Kinabukasan ay hindi ko alam pero ang gaan ng umaga ko kahit tanghali na naman akong nagising. As usual, magkachat na naman kami ni Sir kagabi kahit noong nakauwi na sya. "Ate, bili ka ulit ng Samyang please. Ipapakain natin sa mga barkada ng papa mo bukas." Linggo naman bukas at nandito yung barkada ni papa, mag-iinuman na naman. Tsaka, Samyang na naman? Speaking of, kinain namin yun kagabi at talagang sumakit ang tyan ko kakatawa sa kanila lalo na kay mama. Mahilig kasi sya sa anghang kaya isang sandok ng tinidor ang kinain nya, kahit kakahalo nya pa lang nun. Resulta, tumulo yung luha nya sa anghang at panay mumog ng tubig.
May video nga yun e. Ina-upload ko sa facebook. Kumain naman ako pero hindi ko dinamihan, ang anghang kasi talaga, sobra. Napanuod pa nga yun ni Sir at may ini-screenshot sya. Ako na tumatawa habang karga ko si Siby, yung regalo nyang stuff toy na isang tuta. Ang laki nya, parang unan ko lang. Siby ang ipinangalan ko since, lalaki yata ito, sabi kasi sa card nya kung saan sinulatan ni Sir, 'he'. At galing yun sya sa student teacher kong sobrang dipinsib, kaya Siby. Palagay ko, baby pa kasi itong tuta.
"Fine fine. Aalis din ako, may pupuntahan ulit akong museum." Aba, dapat kasi maraming museum ang mapupuntahan ko para sa thesis ko. Gustong gusto ko kasing ayusin yun at lalong pagandahin. Yun din kasi ang purpose ng proposal defense namin dati, at may mga suggestions naman yung mga panel ko at isa nga ito. Kumain muna akong agahan at chinat si ate Ja.
May naisip tuloy ako. Nag online ako at nagbabaka sakaling online sya at hindi nga ako nagkakamali. Kakagising nya lang din yata since ilang minutos lang yung good morning nya at ingat daw ako later. "Sir, since aalis ka na sa lunes. Gusto mo bang sumama sa akin ngayong hapon? Kung yun ay wala kang prior commitments. Nabanggit mo din kasi na hindi ka pa talaga nakapasok sa mga museums dito sa Cebu, kaya naisipan kong ayain kita ulit ngayon." Paano, puro kasi yan mall ang pinupuntahan. Akala mo babae e. Sabagay, yun daw ang way nya to relieve stress at kung ano anong kaekekan nya sa buhay.
"Sigurado ka?" sus, kunwari ka pa e gusto mo naman. Joke lang.
"Yes oh yes. Wala din kasi akong kasama, puro busy mga kaibigan ko." Tsaka, may naisip din kasi akong puntahan na museum, yung sa may Cathedral, sa tapat ng Raja Humabon shrine. Napansin ko yun dati noong naghahanap kami ng mga homeless para sa emmersion namin noong first year. Gusto ko kasing pasukin yun pero wala naman akong kasama at wala din akong time.
"Okay game. Saan ba tayo magkikita?"
"Sa CEC nalang, may dadaanan din kasi ako." Nalaman ko kasi kay ate Ja na nasa school sila ngayon since may Christmas party silang mga NSTP students. Sabi din nya doon nalang kami magkikita ulit. "Okay, kita nalang tayo doon girl on fire." Aniya.
Napangiti ako, "Sige Mr. Dipinsib." Pinalitan ko yung nickname nya, from Sir Dipinsib to Mr. Dipinsib. Yung akin, girl on fire ang nilagay nya noong nakaraan. Ano bang meron sa girl on fire na yan ha?
Pagdating ko sa school ay ang sabi nya, nandito na raw sya. Nagmamadali akong tinungo ang klasrom ni ate Ja. Hindi kasi sya nagreply sa chat ko. Ang sabi din kasi ni Mr Dipinsib kanina noong tinanong ko kung may napansin ba syang nagpaparty sa school since nauna sya, ang sabi nya mukhang nasa second floor daw. May kakilala din kasi syang education na coordinator ng NSTP.
Tinakbo ko nag kahabaan ng hallway at namataan ko pa sya sa may gate 2, nakaupo. Hindi ko alam kung napansin ba nya ako kasi nga tumakbo ako at malabo mata nyan. Pinuntahan ko yung LR pero wala namang katao tao. May narinig akong ingay kaya sinundan ko yun. Nasa pinakadulo pala malapit sa high school building.
May hagdanan naman malapit sa pwesto ko kaya dito nalang ako dumaan at pagdating sa baba ay pumunta muna akong cr. Jusko naman, anong klaseng pagmumukha yan Melody ha? Nag-cr lang ako saglit at pumunta na doon sa waiting area ng gate 2. Wala naman katao tao. Nasaan na ba yun? Ichachat ko sana sya pero namataan ko sya sa isa sa mga pillars na malapit sa CR ng boys. Nakasandal sya doon at naghihintay, nakatanaw sa akin. Ang drama naman ng isnag 'to. Anong feeling nya? Parang isang scene ng isang telenovela? Tss.
"Andyan ka lang pala."
"Yes, nakita kasi kita na pumasok sa cr." Duh? Bakit hindi nya ako tinawag noong duman ako di ba? Pero siguro nag cr din ito. "Let's go." Tumango ako at tuluyan nan gang lumabas ng campus. Hindi uso sa amin ang sakay kaya nilakad lang namin papuntang Fort San Pedro. Yun kasi ang uunahin namin. Tsaka, malapit lang naman. Napag-alaman ko ring nakapunta na sya dito sa Plaza Independencia kasama yung ex nya kaya hindi ako naniniwalang hindi pa sya nakapasok sa Fort San Pedro. Nasa tapat lang e.
"Pwede ba, wag kang sunod nang sunod? Sabayan mo ako sa paglalakad." Natatawang puna ko sa kanya. Nasa likuran ko kasi sya at kanina pa sya nakatitig. "Bakit naman? Okay lang naman ako dito."
"You know, staring is rude. Kanina ko pa napapansin at alam mo namang hindi ako komportabling tinitigan ako, kaya sabayan mo ako." Mabuti at sumunod naman sya. Nagreklamo pa e kesyo mas gusto daw nyang titigan nya ako mula sa malayo. Ayaw ko ngang nasa likod ko sya. Tss.
Ngayon ko lang din narealize ang itsura namin. Naka all white akong dress na may hood at long sleeve din ito at sya naman-ahmm-hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero mula ulo hanggang paa, lahat po kulay blue. Parang yung mood nya, blue. Tss. Naisip ko tuloy, napipilitan lang ba syang samahan ako? Hindi ba sya masayang ako ang kasama nya? Pinilig ko nag ulo ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makapasok ay dumiretso muna kami sa mini gallery doon at ngakukwento din ako sa kanya yung experience ko dati sa lugar na to kasama si Kim, yung isang kaibigan na DevComm din. Bago kami umakyat sa taas ay nagpictorial pa kami. Yes, ginawa ko po syang modelo at doon ko napagtanto na camera shy pala talaga ang kuya mo. Walamg konpidins sa sarili na kinailangan ko pang turuan ng mga poses. Ang pangit pa nya mag project, jusko. Parang sya lang din, walang ka buhay buhay. Nai-istress ako sa kanya sa totoo lang pero nakakatuwa din sya.
Panay din sya reklamo pero hindi sya makakatalo sa akin, mapilit akong tao e. Tsaka, gusto ko din kasing ilabas yung confidence nya sa harap ng camera, magagamit naman nya yan someday. "Yan kasi, sanay ka kasi sa selfie, kaya ayan," reklamo ko sa kanya. Ang demanding kong photographer. Hahaha, oc kasi ako sa projection at ako nalang din ang nag-aadjust ng angle. My God! "Gusto mo bigyan kita ng technique kung paano lagyan ng emotion kapag nagpoproject ka?"
Tumawa sya sabay pinahid ang pawis na namumuo sa noo at leeg nya. "Paano ba?" Ngumisi ako sa hinanda ang cellphone ko. "Isipin mong yung taong mahal mo ang nakikita mo sa camera mismo." Basic yun. Kung gustong mukhang in love ang pinoproject ng subject mo. Hindi ko alam kung saan ko yan nakuha pero yun ang napansin kong madaling tip.
Sinunod naman nya at sinimulan ko na ring kunan sya pero naasiwa ako bigla sa titig nya kaya tumingin ako sa kanya. Yung ngiti nyang hindi man ganun ka saya pero yung kontentong ngiti. First time kong makita yun sa kanya. Yung mga titig nyang ang daming sinasabi, halo halo. Hindi talaga sya sa camera mismo nakatingin kundi sa mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Nagbawi ako ng tingin at tiningnan ang kuha ko. Napangisi ako, "Ayan! Perfect!" pagkatapos nun ay pumunta na kami sa taas.
"Ginawa mo pa talaga akong subject, hindi nga ako marunong magpose e." natatawang aniya. Okay lang naman, naaliw din akong kunan sya. Pero mas gusto ko talaga yung mga stolen shots nya. Ang dramatic kasi tingnan. May ginawa kasi akong shot na silhouette lang nya sa may bintana. Sinadya ko syang papuntahin at kunan doon. Pero hinintay ko munang makalimutan nyang kinunan pala sya ng litrato. "Tingin ka lang kung saan." Hanggang sa nakuha ko ang gusto kong emosyon. Iyong siyang siya.
Akala mo nakatitig sa isang bagay o tao pero ang totoo nyan, natutulala talaga sya. Makikita sa mga mata nya na malalim ang iniisip nito at yung facial expression na parang nasasaktan, nangungulila. Yun ang palagi kong nakikita sa kanya kahit sa school. Kaya siguro mas pinili kong kaibiganin sya. Malungkot kasi syang tao, pakiramdam nya iniiwan nalang sya ng lahat dahil yun naman talaga ang palaging nangyayari. Pero ang hindi nya alam, may mga tao namang gustong manatili sa tabi nya pero siya na yung umaalis. Takot kasi syang baka masaktan nya lang ito sa huli pero sa ginawa nya, sinasaktan nya pa rin.
May kinunan din akong naglalakad sya, mag-isa. Nakalimutan nya yatang kasama nya ako sa mga oras na yun. Ang lonely nya, yung body posture nagsusumigaw ng kalungkutan. Gusto ko tuloy gawin syang isang subject sa music video na pang broken hearted, kuhang kuha nya e.
Ano kaya ang kaya kong gawin para makaramdam din sya nga kasiyahan noh? Para naman kahit papaano, hindi masyadong boring ang buhay nya. Well, may iba't ibang way naman tayo para maging masaya. Ngunit iba pa rin yung sayang dulot ng sarili mo mismo hindi dahil sa isang bagay o tao kundi ay dahil sa sarili mo lang din mismo.
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...