"Edi, live in the moment. Pero mas maganda pa rin yung paminsan minsan magrereminisce ka sa mga pangyayari mo sa nakaraan." Sabi ko nang mapunta kami sa usapang looking back sa mga past events sa buhay. "May matutunan ka kasi base doon sa mga pangyayaring yun. Kumbaga, reflecting ba."
"Hahaha, you're emotional today Ms Caro." Tipid akong ngumiti sa sinabi nya. Lagi naman. "Hahaha, always naman yan Sir. Alam ko lang talaga how to set aside. Lagi mong nakikita ang playful side ko sa klase but that's just my façade."
"Actually, it is the opposite. I don't see your playful side. I see someone holding back, not sure why." Na tumbok nya rin. Hindi ko din alam why I'm always holding back. Like ginagawa ko ito kasi it is necessary and I don't usually give my best to it. Hindi din naman kasi ako show off na tao. Ayaw ko ring ma misinterpret ng iba ang actions ko.
Siguro, kilala na talaga ako nito kaya nakikita nya ang totoong ako. Pero hindi naman mangyayari yun kung hindi ko na sya tinuring na kaibigan. Kung walang bond na nabubuo. "Until now, I still think na nirerespito mo lang ako kaya nagrereply ka sa akin." Aniya nang sabihin ko ang naisip ko kung bakit ganun. Sus, hindi pa ba halatang kaibigan na ang turing ko sa kanya?
"I see. Hahaha, isa din yan pero I treated you na rin kasi as part sa circle of friends ko, so."
"Oh really?"
"Grabe, nakakahurt ka na ng feelings sir ah!" biro ko pa sa kanya. "I think, I'm the one whose hurt here." Napatanga ako. Shit! Oo nga pala. My God Mel! Why so insensitive ba ha? Alam mo naman na—tss! Ugh!
Pero hindi talaga ako makapaniwala e. Sa ikli ng panahon na yun, ganun na agad ang nararamdaman nya sa akin? Parang ang bilis naman yata, di ba? Hindi kaya nagloko lang 'tong kumag na 'to? Anyway, matanong nga. "Sir, hindi ko talaga ma gets at makitaan ng logic e. Bakit ako? I mean, marami naman dyan, iba nga parang naghahabol pa sa'yo e. Pero bakit sa akin? Why me?" Sinilid ko muna yung phone ko sa bag dahil dumating na si Miss. Prelim na kasi ngayon. "I'll answer you question after you exams." Yun ang sabi nya.
Madali lang naman tong sagutin since minor subject ito at multiple choice pa. May identification naman pero kerri lang. Hindi ko minadali a, sadyang mabilis lang talaga akong natapos. Napansin ko pang ang higpit ng mga bantay namin na mga kasamahan ni Miss na ST din, as if namang maghohokage kami noh? Tsaka, pamilyar din itong student teacher sa left side ko, sya yata yung bestfriend ni Sir na napagkamalan naming girlfriend nya. Well, wala naman akong pake kung sino sya, ang importante, ipasa ko tong papel at sumibat na, gutom na ako e.
Nang hapon na yun, last minor exam na namin at talagang ang arte nya. Literal kung one seat apart kasi talaga kami. Kinalat nya ang lahat ng upuan sa kabuuan ng klasrom at pinaghihiwalay din nya kaming mga DevComm. Nakakinis si Sir, ba't sya ganyan? Ang layo ko tuloy kay Bae, si Holi. Napag-usapan kasi naman kanina na 'share your blessing' e. Tsk. Pati din yung ibang DevComm, sa amin yan sila umaasa e. Tss. Si Sir talaga panira. Kaya ayan tuloy, malungkot silang sinunod yung sinabi ni Sir.
Napansin ko namang ako lang yung hindi nya tinawag at pinalipat. Yung upuan ko kasi, saktong sakto na nasa pinaka gitna. Dalawa sa unahan at dalawa sa likod ko. Apat din sa magkabilang gilid. Literal talaga na pinaka center ako. Tanaw ko tuloy ang lahat.
"E ako sir, hindi mo ba ako ililipat?" Tawag pansin ko sa kanya. Hindi kasi ako komportable. Ewan. Nakangiti lang ako pero deadma naman ang loko, bwesit. "Dyan ka nalang daw Mel, para kitang kita ka nya." Ani ate Hayley na nang-aasar na naman. Umirap nalang ako at nag dekwatro. Nilaro laro ko lang yung pen ko at nagsimula nang sagutan ang questionnaire nang magbigay na sya ng signal.
"Kindly prepare your assessment sa table nyo, ako nalang ang pupunta." Tangek, iisa isahin nya, ganun? Kung pinapasa nalang nya sa harap di ba? Hindi ko alam pero nang magsimulang tumahimik ang klasrom ay doon ko napansin na ang lakas ng kabog ng puso ko. Pabilis nang pabilis ang pintig nito habang dinig na dinig ko din ang mahihinang apak nya sa simento. Tuloy, hindi ko naiintindihan yung question. More on analization pa naman 'to. Makailang ulit ko pang binasa ang isang question bago ko sagutan.
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...