Isang araw bago ang Documentary Film Roadshow namin, “Happy Valentine’s Day bae!” Bungad ko agad pagka sagot nya palang sa tawag ko. “Aww, happy valentine’s day din bae.” Konting chika lang muna at nang mapansin kong dumating na sya, agad akong nagpaalam sa kaibigan ko.
We agreed na dito sa Sto. Niño church kami magkikita, sakto din kasing nasa tapat lang ito ng city hall kung saan nagfafollow up kami sa reservation namin sa social hall for our venue. Bukas na kasi ang annual event ng department namin. Honestly, we lack budget sa event na ‘to kaya dito nalang muna sa city hall. Isa pa, mas accessible din and we’re running out of time. Sabi nga ng dean namin, mas importante may film kaming ma-ipresent. Partida, two-nights event ito.
“Who was that?” tanong nya agad pagka lapit niya. “I greeted bae.” We talked for awhile saka pumasok sa church. Since papagabi na rin, nagsindi lang ako ng kandila at nag-alay ng panalangin. Hindi rin nagtagal at nag-aya na akong umuwi, umaambon na naman kasi.
Habang naghihintay ng masasakyan, napansin ko sa kanya ang pagkabalisa. Hindi sya mapakali habang nag-uusap kami. “Hey, okay ka lang?” nilingon ko sya na kasalukuyang nasa likuran ko. “Tsaka, wag ka nga dyan sa likod, para kang nagtatago e, tabi ka dito.” Aya ko sa kanya na natatawa sa itsura nya. Para kasi syang kinakabahan.
“Yeah, okay lang, don’t mind me.” Namumula na sya at lalong hindi mapakali kahit pa pilit nya itong ikinukubli sa isang ngiti. “Sure ka? Parang hindi naman.” Hinarap ko na sya kaso pinatalikod nya ako ulit. Ano bang problema nito? “Huwag kang lilingon. May ilalagay lang ako sa bag mo.” May backpack kasi akong dala dala. Natawa na lamang ako at hinayaan sya sa gusto nyang mangyari. Sana lang ay hindi nya mahalungkat ang whisper with wings ko. Ano ba kasing nilagay nya at ang tagal naman?
“Ayan, okay na. Buksan mo yan pagdating sa inyo, huwag ngayong nandito ako.” Paalala nya matapos nyang isarado ang bag ko. “Bakit, ano bang meron dito?” sabi ko na bubuksan sana ang bag kaso pinigilan nya ako. “First time kong gawin yan at nahihiya ako. Sana magustuhan mo. Anyway, sakay na tayo.” Pinagpawisan pa sya nyan. Pinara nya ang taxing paparating na walang pasahero. “Tara na.”
No choice kundi sumakay na din kesa naman sa maulanan kami kakahintay ng masasakyan. Pahirapan din pala dito. “Grabe yung kaba ko.” He shared pero hindi maalis ang malawak nyang ngiti. Ang weird nya. Ano ba kasing nilagay nya sa bag ko? “Come here.” Pina-unan na naman nya ako sa balikat nya at sinigurado talagang malayo sa akin ang bag ko para di ko makita ang nilagay nya. Parehas kaming natawa nang tangkain ko talagang kunin yun. “Mamaya na kasi pag-uwi mo, nahihiya ako.”
Hindi nalang ako nakipag-argue pa at pumikit. Maya maya pa, stuck na kami sa traffic at kasabay nito ang pagbuhos ng ulan. Tahimik lang kami parehas at paminsan minsan ay nag-uusap din ng kung ano ano. But we’re both fond of silence kaya hindi sya nakakabore.
Ang ganda ng gabi kahit umuulan. Street lights, the noises coming from vehicles, the gushing sounds of the wind sa tuwing bibilisan ni kuya ang takbo kapag bakante ang daan, a romantic song playing on the taxi’s player as the background, and him caressing my hair. What a perfect night it is. “Malapit na pala tayo.” Bulong nya and I opened my eyes para tingnan kung nasaan na kami. I sigh, “Right.” Babalik na naman ako sa realidad. Can I just stay for awhile? Pwedeng traffic ulit?
Ramdam ko ang mga titig nya kaya nilingon ko sya at hindi nga ako nagkamali. Seryoso syang nakatitig sa akin na kahit medyo madilim, naaninag ko pa rin ang kabuuan ng kanyang mukha. His left arm serves as my pillow as I rest my head at the window. He gulped and from my eyes, his eyes traveled down to my lips while he’s getting nearer and nearer. He slightly push my head forward for more access while I was contemplating whether to close my eyes or not.
His lips landed on the side of my lips when I slightly tilted my face and close my eyes in an instant. Tangina, I just realized, I was holding my breath the whole time. Bumitaw naman sya nang mapansing bahagya akong napasinghap at umayos ng upo. Doon ko lang din narealize na halos nakahiga na ako kung hindi lang ako nakasandal sa bintana ng saksakyan.
But I couldn’t react on what just happened. Did he just... kissed me? Hindi naman kami at walang kami. Anak ka ng, bakit pakiramdam ko dismayado ako bigla kasi bahagya akong gumalaw nang halikan nya ako? I couldn’t understand myself. I should be mad kasi lapastangan naman ‘yon. but I couldn’t. I can’t be mad at him for I don’t know why! Am I ready?
“I’m sorry.” mahinang sabi nya. I just loled at him. Lol talaga sya. What’s the sorry for? He apologized for kissing me? He’s sorry for going overboard? Bakit? Nagsisi ba sya? Kasi kung ako ang tatanungin, he has nothing to be sorry for. I’m not saying it was okay either but I allowed it to happen. I let him kissed me. “Bakit ka nagsosorry?” nakangiti at pilit tinatago ang inis kong tanong sa kanya.
He smiled, a shy one, while looking at me still, “Kasi hindi maayos. I mean, my vision isn’t perfect especially it’s dark, I had a hard time.” I couldn’t help but laugh at his statement. Akala ko naman kung ano na. Oo nga pala, hindi malinaw ang paningin nya. I was still fixing myself from laughing when his expression becomes serious. Nakasandal na ang ulo ko sa sandalan and within a second, I found myself feeling his warm yet quivering lips on mine. I mentally counted three seconds before I closed my eyes.
I could feel my heart pounding so loud that I almost hear her beat. Ni hindi ko na marinig ang paligid ko as it was filled with pure silence. Bahagyang gumalaw ang labi nya which made me slightly open my mouth. I did not kissed back. This feeling seems like I was kissed for the first time when in fact it was not. Grabe pala ang impact nya sa akin.
In the end, I decided to kiss him back, slowly. I want to listen to my own heartbeat with our lips locked, savoring the moment. It was loud and fast hanggang sa dahan dahan itong kumalma, trying to recognize the feeling and perhaps, familiarizing it.
The kissed didn’t last long since we both parted, feeling contented. Yet it feels like forever. He smiled and so do I, “Happy Valentines Day.” Bulong nya kaya natawa ako. Magigreet lang bakit may halik pa at kasamang matamis na ngiti? Ngunit nanatili lang akong nakangiti, hindi maka imik. Why silent now Mel, hmm? Anong nangyari sa’yo? “Wala bang greetings dyan?” Aniya, kunwaring nasasaktan. “Grabe, si Holi, tinawagan mo pa kanina para lang i-greet tapos ako wala?” nagdrama na ang loko.
“Ang oa nito, Happy Valentines Day din.” Sabi ko naman na natatawa pa rin kasi bahagya syang lumayo sa akin na animo’y nagtatampo. Umusog ako ng konti at niyakap sya, “Happy Valentines Day.” Ulit ko pa, this time, nakayakap na sa kanya habang nakangiti. Hindi naman sya nakatiis at hinaplos ang likuran ko at gumanti ng yakap, ngiting ngiti. Kalaunan ay bumitaw ako at umayos ng upo nang mapansing sobrang lapit na namin sa ACT, Bulacao campus.
“Dyan lang kuya.” Sabi nya sa driver sabay lingon sa akin. “Kapag nasa bahay ka na, pwede mo ng tingnan kung ano ang binigay ko sa’yo.” Then it hits me, wala pala akong binigay sa kanya. Bakit? Wala naman kaming relasyon. We’re just friends. “Opo.” Sabi ko nalang despite feeling guilty kasi ang salbahe ko ata sa kanya.
Pagkarating ay agad kong hinalungkat sa bag ko ang binigay nya. It was a white envelope na may password pang nalalaman. I should deduce it daw since adik ako sa mga code code na yan, you know, detective thing. Madali lang naman hulaan. Three words and eight letters, _ _ _ _ _ _ _ _. Napailing ako.Ito pala ang sinasabi nyang pinagkaabalahan kanina sa mall na tinatambayan nya while waiting for me. Binuksan ko na ito at tumambad sa akin ang kulay rosas na card, greetings card to be exact. Sa loob nito, maraming naka paskil na mga maliit na strips ng post-it sticky notes. There were random words written on each notes. Sobrang dami nila at lahat ng ito ay sulat-kamay nya.
While reading each, hindi ko mapigilan ang malawak na ngiti. Tangina, bakit sobrang saya ko naman yata? Wala e, nalulusaw ang matigas kong puso pagdating sa mga handwritten letters. Old school akong tao e. Until I reached the bottom part, the last note that says “I love you.”
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...