Twenty Seven

12 1 0
                                    

They said, "I want to protect you at any cost." .. "I would catch bullets for you." .. "I don't mind if I got hurt as long as you're safe." The she said with remarks, "Nah. I'm fine. I'm on bulletproof and I can handle myself very well." With glacial orbs she looked up to only one and smiled. Eyes were glowing as her smile became wider and wider.

***

Palalim na nang palalim ang gabi pero may kaunting liwanag pa rin na nagmumula sa maliwanag at malaking buwan. Malamig na simoy ng hangin ang humahampas sa kabuuan ng mukha ko. Ang peaceful ng gabi at mahahalata mong lahat ng tao ay excited salubungin ang bagong taon. Nagkukwentuhan lang kami ng kasama naming si Ariel at paminsan minsan din ay babanat ng isang joke. Nilingon ko sya na aliw na aliw sa mga kaganapan.

Karga nya si Siby na animo'y isang bata habang binabaktas ang kahabaan ng kalsada paakyat ng bundok. Yun kasi ang request ni kamahalan, dalhin daw namin si Siby para daw happy family. Akala mo naman kung ano. Napatitig ako sa mga kumikinang na butuin sa langit. Ang totoo nyan, excited ako sa mangyayari mamaya. I'm sure magugustuhan nya ito. Napangiti ako sa aking naisip at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ikaw pala ang student teacher na sinabi ng anak ko na bisita nya." Ani mama nang ipakilala ko sya sa kanya pagkatapos magmano rito. Tumingin siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Hindi alam ang sasabihin kaya sumang-ayon nalang sya. "Ma, mahiyain yan si Sir, pagpasensyahan mo na." Pang-aasar ko which is totoo naman, mahiyain talaga siya. "Aba, ke gwapong bata 'to, wag kang mahiya." Lumawak ang ngisi ko dahil sa sinabi ni mama. Nilingon ko sya na kahit dim ang light dahil nasa labas kami ng bahay, naaninag ko pa rin ang namumula nyang mukha.

"Parehas pala kayong payat nitong anak ko." Pansin ni mama sabay pinasadahan ako ng tingin tapos sa kanya. Ang ingay ng paligid, marami kasing mga tao. Lahat sila may kanya kanyang pinagkakaabalahan. "Kahit naman kasi anong kain namin ng marami, di naman kami nataba." Sabi ko sabay tiningnan ulit si Ed na kanina pa nakangiting nakatingin sa akin. Saglit pa silang nag-uusap ni mama at hinayaan ko nalang. Paminsan minsan ko rin syang napapansin na madalas nya akong tignan habang nag-uusap sila ni mama. Hindi naman ako makasingit, hinayaan ko lang sila at kami ni Ariel ang nag-usap.

Sinabi ko sa kanya ang plano kong pumunta sa itaas na bahagi ng bundok upang makita ang kabuuan ng syudad at mapagmasdan ang magandang fireworks mamaya. Excited naman syang pumayag. "Oh Melody, ipakilala mo sya sa papa mo. Nag-iinuman sila kasama sina Sir at mga kabarkada nya doon." Aniya sabay turo sa may maliit na balcony. "Nahihiya na ako Em.' Bulong nya sa akin. Tinawanan ko lang. Pumunta kami doon at hindi ko namalayan na sumunod pala si mama at siya na mismo ang nagpakilala sa bisita ko kay papa.

Biniro sya ni papa at nag-apir pa sila. Halata na talaga sa itsura niya na nakainom at medyo lasing na din. Tho, hindi naman madaling tamaan si papa ng alak kaya alam pa nya ang pinanggagawa nya. Bigla syang inalok ni papa ng isang shot, agad nya akong nilingon ppero nginitian ko lang. Pinipigilan lang nya talaga ang sarili nya, mahirap na. "Ah pass muna ako dyan kuya. May pupuntahan pa raw kasi kami."

Natawa si papa dahil hindi nya yata akalaing tatanggihan sya. "Hindi ka ba umiinom?" Tanong sa kanya ng ama kong lumapit pa talaga sa kanya. Samantalang abala naman ang iba pa nilang kasama sa pagkukwentuhan. Tawa lang ang sinagot ni Ed sabay sapo sa bibig nya. "E tubig, umiinom ka ba ng tubig?" Inasar sya ni papa at napairap nalang ako. Ang korny e. "Opo naman kuya."

Nagpaalam kami agad sa kanila na aakyat muna kami sa taas at di rin naman sila umangal pa. "Ang kulit ng papa mo." Aniya nang makalayo kami. "Ganun talaga yun, pagpasensyahan mo nalang." Makwela kasi yang si papa kahit nga hindi nakainom e. Pero seryosong tao naman yan.

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon