“Hoy Bae, Sir oh.” Aniya sabay siko sa akin. “Hmm?” Kunwari naman na hindi ko alam na napansin ko na sya. Nilingon ko sya at sakto namang nagpaalam sya sa mga kausap nya. Ngiting ngiti pa silang lahat nang madatnan ko. Teka nga, bakit ba ganun ang reaksyon nila? “Ah okay.” Kunwari ay kibit balikat kong sagot kay Bae sabay tingin ulit sa phone ko. Wala lang, nagbabasa lang ng wattpad. Anak ka ng, bakit ba ako kinakabahan?
In my peripheral vision, nakita ko ang mahahaba nyang binti na naglalakad papunta sa direksyon namin hanggang sa umupo sya sa tabi ko. “Hi.” Bati nya pagka-upong pagka-upo. Nag angat naman ako ng tingin at nginitian sya, “Hello.” Sabay iwas ng tingin. Tangina, bakit ba sya nakangiti?! At tangina ulit, bakit ba nakakaattract sya tingnan kapag naka white plain shirit sya?! Anong nakain nya at ang aliwalas ng mukha nya? “Himala ata tayo ngayon?” pertaining to us na tumatambay sa AC.
“Yeah, walang magawa tsaka nabuburyo kami sa taas, kaya dito muna.” Sabi ko nang hindi na makatingin sa kanya. Paano kasi, nakaharap talaga sya sa akin samantalang ako, kaharap yung garden. Bale, he is facing my side and I became uneasy with his presence. Actually, may pakiramdam akong may mga matang nakatingin. Kaya ayaw ko talaga nang ganito e. Yung magkasama kami sa loob ng campus. Ewan pero ang weird lang ng feeling, hindi ako nagiging comfortable.
Nilingon ko si Bae na abala pa rin sa phone nya, “Bae, tara na?” tumango naman sya at agad nag ayos ng ibang gamit sabay tayo. Bigla akong nakonsensya nang maalalang may kasama pala kami, I mean, ako. Kasi naman aalis na rin sana ako e. Ang sama ko di ba? “Anyways, pupunta kami ulit sa SRP, sama ka?” Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Nakangiti lang sya habang titig na titig sa akin ng ilang segundo at doon ko rin sya natitigan ng maigi. Maaliwalas nga ang mukha nya dahil nakangiti sya pero ramdam ko yung pagod nya. Ewan, siguro kasi nakikita ko sa mga mata nya na pagod sya at isa pa, mukha syang naiiyak na ewan. Ha? “Hey, ano sasama ka sa amin o hin—“
“You will invite me? With you?” oh, anong meron doon? Teka, hindi ko pa ba sya naalok ni minsan? Natawa ako sa tanong nya, “Syempre naman. Ano sasama ka ba o hi—“
“Sasama, sasama. Teka lang, wait for me here, kukunin ko lang yung gamit ko sa taas.” Aniya saka kumaripas ng takbo paakyat ng hagdan. “Ang maldita mo talaga Bae. Pasalamat ka at napagtyagaan ka nyan ni Sir.” Ani bigla ng kasama ko. Aba, friendship over na ba ito? Grabe sya sa akin. “Bakit ba? Ganito naman talaga ugali ko noon pa man.” Sabi ko rin na natatawa habang nagpagpag ng damit.
Ang kyut talaga ng outfit ko today. I’m wearing a maxi skirt na kulay orange and a white off-shoulder top. Naalala ko na naman kung bakit bigla akong nagsout ng boots. “Mahilig ka talaga magsout ng sneakers babe no?” Puna bigla ni Cian sa akin isang araw nang mapansin ang pictures ko na puro naka sneakers. Saka ko lang naisip ang mga babaeng crush nya, yung mga babaeng kasintahan nya dati at lalong lalo na ang mga babaeng naghahabol sa kanya. Ang layo nang itsura ko kumpara sa kanila, pananamit pa lang, waley na ako.
I mean, I don’t intend to change my image para lang magustuhan ako ng isang tao. I’d rather be my own style. Ang akin lang, gusto ko ring ipakita sa iba na this isn’t just me. Na marami talaga akong bersyon, depende din sa mood. So, mahilig na talaga akong magsout ng boots pero kapag may gala lang somewhere at hindi sa loob ng campus, ngayon lang.
“You know what Bae, I wouldn’t be surprised kung tatanda kang dalaga sa ugali mong yan.” Prangka nya pa na tinawanan ko lang. “Whatever Bae, but that would be better din.” Sabay tawa ulit. “Ewan ko sa’yo Bae.”
Sakto namang bumalik na yung hinihintay namin at nagsimula na kaming maglakad palabas ng campus. “I still can’t believe na isasama mo ako. Pwede pang magbago ang isip mo.” Aniya na nakangiti habang nakatingin sa akin. Tinawanan ko lang sya sabay dumistansya ng konti at nilarolaro ang skirt ko. Mukha akong babae talaga today, hindi ako sanay. I mean, hindi lang ako fond of wearing girly clothes kaya nga I paired my top with a long skirt e. Tapos nakalugay lang ang hair, as usual.
“Grabe sya, baka ikaw gusto mong magbago isip mo.” Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Puro ako ngiti talaga. Ewan, I’m just…happy? Dunno tho. Basta ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, kasing gaan ng mga sout kong damit. “Of course, hindi. This is the first time na inaya mo ako kaya lubos lubosin ko na, bihira lang ‘to.” Ang sama ko bang tao dahil ngayon ko lang sya inaya? I mean, ngayon lang kami nagkasama sa loob ng campus na hindi pa lumulubog ang araw. Maraming mga taong makakakita sa amin.
“Hi Melody!” Bati ng mga group of friends na kung hindi ako nagkakamali, naging kaklase ko dati sa minors. Bumati naman ako pabalik at napansin ko ang biglang pag sulyap nila ng tingin sa kasama ko. Nasa uanhan lang si Bae na busy pa rin sa phone nya. Ano bang meron sa phone nya at gandang ganda ata sya?
“Baka lang ma-issue ka nang dahil sa akin.” Iniisip nya siguro yung nangyari dati sa pagitan ng Ex nya at sa akin. “Sus, ano bang pake ko sa ibang tao? Hayaan na nga yan natin sila.” Nakalabas na kami ng campus na walang masyadong drama.
“Maglalakad lang pala tayo, okay lang ba yun sa’yo? Malapit lang naman.” Paalala ko sa kanya na agad nya namang sinang-ayunan. Naku, hindi pa naman sanay to sa lakaran. “Bakit ba gustong gusto nyong tumambay doon?” tanong nya habang papatawid kami ng kalsada. “Wala lang, nakakarelax kasi ang malawak na karagatan na tanawin. Tsaka, alam mo naman ang sitwasyon, I want to help her. Na maramdaman nyang hindi sya nag-iisa.” Sabi ko habang nakangiti at ganun rin sya while looking at me. Nag-iwas nalang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...