Twenty Eight

6 0 0
                                    

“Baaabbee!” biglang nagchat sa akin si Cian isang araw. Ano na naman kaya ang problema nito? “Abaaaa, ang saya natin ah.” Reply ko. Minsan lang kasi ito tumawag sa akin na nakaprolonged talaga. “Dapat lang, sinagot na nya kasi ako.” Hindi ko maiwasang mapangiti, “At namiss na din kita.” Dagdag nya pa. “Oh? Marunong ka na palang manligaw? Tsaka, akala ko ba nililigawan ka na naman?” yun kasi ang latest na nalalaman ko sa kanya tsaka parang may ideya na din ako kung sino yung tinutukoy nya. Kamakailan na rin nyang sinabi sa akin na nagkikita daw sila minsan since last year ata? “Meh, lagi mo naman akong namimiss, what’s new? haha”

“Grabe ka talaga sa akin. Ikaw lang naman kasi ang hindi nakakamiss sa akin.” So ayun nga, after nyang magdrama kunwari, tinanong ko sya kung si ate girl ba ang tinutukoy nya, sa dami ba naman kasi nyang babae, nalilito na ako. “I asked her pagkarating namin sa tuktok ng bundok.” They went on trecking kasi sabi nya kahapon daw. At doon na nga nya tinanong si ate girl sa harap pa ng maraming tao.
“Oh my God! Oh my God! Kyaaahh!! I’m so happy for you dong! Congrats sa’yo! Finally, nakamit mo na rin ang totoong happiness mo. Pero teka lang naman, sinadya mo ba doon para yes agad ang sagot nya? Hahaha you’re putting her on a pressure dong! Ikaw ha? Kaya ka siguro sinagot. Hahaha Kaya ayaw ko talaga sa mga surprise surprise na yan dahil nape-pressure ako.” Pang-aalaska ko pa. Aba malay natin di ba? Desperado na pala yung tao kaya ayun. “Ang sama mo talaga sa akin babe. Inayos ko din naman yung speech ko. Sabi ko pa, I lose you once and I was sorry. But I won’t do it again this time, please give me another chance. I love you, will you be my girlfriend?”

At literal talaga na napatili ako sa sinabi nya hanggang sa may naalala ako. “Sabi sa’yo e, mahal ka pa rin nung tao. Di bale, kayo na rin naman ni ate girl so. I’m so happy for you dong! Nakakaiyak! Yung manok koooo! Hahaha wag mo na syang pakawalan ah? Alagaan mo sya at wag kang gago ulit. Hahaha!” Sinunod nya pala yung payo ko dati. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil doon. I should be happy right? Pero hindi naman siguro tama ‘tong iniisip ko na he persued the girl because I said so? Sana lang talaga.

Walang pasok kinabukasan kaya tatlong araw ang bakasyon namin saglit pero yun ang iinaakala ko. May kailanagan kasi kaming puntahan ni Holi sa school dahil may meeting raw kami with our dean with regards to the upcoming documentary film at para na rin sa school paper na kasalukuyan naming ginigisa. Ang dami pang kailangan tapusin at nalalapit na ang deadlines. Hahays.

“Bae, SRP tayo saglit. I want to relax din kasi.” Aya ko kay Holi dahil alam kong kailangan nya ng kasama ngayon. I know hindi pa sya emotionally nakakarecover sa pagkamatay ng papa nya last year. At alam ko ring nahihirapan din silang mag adjust ng mama nya. “Sige Bae.” Agad naman syang pumayag.

Kahit hindi halata pero madalas ko syang binabantayan at pinagmamasdan. Para kahit papaano hindi sya gaanong makaramdam ng masyadong lungkot kahit malabong hindi mangyari yun. I know her very well. She may be silent sometimes but her thoughts were killing her slowly. Kung hahayaan nya ito sa sistema nya, it will eat her little by little. At ayaw kong mangyari yun. I made a promise to her father before na I will look after her at hindi ko sya iiwan lalo na ngayong nasa matindi syang pangangailangan.

Just then she started sharing something about her papa. Their adventures together noong bata pa sya. I let her do all the talking at paminsan minsan ay sumasabat din ako. Malaya kaming nakamasid sa malalakas na alon na humahampas sa mga batong inuupuan namin. Ever since, I find solace talaga sa malawak na karagatan. Parang pinapakalma nila ang boung sistema ko at nakakaantok pagmasdan ang mga alon na parang nag-uunahan makarating sa shoreline.

“I miss him so much.” Dugtong nya matapos matawa nang mapagtanto kung gaano sila ka kwela dati. He was kidnapped by him daw kasi noong kabataan nya. Tapos halos mabaliw na ang mama nya kakahanap sa kanya. Di rin daw kasi nagpaalam ang papa nya na dadalhin pala sya nito sa Bicol. Ang paalam lang kasi sa kanya ay may pupuntahan lang sila. “Tapos naalala ko pa noong nahulaan nya kung sino yung crush ko sa One Direction.” Short moments and simple things na hindi mo aakalaing alalahanin mo nalang pagdating ng araw dahil magiging memories na lamang ito. Memories with those people who hold something in your heart.

“Someday, we will walk barefooted on the sand while walking hand in hand beneath a sunset Em. Don’t worry we’ll try that soon.” Reply nya sa akin nang sabihin ko sa kanya ang mga pinanggagawa namin ni Holi as of the moment. Nakababad kasi ang mga paa namin sa dagat while we’re sitting sa mga naglalakihang bato. Nababasa na din ang hem ng jeans ko kahit tinaas ko na ito sa tuwing bubulusok ang malalaking alon. “Char, hoping for that to happen Ed.”

Mabilis lang dumaan ang mga araw at nalalapit na din ang documentary film roadshow namin. Ang bilis lang talaga ng panahon pero itong mga submissions and projects namin, ewan, para yatang walang katapusan.

Pero kahit pa man ganun, nakuha pa rin naming maglaan ng panahon para sa ibang mga bagay. Aba, hindi naman pu-pwedeng school works lagi ang aatupagin. Bukod sa nakakastress yun lalo, nakakabobo pa minsan kapag puro nalang yun ang nasa harapan mo. Kailangan din ma refresh ang mga utak namin. Sa dami ba naman ng mga submissions at projects.

“Bae, punta ulit tayo doon sa SRP.” Aya ni Holi at saktong papatapos na din kami sa ibang mga gawain. Nakakastress ang ibang subjects, lalo na ang minors na feeling major talaga. “Ay bet ko yan. Sige ba.” At dahil nabuburyo kami parehas sa klasrom na kami nalang din ang natira, napagdisesyonan muna naming sa Activity Center nalang tatambay saglit.

Madalang lang talaga akong natambay dito, sa totoo lang. Pinapanood lang namin ang ibang mga estudyante na abala sa kani kanilang mga ginagawa. Iba nagpapraktis, may iba naman na nagkukwentuhan lang, yung iba, ayun tulog. Samantalanag itong kasama ko, abala sa kakadutdot sa phone nya at ako naman heto, nakatunganga. Ano bang magandang gawin?

“Oh, kamusta na kayo?” biglang nanindig ang balahibo ko nang marinig ang baritunong boses na ‘yon. “Hi Sir!” Maligayang bati naman ng mga estudyante sa kanya. Dinig ko pa ang pagtawa nya dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko. Tang in a juice! Nasa gilid ko lang sya! Wag mong lilingunin Melody! ‘Wag talaga! Kunwari busy ka rin sa phone mo, ganun. Gayahin mo si Bae. Wag pahalata na nagtatumbling na dyan ang puso mo! Jusko po, bakit naman ganito? Bakit may ganito bigla?!

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon