Twenty

17 2 0
                                    

Alam mo yung feeling na gulat kang sinalubong ni kamatayan at saka mo lang namalayan na nasa binggit ka na pala ng kamatayan? Yung naglalaro kayo ng tagu-taguan nang may biglang mag 'boo' sa pinagtataguan mo? Yung biglang ang seryoso ng pinanuod mong horror scene nang biglang magjump scare, nakakagulat kasi pakiramdam mo, biglang hinugot ang puso mo at muling binalik. As in, parehas talaga kaming nagulantang sa nangyari. Teka, ano nga bang nangyari?

"Ikaw rin?!" sabay naming singhap parehas. Paano, nang umapak kasi ako sa sahig na mismo, bigla syang nagmura, paglingon ko, saktong may napansin akong itim na parang usok or more like, anino, tumakbo ito sa bandang likuran ko kaya diretso akong napaharap sa kanya. As in, about face kung about face. Napapikit ako sa sobrang gulat, hindi ko inaasahan yun, sa totoo lang. Naramdaman ko lang sila pero ni minsan, hindi pa ako nakakita, ngayon lang. Nagmistulang toud ako bigla at dumilat ako upang tingnan sana sya since palagi naman akong namamangha at natutuwa sa mga facial expressions nya pero iba ang nakita ko.

Isang pari na nakatayo pero walang ulo sa tapat ko mismo. Yun pala isang mannequin lang yun na nakadamit pampari. Kaya natatawang napamura ako sabay tingin sa gulat at nanlalaki nyang may kasingkitan na mga mata. Literal na nakatunganga siya at nakanganga. Hindi ko alam kung mabahala ako o matawa sa itsura nya e. Kung nakikita lang nya ang sarili nyang pagmumukha sa salamin, panigurado, ibabaon na nya ito sa limot.

Sandali pa kaming nagkatinginan at muling natawa. Hindi ako nakaramdam ng takot talaga, I am actually thrilled. This is my first time seeing a black entity and siya pa ang kasama ko. Akala ko magyaya na syang umalis na kami doon pero ngumisi sya at sinabing, nakita raw nya ang isang repleksyon ng isang itim na anino sa salamin pagka angat nya ng tingin. Nasa gilid raw ito hanggang sa pumunta nga sa likuran ko at biglang nawala.

"Hahaha, tara na nga, itutuloy na natin ito. Imahinasyon lang natin yun." Aniya at diretsong naglakad. Nagpalinga linga pa sya sa paligid at taas noong sinabing, "see? Wala namang ibang tao dito bukod sa atin." Natatawa akong sinundan sya. Talaga lang ha? Panindigan mo yang tapang tapangan mo kunwari. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo.

Hindi naman ako natakot pero hindi lang kasi ako kumportable sa mga naglalakihang istatuwa kahit pa sabihin nating mga rebolto iyon ng mga santo at may mga sculptures din ng Panginoon. Medyo madilim kasi sa loob, nakapatay ang ilaw. Tanging ang liwanag lang na nagmumula sa bintana ang nagsisilbing ilaw namin sa malawak na silid nito. Tapos makulimlim pa sa labas at dumagdag pa itong kasama ko.

Ang creepy ng ambiance sa totoo lang. Lumang bahay kasi at ang sahig ay yari sa kahoy na sa tuwing inaapakan mo ay may nililikhang tunog na kadalasang naririnig sa mga horror movies. Tho, sanay naman ako sa tunog nito since ganito ang sahig namin dati sa aming bahay sa probinsya.

Abala ako kakatingin sa mga rebolto at inaaninag din ang mga ito since hindi ko masyadong mamukhaan at parang anino lang sila na nakatayo dahil nga madilim. Bigla akong mapapakislot nang maramdaman ang hindi mapakaling galaw ng kasama ko. Segundos lang ang pagitan at bahagya itong maalarma sa hindi ko malamang dahilan. Hindi tuloy ako makafocus sa ginagawa ko kaya panay ang sunod ko sa kanya. Kung saan saan kasi sya pumupunta. Pilit na dinidistract ang sarili.

Hindi naman ako lumalayo sa kanya masyado, nababahala ako e. Kailangang hindi sya mawala sa paningin ko kaya sinusundan ko sya. "Oh, bakit ka sunod nang sunod sa akin? Doon ka nga? Huwag mo sabaihing natatakot ka?" Kung alam nya lang na kanina ko lang sya pinagmamasdan at lihim na pinagtawanan. "Di ah, parehas lang na dito din ang punta ko." Sabi ko nalang at tiningnan ang paligid. Napunta na naman kami sa kabilang sulok kung saan ko nakita ang pari na walang ulo kanina. Nakita ko naman ang mannequin nito at tatlo pala talaga sila.

Walang saysay ang pagtitingin ko ng pictures, may mga nakapaskil kasi sa mga board sa bandang ito, kasi naman madilim. Hindi ko maaninag. Ang liliit nila lahat. Muli na naman syang gumalaw ng kasing bilis ng kidlat at pumunta sa kabila. Sinundan ko nalang ulit dahil kanina ko pa napapansin na parang may iniiwasan sya. Hindi talaga sya sanay noh?

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon