mama ko, wala naman yung pakialam at kung kani-kaninong lalaki sumasama. Buti nga at kahawig ko si papa kundi iisipin ng mga kadugo namin na anak ako sa isa sa mga lalaki ni mama."
Nakinig lang ako sa kanya at hindi ko mapigilang makaramdam ng pighati at gusto ko syang puntahan kung saan man sya ngayon at yakapin. Na sana, madama nya sa yakap ko na hindi sya nag-iisa. Dahil may isang taong magkatulad ng istorya sa buhay nya at handang damayan sya sa kahit na anong problema.
Alam kong natural na yan sa mga lalaki na i-hide yung feelings nila lalo na sa ganitong usapang problema sa pamilya. Hindi dahil sa wala silang pake kundi dahil para ipakita nila sa lahat na hindi sila apektado. Na malakas sila. Na kung tutuusin, mas emosyonal pa sila sa aming mga babae. Sa amin kasi, nalalabas namin, sa kanila hindi. Hindi dahil sa nahihiya sila, kundi ay dahil yun sa pride. Pride lang naman kasi ang nagbibigay sa kanila ng lakas upang magpatuloy sa buhay.
"I used to be bullied by my own relatives. Bata pa lang ako, inaasar nila ako. Kesyo, anak daw ako ng isang prostitute. Yung babaeng nakatira sa may ilog. Hindi ko kasundo yung mga pinsan ko. Iyakin din kasi ako dati tapos ang lampa ko pa. Ayaw nila sa akin." Hindi ko mapigilang matawa. Magkaparehas man kami ng istorya pero magkaiba naman kami ng karakter. Mahilig kasi akong mambully noon e. Ang siga ko kaya sa amin dati.
Nagpatuloy lang yung usapan namin at masasabi kong, roller coaster ride talaga. Minsan naiiyak ako at natatawa din dahil sa mga ka engotan nya sa buhay. Jusmiyo. Naghapunan muna ako at pagbalik ko, may mensahe na mula kay Ish. Tho, kaka accept ko lang din nya kanina. Di naman kasi kami friends talaga. May mga mutual friends kami pero hanggang doon lang yun. Ngayon ko nga lang sya nakausap e. Yung totoong usapan ah.
May screenshot syang sinend sa akin.
"Text mo na kasi si Earl, lokaret"
"Friendz ba"
"I-TExt mo na, maaGawan ka nyan talaga ni Melody hahaha"
"Idol na idol pa naman nya yan si Melody"
"TapoSs, student Pa nya Yan sa subject na hinahandle nYa, hala ka"
Literal na nagsalubong ang kilay ko at napanganga. Jusmiyo, na shookth ako kasi, mag ex pala 'tong dalawang ito. Ngayon ko lang nalaman. Ang alam ko lang din mula kay Mira since magkakilala na sila, sabi daw sa kanya ni Ish, may ex sya dito na taga CEC at talagang nasaktan daw sya nun ng sobra. Hindi ko naman alam kung sino dahil hindi ko naman tinanong at wala din akong pake. Pero ang pinakashocking sa lahat, iyong nadamay yung pangalan ko.
Wala din akong pake kung sino yung mag-iidolo saakin kasi aanhin ko naman yun, di ba? Ang hindi ko lang talaga inaasahan aysino itong John Dewey na 'to? At bakit kilala nya ako? Bakit alam din nyangstudent teacher ko si Sir? Tangina, did I missed something? Pero bakitpinapatulan nya pa ito? I don't want judge quickly pero wala talaga akong pake.Jusmiyo.
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...