Nineteen

14 2 0
                                    

Abala ako sa kakatingin ng mga naglalaro ng volleyball sa game area ng Plaza Independencia nang muli na naman nya akong kinunan ng litrato. Akala nya siguro hindi ko sya nakita sa peripheral vision ko. Hindi muna ako gumalaw at hinintay lang na matapos sya. "Gusto mong mag silfie tayo para naman hindi ka nangstostolen dyan. Wala namang problema sa akin Sir." Pang-aalaska ko sa kanya, nagkunwai naman syang nanalamin sa phone nya at may paayos-ayos pa ng buhok. Bistado ka na sir, tigilan mo na yan.

Napailing ako at nilapitan sya, "Selfie tayo, dali." Umiwas naman sya, pulang pula ang mukha. "Huwag na." Aniya at muling naglakad. Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa kanya. May nakita syang bulaklak at nilapitan nya yun. Pinitas pa nya at sininghot. "Pwe!" tinawanan ko lang sya. "Ayan kasi, nangingialam pa e, bawal nga pumitas ng bulaklak oh." Natatawang pahayag ko. Paano kasi, ang ganda kasi ng bulaklak, rare yata yan, tapos sininghot nya e ang pangit naman ng amoy.

"Akala ko pa naman mabango, ang ganda kasi nya tapos kulay purple pa." Sa pagkakaalam ko, pink ang favorite nyang kulay, anong nasinghot nya at nagandahan sa purple ha? Well, purple kasi ang favorite kong kulay. "Looks can be deceiving ika nga Sir." Nakangiting sabi ko.

Umupo ako sa ibabaw ng pader at ganun din sya sa kabila. Walang ni isang nagsalita. Ngayon ko lang din naramdaman ang pakiramdam na kahit tahimik kaming dalawa ay sobrang peaceful sa feeling. Nakakarelax at parang nawala ang lahat ng mga iniisip ko. Ang sarap sa pakiramdam na kalmadong kalmado ka lang.

Ni minsan hindi ko pa naranasan ang ganitong feeling na kahit wala akong iniisip ay ang kalma naman ng damdamin ko. Kahit naman kasi piliin kong manahimik minsan, hindi naman ako nakakaramdam ng pagiging kalmado since maraming tumatakbo sa isipan ko. Kahit pilit kong binabaliwala ang mga yun, ayaw naman nilang tumigil. Magulo kasi akong tao. Mas marami ngang mga namumuong salita sa utak ko kesa sa lumabas mismo sa bibig ko. Kaya nakakapanibagong nawala silang lahat bigla ngayon at pakiramdam ko hinehele ako ng katahimikan at gusto kong matulog nalang.

Nilingon ko sya na nakatingin na din pala sa akin. "Saan na tayo ngayon?" Tanong nya at nag-iwas ng tingin. Tumingin naman ako sa paligid at muling bumaling sa kanya, "Nasa Fort San Pedro pa naman Sir." Sabi ko at napangisi naman sya sabay bumuntong hininga. "I mean, saan ang susunod nating puntahan?" Pag-iiba nya ng tanong. "Literalistang pilosopa mo talaga." Dugtong pa nya. Ngumisi ako at bumaba na sa pader, "Well." Sabi ko nalang at nakangiting nagkibit ng balikat.

"May pupuntahan tayo, alam mo yung sa Cathedral Museum? Doon tayo pupunta." Curious kasi ako kung anong meron doon. Bumaba naman kami at nadaanan pa namin ang mga nakahilerang tents sa gitna ng plaza. Kanina ko pa tinatanong sa sarili ko kung ano kayang meron dito? Naghanap sya ng tent na may nagtitindang pagkain ngunit wala namang nagbabantay. Gutom na naman sya? Yung totoo, gaano ba kalaki ang bulati nya sa tyan?

May nakita kaming isang tent na nagtitinda ng mga souvenirs, agad naman nya akong inaya papasok doon. "Kuya, anong meron ba dito?" tanong ko doon sa nagbabantay. Mukhang mas bata to sa akin, pero tinawag ko sya ng kuya. Hindi naman sya nagreklamo. "Mga souvenirs po." Napalunok ako ng laway, nilingon naman ako ni Sir habang nakangisi, alam nya kasi ang tinutukoy ko. "I mean, anong ganap dito, may event ba mamayang gabi?" iniba ko nalang sabay tiningnan si Sir na nagpipigil ngumiti. Abala sya kakatingin ng mga kung ano anong pwedeng pang souvenir.

"Hindi ko alam e, kahapon pa kasi kami nandito." Aniya na parang nahihiya. Tiningnan nya si Sir at ina-accommodate. "Nandito na kayo kahapon pero hindi mo alam kung anong event dito?" Agarang sabi ko, hindi ko kasi magets kung anong ginagawa nila dito. Malamang, nagtitinda pero, anong event nga dito sa plaza at may paganito sila. Hindi naman ganito dito dati unless kung may event nga. Curious lang naman.

Hinila ako ni Sir na nakangisi na at may pinakita sya sa aking mga bracelets. "Magandang pang souvenir 'to, what do you think?" Tiningnan ko yung mga pinakita nya pero masyadong maraming nakasabit doon at may isa ding ang korny, yung may pa name ba. "Ang dami mong tanong." Bulong nya sa akin, binulungan ko rin sya, "Bakit ba? Curious lang naman tsaka hindi naman nya sinasagot ang tanong ko." Nasa kalagitnaan pa ako ng pagsasalita nang hilahin nya ulit ako sa kabilang side. "Tama na tama na." aniya na natatawa. Anong problem nito? Masama bang magtanong?

4920 hours Showing... (A Standalone Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon