Bakasyon na at wala namang nagbago sa routine ko bukod sa hindi na ako pumapasok sa school kasi nga Christmas break, nakaktawang isipin na hindi nahinto ang pagchachat naming ni Sir. Tsaka, ayaw na din nya papatawag ng Sir pero hindi pa rin kasi ako sanay na tawagin sya sa pangalan nya mismo. Yung madalas na tawag nila sa kanya, Earl. Pakiramdam ko kasi hindi ko sya nirespito. Lol. Naasiwa lang talaga ako.
"Saint GDL?" tanong nya bigla. Luh, nang stalk na naman 'to ng account ko. Siguro hinahalungkat nya yung isang account ko. Dalawa kasi ang facebook account ko, yung isa dummy account. Napangiti tuloy ako, naalala ko kasi yung fictional character mismo at hindi yung taong tinawag ko nyan, si Cian, tho hindi naman nya alam na may alias ako sa kanya bukod sa dong. Oo nga pala, mag-iisang buwan na din kaming hindi nakakapag-usap. I mean, ako lang talaga yung hindi nagreply sa kanya noong isang linggo. Tinatamad ako e.
Biglang may namoung ideya sa utak ko. Pagselosin ko kaya 'to? Hindi ko maiwasang matawa sa sariling kapilyohan. Sabi ng kabilang side ng utak ko, huwag daw. Kaso matigas ako e. Kaya sabi din ng isang side ng utak ko, "Sige, try mo. We'll see kung totoo ngang gusto ka nyang tao na yan." Lalo akong ginahan sa gagawin ko. Hmm. Let the test begin.
"Yan? Hahaha, nakilala ko yan sa isang chatapp na kaibigan ko na ngayon. Actually, muntik na akong mahulog dyan. Hahaha" inalala ko pa yung pangyayaring yun at nakakapagtakang hanggang ngayon, kaibigan ko pa rin yun sya.
"I see. Akala ko ba hindi ka agad ma in love at wala pa sa isip mo yan? Paano nangyaring muntikan ka ng mahulog sa kanya?" wooii!!! Sumakay sya! Kaya tawang tawa ako. "Hahaha, yun nga e. Kaso, di ba, sa taas ng pader na ginawa ko, he was able to get in."
"I see, so may nakapasok na pala."
"Hmm, parang ganun na nga. Habang abala ako kakabuild ng pader, hindi ko namamalayan na gumawa na pala sya ng sarili nyang way kaya nakapasok sya."
"Actually, hindi ko inexpect yun. As in, hindi talaga expected. Pero sabi nga di ba, expect the unexpected. So yun, akala ko madali lang baliwalain yun pero hindi e. Sa lahat, sa kanya ako nahihirapan." Well, totoo din naman yun. Pero aware din kasi akong panandalian lang yun, hindi magtatagal at mawawala din. Kaya sinikap kong kalimutan ang nararamdamang iyon. Thankfully, nagawa ko naman tsaka saktong naging busy na din sa school lately.
"Umabot pa sa puntong kung sino sino ang ini-entertain kong mga tao para lang mawala ang atensyon ko sa kanya. Mahirap sya noong una dahil nga hindi ko ginusto iyon at hindi ko rin inaasahan." Pagpapatuloy ko at pinakiramdaman ko rin ang sarili ko. Matagal ko na namang alam sa sarili ko na wala na yung pakiramdam na yun na parang hinahanap-hanap sya ng sistema ko hindi dahil sa napunta ang atensyon ko kay Sir. Hindi pa man kami nag-uusap ni Sir, alam kong wala na yun. Nasanay lang kasi akong lagi ko syang nakakausap dati.
"Sayang pala kayo. Hindi ba yun nang ligaw?" oh? Bakit interesado ka? Ikaw sir ah. Hahaha
"Actually, I rejected him a lot of times nya. Yung iba direct, yung iba din indirect." Alam ko kasi talaga hindi yun magtatagal talaga at masasayang lang yung friendship namin. Siguro, na gets na din naman nya yun kaya meyo dumistansya sya. Advantage yun sa amin parehas since friendship yung foundation namin at ayaw naming masira yun dahil lang sa nagpadala kami sa emosyon na pawing mababaw lang naman.
Speaking of, baka ganun din itong nararamdaman ni Sir. Baka mababaw lang din ito at kalaunan, maglalaho din.
"Was it because of me kaya hindi natuloy yung sa inyo sana ni saint?"
"Kasi, hindi ko makita ang logic e."
"Parehas nyo namang gusto ang isa't isa, kaya bakit di ba?"
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
Roman d'amourLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...