Ni minsan hindi ako nakaramdam ng awkwardness sa kahit na kanino kahit noong high school pa lang ako. Yung mga panahong nag-umpisa akong lumandi. "Pero, para sa akin talaga ate. Bagay na bagay sina Mel at Sir Perru." Biglang sabi ni Mira. I mean, kung ano anong pinagsasabi nila pero hindi naman ako nakinig. Kasalukuyan kaming naglalakad sa activity center, uwian na kasi. "I agree, bagay din talaga sila, parehas slim." Segunda din ni ate Hayley. "Pero hindi ba ang pangit tingnan? Student teacher at student in a relationship?" Umiksena din si Faye.
"So? Hindi pa naman teacher talaga si Sir tsaka, ang sabi di ba, next year sa ibang school na sila?" ani ate Hayley. Hindi ko nalang sila pinansin at akmang iwan sana sila nang tanungin ako ni ate, "What if Mel, manliligaw si Sir sa'yo? May chance ba sya?" natigilan ako at saka hinarap silang ngiting ngiti. "I don't entertain ate, alam nyo yan. Focus ako sa pag-aaral ko, okay? Tigilan nyo na yan." Kalamante kong sabi at nagpaalam na. Bakit ba ang desperada nilang magkalablayf ako ha? Aanhin ko naman kasi yan?
"Please do study sa mga lessons natin dahil may quiz ako sa inyo ngayong byernes." Biglang pahayag ni Sir. Next week na pala yung prelim. "Next week na exam nyo at kailangan mag-aral din kayo ha? Papahirapan ko kayo." Hamon nya sa amin. Baka naman kasi daw akala naming igugrupo na naman kami sa exam. Oh well, lagi naman akong handa. Tss. Tsaka, bangag ako ngayon, ang hirap kaya nang pinagdaanan name sa major exam kanina. Dumugo na ilong ko kaka english at dumugo na din utak ko kakaisip ng sagot. Partida, objective exam yun, walang choices. Kailangan talaga mag essay pa kami. Jusko.
Walang pasok sa major kinabukasan since tapos na naman na kaming mag exam. At yung isang major namin na hinahandle ni Sir Roger ay hindi naman talaga sya nagpa written exam. Bali yung activity na ginawa namin last meeting ay practical exam na yun. Sa isang radio station kasi namin ginawa yun. Nagrerecording.
Si miss natscie ay nagbigay lang ng notes ulit at aaralin nalang daw namin at iniwan kami. May 3 hrs na vacant at natulog lang kami. Yung iba ay pumunta sa mall. Wala talaga sa bokabularyo namin ang mag-aral sa minors noh? Kasi di ba, dapat nag-aaral kami kasi nga yun ang sabi ni Sir. Kaso, kakabuklat ko pa lang ng notebook ko, hinihila naman ang mata ko pababa kaya natulog nalang ako. Nagising lang nung dumating sila at binigay yung mga pinadala naming pagkain.
Kahit noong nasa klasrom na kami wala talagang ni isa sa mga kaibigan ko ang nag-aral. Yung iba naman naming kaklase ay kakabuklat lang din ng mga notebook nila. Yung iba wala lang, abala sa harap ng cellphone. Nagbabasa ako ng wattpad nang dumating si Sir. "Nag-aaral ba kayo?" walang sumagot. "Joke lang yung sinabi ko last meeting. Anyways, get 1/8 sheet of paper, write your name tapos ibigay sa akin, ibang activity ang gagawin natin ngayon." Aniya na sinunod naman namin. Sabi nya magbibigay daw kami ng mga natutunan namin sa klase nya kahit hindi related sa mga lessons at e-expound daw dapat.
Bubunut sya sa mga papel na hawak nya. Nang matawag na ang ibang DevComm, alam kong malapit na ako. Si Jen kasi yung nasa ibabaw ng papel ko at katabi ko sya sa kanan kaso nang matapos na sya ay bigla nyang nilagay sa pinakalikuran ang papel ko at kunwaring naghanap pa sya ng iba. Inasar tuloy sya ng mga kaibigan ko. "Ha? Naghahanap lang naman ako." Aniya. Nakatitig lang ako sa kanya at buti hindi nakita ang nakangisi kong mukha dahil may sout akong face mask na kulay black at may drawing na mustache. Sinipon kasi ako at minsanang ubo.
"Ayyiiee, sinadya nya talagang ihuli si Mel!"
"Ayyiiee, save the best for the last ika nga."
"Hahaha ikaw sir ah!"
"Hindi talaga, promise, kayo talaga." Sinong niloloko mo Sir? I saw what you did. Nabasa mo yung pangalan ko kaya nilagay mo sa pinakadulo. Sus, partida ang pula pula mo na oh.
Nagbunot ulit sya hanggang sa yung 1/8 ko na mismo ang hawak nya. "And last but not the least, Miss Caro." Hinubad ko muna yung mask ko at tumayo mula sa pagkakadekwatro. Nagsigawan ang mga kaibigan ko at nang-aasar na naman. Umirap nalang ako pero natawa na rin sa mg aka kornyhan nila. "So, tell me kung ano yung mga natutunan mo Miss Caro," Aniya sabay tingin sa mga mata ko. Nakangiti siya.
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...