Iyon agad ang naging topic namin ni Ish nang magkita kami sa klase. At nakakalokang nagmessage ulit ito sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nya pa kinakausap yung dummy account na 'yun. Kasi kung ako ang nasa posisyon nya, ibo-block ko na yun ng diretso.
"Wag mo nalang patulan Ish. Wala lang yang magawa sa buhay at tayo lang nag pinaglalaruan nyan."
"Alam ko naman yun. Pero may pakiramdam akong si Earl lang din 'to. Kasi naman di ba? Bakit ang dami nyang alam?" Inis na inis sya nang sabihin nya ang mga 'yon. Malakas talaga ang feeling nya na si Earl at John Dewey ay iisa. Hindi ko makuha tuloy ang logic. Kung talagang iisang tao lang ito, bakit naman magpapanggap pa si Sir kung talagang gusto nyang makipagbalikan kay Ish? Di ba parang ang bata pakinggan? Hindi naman siguro sya ganun ka desperado di ba? Peo malay din naman natin, baka mahal lang talaga nung tao si Ish. Haay, things you do for love.
"Tangina siya! Pakyu nya talaga! Kahit anong mangyayari, hindi na talaga ako babalik sa animal na yun! Bwesit sya!" Nagrarant na po sya. Hinayaan ko nalang. Dumating si Miss pero binigyan lang kami ng mga notes at hindi sya nagdidiscuss. May meeting daw sila e. Next meeting naman, magku-quiz kami.
Maya maya pa, kumalma na rin si Ish at nakipagbiruan na sa ibang mga kaklase namin. Ako naman, tahimik lang na nagbabasa sa upuan ko. Ang iingay! Jusko. Para tuloy akong nasa isang high school classroom. "Mel." Bigla akong nilapitan ni Ish. Umupo sya sa upuan nya na nasa harapan ko lang. Binaba ko muna yung phone ko at tiningnan sya.
"May ipapa-search ako sa'yo. Taga CIT-U to, pinsan ko. Pahingi nga ng papel." Kahit wala akong ideya sa mga pinagsasabi nya, wala din naman akong papel kaya yung notes ko nalang ang sinulatan nya. Kinuha din nya yung phone nya at may binutingting doon sabay pinakita sa akin. "Ayan sya." Tiningnan ko yung picture ng isang lalaking nakasquat sa damuhan at nakangiti na nakaharap sa camera. Tingin ko, matangkad ito.
"Search mo yan ha?" Napataas ang kilay ko. "Bakit naman?" Hindi ko naman kilala yung tao at lalong wala akong pake kung sino man sya. "Engineering yan." Dagdag nya pa. Hindi ako umuoo at magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa nang muli syang magsalita. "Wala kasi si Sano." Sabay hagod nya ng tingin sa mga katabi ko. "Kaya ikaw nalang magsabi nyan sa kanya." Bakit ako ang inutusan mo? Jusmiyo, umiral na naman yung pagkapilosopa ko, buti di ko naisatinig.
"Nakita nya kasi yung picture nyong mga DevComm at gusto daw niyang makilala si Sano." Pagpatuloy nya. Gets ko naman na sikat talaga ang babaeng yun kahit saan pero ang hindi ko ma gets bakit pati ang ibang mga DevComm nakilala ng lalaking yan sa picture kuno. Siguro sa mga pictures naming magkakasama.
"Okay. Mukhang absent na naman yata yung babeng yun. Don't worry, sabihin ko 'to sa kanya." Sabi ko nalang sa kanya at tinupi yung notes. Yung notes ko pa talaga sa NatSci yung sinulatan nya. Pero bakit kaya hindi nalang sya yung magsabi nito sa kanya noh?
Hindi ko nalang binigyan ng pansin yung mga tanong sa isipan ko at nagpatuloy sa pagbabasa.
Pagsapit ng hapon, nagpatuloy kami sa activity namin sa SocSci 3. Ang ingay sa klase pero nakakatuwa sya. Lahat may sense yung mga pinagsasabi nila. Nakinig lang naman ako at kapag kailangan ng tulong sa grupo namin, saka na ako magsasalita. Kagrupo kasi namin si kuya Jay, magaling din 'tong isang 'to e. Laging nasa punto yung mga sinasabi. Kaso ang dami pang segue kesyo ganito ganyan bago yung real intent talaga. Kaya ako na minsan mismo ang magsasalita para sa gusto nyang ipahiwatig. Mas maraming salita, mas magulo kasi. Hindi naman lahat ng tao nasusundan ang mga pinagsasabi nya.
Although, gusto lang naman nyang mas maintindihan kaso, minsan nawawala din kasi sya kaya to the rescue si ako. Nakakatuwang ka tandem si kuya. Ang dami ko ring natutunan at naiintindihan sa kanya. Ako na din mismo ang nag simplify nito na mas lalong magets nila. Kaya ang ending, kami na yung may maraming tanong sa ibang grupo at yung amin naman, parang case closed na.
"Ang gusto nya lang naman malaman is, may ibang paraan ba para hindi kailangan mapunta sa bahay ampunan ang isang bata at kung ano ang dapat gawin ng gobyerno para mapanatili ang mga anak nila sa kanilang pamilya. Anong klaseng law ba dapat ang gawin nila para ma prevent yang mga child abuse at kung ano ano pa. Gusto nya kasi yung ma prevent ang mangyayari kasi yun ang tingin namin na nararapat. Napaghandaan kumbaga." Pagsusummarize ko sa mga sinasabi ni kuya.
Intervention kasi yung naisip naming best na sulusyon para maprevent ang mga yun. Kailangan ng guidance from the government ang mga pamilyang kulang sa edukasyon. Turuan silang tumayo at itaguyod ang sariling pamilya nila at hindi lang i-asa sa gobyerno ang lahat.
"Hahaha, tigilan na natin 'to inday. Hayaan na natin ang ibang grupo na ulit ang magtanong." Tatawa tawang aniya. "Ikaw lang naman kasi ang ayaw papigil kuya. Nanahimik na nga ako dito kaso dinadamay mo naman ako lagi." Natawa kami parehas at muli na naman syang tumayo para sana magtanong ulit. Tamo. Hinila ko yung braso nya at sinabihang, "Tama na yan kuya." Natatawang saway ko sa kanya. Ang init na kasi.
Hindi tuloy alam ni Sir kung hahayaan nya lang ba si Kuya o ano, "Oh sige. Last question nyo na yan group 1." Aniya na natatawa. Akmang magsasalita na sana si kuya nang magsalita ako, "Kuya, wag na sabi. Awat na." Buti at nakinig naman sya. Ang dami nya raw kasing nakitang lapses. Kaya tawang tawa nalang kami parehas at piniling makinig nalang hanggang sa natapos ang klase na wala talagang nanalo. Lahat may rason. Jusko. Ayaw talaga paawat. Kaya pinili nalang ni Sir na gawing equal ang lahat. Perfect para sa activity today!
Akala ko tapos na yung debate namin pero makikipagdebate pa pala si Sir sa akin sa chat. Hala sya. Mukha tuloy naging virtual classroom 'to namin. "Tama naman kasi talaga yun Sir, kailangan din mismo ng guidance from the educated people para matulungan yung mas nangangailangan. Hindi dapat i-spoon feed, kailangan din turuan silang tumayo sa sarili nilang mga paa at kakayahan mismo. Dapat may seminar and workshops for them."
"Wow, bilib na talaga ako sa babaeng 'to. Kamakailan lang, isa kang psychologist na naging detective, tapos biglang naging activist hanggang sa naging humanitarian. You really are the girl on fire." Napaangat ang dalawang kilay ko sa naging turan nya. "Jack of all trades daw kasi kaming DevComm Sir. Hahaha" reply ko nalang.
"Anyways, may ipapabasa ako sa'yong poem tsaka I want you to analyze it." Aniya bigla. Teka, di naman ako prepared, anong peom ba? "Luh sya, di naman ako magaling mag analyze ng peoms Sir. Hahaha."
"Just give it a try. Wait, isesend ko sa'yo."
Naghintay nalang ako at di naman nagtagal, na received ko na. Jusmiyo, Thorn Inside the Room? Siya ba gumawa nito? Hindi ko nalang tinanong at binasa ko yung pinasa nya. Ang ganda nito, my God!
"Thorn Inside the Room"
A walking thorn inside the room,
A shallow sea turned deep within,
The fire lit but he never drip,
The self should never let the flower bloom
At midnight's breath.
Beneath a fir tree,
The thorn let itself be free,
For the self to recognize
The thorn's soul deep inside
The self could never bloom,
Nor he again can rise
To fall for the thorn inside the room,
Instead he used his mind
And let himself be wise.
His standing there his hiding
Of what he can't decide.
A mask and a little disguise
Don't show, don't feel and never bloom.,
Stay away from the thorn inside that room.
© SirSirJAY"Pained*"
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomantikLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...