Matapos ko talagang mabasa 'yun, isa lang talaga ang pumasok sa isip ko. In love si Sir pero pinipigilan nya lang kasi ayaw nyang mahulog ng lubusan dito. Kaya ayun, ginamit nya ang utak nya at nagpakawais.
So yun nga, inalyze ko yun every stanza at sinabi ko ang mga nakuha ko sa kanya. Kinailangan ko pang kumain muna bago gawin 'tong pag aanalisa. Kasi naman, nakakagutom 'tong mga pinagsasabi nya.
"Thorn, ibig sabihin, it's a rose. Wala namang ibang bulaklak na may thorn di ba? Tapos, rose symbolizes a woman. Ibig sabihin, may isang babae sa isang silid. Kaso yun nga, thorn, matinik." Pag-uumpisa ko. Dumugo yung utak ko dahil dito. My God! Bakit ba ako napasabak dito ha?
"Tapos, obvious namang lalaki yung he. So yun nga, may lalaking nagkakagusto sa babaeng misteryosa, I mean, babaeng hindi mo pa talaga lubusang kilala." Sabi ko pa. wala naman syang ibang sinabi kundi mag agree so nagpatuloy ako.
"Hanggang sya na mismo ang naglahad ng sarili nya. Kung sino at ano talaga sya. Tapos si lalaki, mas lalong pinigilan ang sarili na mas lalong mahulog pa rito. Kasi pakiramdam nya, hindi na sya makakaahon mula rito at hindi nya talaga hahayaan yun."
"Kaya ginamit nya ang utak nya at hindi nagpadala sa emosyon bagkus ginawang mas wais ang sarili. Hanggang sa umabot sa punto na kailangan nyang magkunwari. Magsout ng maskara. Huwag hayaang ipakita o ipahalata ito at layuan na lamang ang babae sa silid."
"Am I doing it right Sir? Hahaha, pasensya na, medyo sabaw lang. Dumugo utak ko dyan, jusko. Yan lang ang kaya ko." Tangina ang totoo nyan, ayaw kong mag assume dahil hindi naman ako assuming pero lalong lumakas yung hinala ko na may pakiramdam 'to sya sa akin e. Dahil kahit sa klasrom, nahahalata ko e. Hindi kasi sya makatingin sa akin ng diretso at nakita ko na yang mga istelo na yan dati. Hindi naman kasi bago sa akin yang mga pinapakita nya kaso masyadong halata e. Napaka transparent nya, sobra. Hindi din naman talaga ako manhid gaya ng madalas nilang sabi sa'kin, sadyang ayaw ko lang talagang pansinin. Sakit lang talaga yan sa ulo yang mga yan kaya mas maiging didmahin nalang.
"Damn, you really are the girl on fire. Paano mo na tumbok ang lahat ng iyon? Anong klaseng utak meron ka?" Duh?! Ini-i-small mo ba ang kakayahan ko Sir? Hindi mo pa man sabihin, alam ko na. Well, let's just act as if wala tayong alam. Hihi.
"Hahaha tyempo lang yan Sir. Madali lang naman kasi basahing in love yang poem na yan Sir kaso pinipigilan lang talaga ng guy." Yung iniisip ko pa talaga kung paano ko sya haharapin at paano ako aasta kapag nakita ko sya sa klase kasi pakiramdam ko, ang awkward e.
"Anyways, I think last week na namin ngayon sa CEC since ililipat na kami ng school." Biglang sabi nya. "Oh talaga? Good luck dyan Sir ah." Wala akong masyadong ginawa ngayon at panay social media lang talaga ako. Nanonood ng JaDine videos, youtube and mga DIYs. May nagpop up na icon mula kay Ish. Inis na inis sya dahil sa sinabi na naman ni John Dewey sa kanya.
"Mel! Bwesit na bwesit na talaga ako sa John Dewey na 'to e! Tingnan mo nga ang sinabi nya?" Bakit naman kasi pinapatulan pa niya di ba?
"Hi indaYYyy! I'm baCk"
"ENEweys, gusto kiTang palaKpakaN"
"GraBe ka rin e nOh? bAse sa na-oobSerbahan ko, Napaka Desperada mo As in Hahahaha"
"PorKet Sinabihan kita na idol ni Earl si Melody, nakikipaG close ka pa Talaga kay Madam Melody???"
"Discourage na si Earl sa feeLings nya Kay Melody. So congrats sayo Success ka PEro"
"NapagHAHalataan ka na. Galing mo E, Apir nga dyAn! HahaHaah"
Yun ang nakasulat sa conversation na ini-screenshot nya at pinasa sa akin. Biglang umusok ang ilong ko sa nabasa. Unang una, naalibadbaran ako sa pagiging jeje nya at pangalawa ayaw ko pa naman sa lahat, yung idadamay ang pangalan ko! "Kelan ba nya yan sinend?" Siguro ito na talaga ang panahon para kilalanin yang John Dewey na yan. Nanahimik yung tao, dinadamay sa hidwaan nyo.
Nagsend ulit sya ng screenshot na may detalye kung kailan iyon ni-sent. Kaninang bandang 4:45 hanggang 4:50 ng hapon. Isang tao lang ang kailangan kong tingnan kung tama nga ang hinala nya. "Magkachat kayo ni Earl Mel di ba? Pakisabi nga sa kanya pakyu sya! Sabi tigilan na nya ang mga taong nanahimik na! Dahil pag ako napuno sa kanya, makakatikim talaga sya sa akin! Makikita nya!" Napailing nalang ako. Damay na talaga ako dito, bwesit!
So yun nga, kahit labag man sa loob ko, binalikan ko yung conversation namin ni Sir since araw-araw na yata kaming makachat. Luh. Tiningnan ko talaga yung oras dahil kapag ito, biglang nawala ng limang minute, at saktong tumugma sa oras na nakita ko sa message ni John Dewey, naku talaga. Kaso, bwesit, ang bilis pala mag reply nito lagi. Parang parating online e at nag-aabang ng message.
So tinry ko rin syang bigyan ng another means of connecting sa account na yun. Okay, baka gumamit sya ng browser, pwede pa yun. Pero napunta na din ako sa pag aanalisa ng text style pero ang jejemon naman masyado ng John Dewey na to. Malayong malayo sa style ni Sir. Bwesit na, ayaw kong gawin 'to e pero last resort ko na talaga is yung i-check yung IP address ng dalawa.
Titingnan ko sana sa youtube kung paano manghack, bwesit. Nadali pa ako. Tsk. Sa inis ko, nag isip muna ako at biglang na guilty sa ginawa ko. Kawawa naman yung tao, hindi alam na ginawa ko ito sa kanya para lang sa ikakatahimik nong isa. Pero kahit pa man makilala ko 'tong hinayupak na Dewey na 'to, wala din naman akong mapapala.
So, ang mas mabuting gawin ay sabihin ko 'to sa kanya. Sinend ko yung screenshot ng concversation naming ni Ish.
"Kaya pala galit na galit si Ish sa akin. I'm sorry, nadamay pa tuloy ang pangalan mo dito. Kahit nga ako ginugulo nyang John Dewey na yan dati. Ang creepy na nya kasi, ang dami nyang alam sa akin. Bakit ba pinapatulan nya yan." Yan din tanong ko.
Anyways, baka isa to sa mga kaibigan mo. Yun ang sinabi ko sa kanya. Dahil hindi malabong kakilala nya lang ito na walang magawa sa buhay. Close friend nya ba. Naiinis talaga ako dito, sa totoo lang. Bakit pati ako idadamay sa problema ng mag-ex na 'to?
"Pakisabi Mel tumigil na sya dahil isisiwalat ko talaga ang boung pagkatao nya sa CEC, makikita nya! Konting konti nalang talaga!" isa pa 'to e. Tsk. "Huwag ganyan Ish. Huwag mo nalang patulan ang mga taong ganyan. Nag-aaksaya ka lang ng oras tapos sila ngiting ngiti sayo kasi nagpadala ka sa galit mo. Deadma mo nalang. Dahil kapag pinatulan mo pa yan, mas lalong lumala yan at baka kung saan pa yan mapunta at babae ka pa naman. Sa mata ng lahat, normal na yung mga ganung ugali sa mga lalaki pero dahil wala na kayo, tapos gumaganyan ka, mas eskandalo yun kasi nga babae ka, masabi pa nila bitter mo pa at di pa nkaa move on." Tapos ang usapan!
Bwesit na bwesit na talaga ako at hindi ko dapat hahayaang mas lumala pa ito. Jusko naman, ang daming problema sa mundo e, yang mga ganyan pa ang pinapalaki. "Sa susunod na maulit pa yang madamay ang pangalan ko sa kahit na sino sa inyo, tandaan nyong dalawa, i-bo-blobk ko talaga kayo at huwag na huwag nyo na akong kausapin! Bwesit! Nanahimik yung tao e." yan tuloy, hindi ko napigilan at nasabi ko yan kay Sir. Hindi talaga ako nagbibiro.
"I'm very sorry. Kung hindi sana dahil sa akin, hindi yan mangyayari sa'yo. I'll talk to her."
Hindi nalang ako nagreply dahil nabubwesit talaga ako. Bakit kailangan pa akong idamay, di ba? Tsaka, ang swerte naman nyang John Dewey na yan kung pati ako papatol sa kanya, di ba? Tsaka habang tsine-tsek ko yung dummy account kanina, may mutual friend pala kami at si Sir yun. Ayan kasi, nag-aaccept kahit hindi kilala. Ayaw daw nya kasing may makikitang friend request. "And please, i-block mo na yan sya or unfriend mo. Dahil ikaw ang ka mutual namin, baka mamaya nyan, ako na naman ang guguluhin nyan. Magagawa nya yan since, may mutual friend kami."
Nang i-check ko ulit, mabuti at sinunod naman nya. Ang sabi din ni Ish, binlock na daw nya yan kanina. Tapos na shoookth pa ako nang makita ang sinend na screenshot ni Sir sa akin kung paano nya pagsabihan si Ish through text. Minura lang naman nya at talagang harsh kung harsh. Isa pa 'to e. Tsk.
"Hoy! Magsorry ka naman. Huwag ganun, babae pa rin naman yan uy. Grabe ka." Ang sakit nyo sa ulo parehas, alam nyo ba yun ha?! Nagsumbong din sa akin si Ish na minura daw sya at kung ano ano pa. Jusko, oo nakita at nabasa ko kung anong tinext nya sa'yo. Jusko, tatanda ako agad nito e. Sinabi din nya sa akin na nagsorry pa daw. Bwesit! Nag sorry yan dahil ako yung naawa sa'yo sa mga pinagsasabi nya! At ayaw ko ng ganun, kahit naman at mag ex na kayo, hindi dapat ganun. Respito pa din bilang tao uy. Mga king ina talaga kayo!
![](https://img.wattpad.com/cover/136219762-288-k971350.jpg)
BINABASA MO ANG
4920 hours Showing... (A Standalone Novel)
RomanceLove that once stolen from her; Love that once lost. Nonetheless, she keeps going. Learning to love herself even more. People knocked but she's sound asleep, covering her ears. She gets bored and opened the door only to find out a new environment. T...