One

54 2 2
                                    

"Alam mo bang tinanong ko sya one time noong nagkasabay kami ng uwi?" Tanong ng daldalitang Ira sa akin. Nakaangkla ang kanang braso nya sa kaliwang braso ko habang papatawid kami ng kalsada.

Daming sasakyan pero sige pa rin sya sa kakadaldal sa akin.

"Malamang hindi." Seryosong saad ko habang nakatingin sa magkabilang gilid. Sumimangot sya sabay padyak at alog sa akin. Naasar ko yata. "Ay! Pilosopa talaga." Aniya sabay tawa. "Pero naalala mo yung sabay tayong apat na tumawid dito?" Nakangiting tanong nya ulit.

"Yep." She's actually talking about noong nakaraang linggo na nakasabay namin ni ate Jean and Ira si Tui. Papauwi din kami nun at sakto nadaanan namin siya.

Kumusta kami ni Tui?

We're good friends, I think? Ewan ko lang sa kanya. Isang taon at kalahati ding hindi kami nagpapansinan.

Anong nangyari doon sa intermission part noong PE culminating?

"Kaya nung malaman ko nang araw na yun, hindi ako nagdalawang isip na lumayo kesa masaktan. I was once get hurt at hindi iyon maganda sa pakiramdam. Hindi ko naman akalaing, sa paglayo ko pala ay lalo akong masaktan ng higit pa dati. Masakit pala dumistansya at lumayo sa taong mahal mo."

Tumulo ang luha ko. Tapos na ang kanta pero hindi pa rin kami naghiwalay. Naririnig na din namin ang matinding hiyawan ng lahat pero parehas kaming walang pakialam.

"Hindi mo pa ako kilala Tui."

Pumiyok ako habang inaalala ang mapait na kahapon.

"Handa akong kilalanin ka."

Umiling na ako unang salita pa lang. Pandirihan mo din ako, huwag na lang.

"I'm not yet ready."

"Alam ko, halata naman pero maghihintay ako."

Sabi niya at hinalikan ang noo ko tapos sabay kaming humarap sa audience at nag bow.

Ramdam ko ang bahagyang pagpisil ng kamay nya sa kamay ko. Nilingon ko sya at nginitian ng tipid. Mamamasa masa man ang mukha ko pero halatang halata dito na ayaw ko talaga. Kitang kita ko din sa mukha nya ang sakit at pait.

"I'm sorry but I'm not worthy for your love." Sambit ko at naunang tumalikod. Rinig na rinig ko pa rin ang matinding hiyawan ng mga nanunuod at maging ang emcee. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ko ang nagsusumamong boses nya, "Mel."

Pumikit ako nang mariin at tuluyang nilisan ang entablado.

"Someday, you will find someone better. Someone who doesn't have any issues. Someone who is clean and pure."

"Oo yun nga. Yung araw na yun, habang naghihintay kami parehas ng masasakyan, tinanong ko sya ng diretsahan." Nauna kasi akong sumakay since malapit lang sa school ang kalsada kung saan may dadaan na papunta sa route ko.

"Tapos?"

"Sabi ko, sagutin mo nga ako ng totoo Tui. Nagkagusto ka ba kay Melody?" Aniya na ngiting ngiti may kasama pang hand gestures ang paglalahad.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon