Twenty Five

15 1 0
                                        

Ang sabi ng mga nakakilala sa tunay kong ina, marami daw itong lalaki. Maraming kinakarelasyon at ang sabi pa ay iba iba daw ang ama ng mga anak niya. Pero wala naman akong pake doon, totoo man yan o hindi, Ang importante naman kasi sa akin ay binuhay nya ako kahit papaano. Ang akin lang ngayon, ayaw kong matulad sa kanya. Gusto kong patunayan sa mga taong nagsasabi na gagaya din ako sa tunay kong ina na nagkakamali sila.

"Huwag ka ngang maggalit-galitan dyan." Biglang bulong nya nang bahagya syang lumapit sa akin at lumayo ako agad. Hapon na at naghuhugas ako ng pinggan nang pumasok sya at ginulo na naman ako. Nangingilid na naman ang luha ko pero pilit kong tinatagan ang sarili ko. Hindi ako umimik at matalim pa ring nakatitig sa hinuhugasan ko. Kutsilyo.

Ang sabi ng isipan ko kanina bago sya dumating, isaksak ko nalang ito sa sarili ko. Oo, ganyan na ako ka irrational dahil ang daming ala-alang nagbalik sa akin. Yung mga pangungutya ng mga tao sa akin. Yung mga pambabastos nila. Yung pagtraydor nya sa akin. Naiingayan ako kaya ini-enjoy ko nalang ang paghagod ng kutsilyo dahil kapag ako nainis, gagawin ko talaga kung anong binubulong ng demonyo sa akin. Saka naman pumasok sya at inistorbo ako.

Kapag hindi ka pa umalis sa gilid ko, isasaksak ko talaga tong kutsilyo sa'yo. Napansin naman nyang wala talaga ako sa mood at tamang pag-iisip kaya umalis na nga siya. Mabuti naman. Biglang tumulo ang luha ko. Agad ko itong pinahid at tinapos ang paghuhugas. Hindi pwedeng makita ng mga tao ang tunay kong nararamdaman. Hindi ko naman kasi kailangan ang simpatiya at awa nila.

"Alis na ako." Paalam ko kay ate at kaagad umalis ng bahay. Hindi ko nalang sya hinintay pang sumagot. Natanaw ko si Macky na naghuhugas ng motor nya sa labas. Ngumisi sya nang makita akong papalapit, "Galit ka pa rin ba?". Hindi ako umimik at dinaanan lang siya. Ni isang galaw lang ng ulo ko ay hindi ko ginawa. Alam kong sinusundan nya ako ng tingin pero hindi ako lumingon.

Maggagabi na rin pala. Sinadya ko talagang hindi na mag online. Naisipan ko na nga ring huwag munang gumamit ng cellphone katulad ng palagi kong ginagawa tuwing bakasyon. Gusto ko kasing lumayo sa lahat.

Pagdating ko sa kabilang bahay ay agad bumungad sa akin ang pagmumukha ng pinsan ko. Ngiting ngiti sya nang makita ako. Anong problema nito? "Ate, okay lang daw ba ikaw?" Huh? Nilingon ko sya nang may pagtataka. Ang weird ng babaeng 'to. Hindi nalang ako nagtanong at dumiretso sa kwarto. "May i-sesend ako sa'yo ate." Pahabol nya at dahil sa curious ako kung anong isesend nya, ang lawak din kasi ng ngisi nya e, mukhang ewan lang. Nag online ako just to see a screenshot ng conversation nila ni Ed.

"Hi, ahm, pwedeng magtanong?"

"Yes, sure. Ano yun?"

"Okay lang ba sya?"

"Sino?"

"Yung pinsan mo. Hindi kasi siya nag online mula pa kahapon. Nag-alala lang ako."

"I see, don't worry, okay lang naman siya para sa'yo. Hahaha busy lang yun siguro."

"Magpinsan nga kayo. Anyways, salamat. Huwag mong sabihin na nagtanong ako sa'yo ha?"

"Sure, no problem."

Hindi ko alam na ang lawak na pala ng ngiti ko. Anak ng, may isang tao nga palang nag-alala sa akin. "Sino yan ate?" Aniya sabay tawa at inasar ako. Bwesit na batang 'to. Nabasa ko nga yung chat nya. Nag-alala nga siya dahil hindi ako nag online. Nalulungkot din daw siya at nasasaktan kasi baka raw nakukulitan na ako sa kanya. Grabe naman mag-isip 'tong kumag na 'to.

Ini-screenshot ko yung conversation namin ni Lynlyn at pinasa sa kanya. "Sorry pero loyal ang pinsan ko sa akin Ed. Hahaha." I could imagine his face right now. Panigurado, naglilikot na naman ang mga mata nito at nangamatis ang mukha. Lalo akong natawa, bwesit. Ang kyut niya, jusmiyo naman. "Hindi lang ako nakapag online, miss mo na ako agad? Ikaw ha." Pang-aasar ko sa kanya. Bigla tuloy nawala lahat ng problema ko. Parang na refresh bigla ang utak ko.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon