Chuck's POV
Damn it! Ilang tawag na ako kay Nika pero niisang beses ay hindi ko siya matawagan. Mukhang ayaw niya sa akin. O baka naman nasaktan ko talaga siya kaya lumayo sa akin.
"Hey." May humawak sa balikat ko kaya nilingon ko kung sino iyon. Si Luca lang pala. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"Ano ba ang ginagawa sa bar? Nagaaral?" Inis na tugon ko at uminom ng alak.
"Sungit nito. Ano nangyari sayo, Chuckie?"
"Ikaw ba kung umalis ang mahal mo, ano ang gagawin mo?"
"Aba, nakaamoy na ba ako ng love life sayo?" Umupo ito sa tabing bar stool.
"Umayos ka, Luca. Sagutin mo ang tanong ko."
"Alam naman nating dalawa na may napupusuan akong babae pero hindi siya lumayo sa akin. Nagmahal siya ng ibang lalaki."
Si Callie kasi ang mahal ng kumag na ito pero si Alex ang naging asawa niya.
"Wala ka talagang kwentang kausap." Pailing iling pa ako ng ulo bago uminom ulit.
"Sira ulo ito. Subukan mo kayang kausapin si Buck at sabihin mo sa akin kung sino ang mas walang kwento sa aming dalawa."
"Huwag na. Nakakawalang gana kapag kinausap ko rin iyon at saka ang balita ko ay babysitter daw ng mga pamangkin iyon."
"Yup. Alam mo naman namatay ang kapatid niya last year tapos palaging wala yung ama ng mga pamangkin niya."
Nakakamiss na rin yung mga samahan naming lahat. Sina Aizen at Alex busy sa trabaho at sa sariling pamilya, si Enzo hindi na bumibisit rito sa Pilipinas simulang kinasal na siya kaya kaming dalawa na lang ni Luca ang magkasama.
"Sino yung babae nangiwan sa isang Chuck Smith pero ayaw naman sa commitment?"
"Danica Santos." Tumingin ako kay Luca at gulat na gula si gago. "Alam ko iyang iniisip mo, pre. Off limit siya, oo pero hindi ko naman kapatid siya ni Aizen noong nakilala ko si Nika."
"Maling mali ang desisyon mo, Chuck." Tiningnan ko lang ang hawak kong baso. Tama naman si Luca. Mali ang naging desisyon ko. "Mahal mo ba si Nika?"
"Yes." Sagot ko pero hindi nakatingin kay Luca. "Pero kung ikaw ba nasa pwesto ko ano ang gagawin mo?"
"Kung mahal mo talaga siya ay ipaglaban mo bago makuha ng ibang tao. Huwag mo ko gayahin dahil hindi ko siya pinaglaban kahit ayaw sa akin ng kakambal niya."
"Damn. Hindi ko nga alam kung ano ang ginawa kong mali."
"Bakit? Ano ang nangyari?"
"Isang araw ay iniwanan ako ni Nika. Ilang beses ko ng sinubukang tawagan siya pero palagi akong bigo."
"Give her time to think. Baka lumayo siya dahil hindi pa niya alam kung mahal ka niya."
Hindi pa niya alam kung mahal niya ako? Pero sa tuwing hinahalikan ko siya ay hindi siya nagdadalawang isip tumugon sa akin. Isa lang kasi ang iniisip ko noong gabing iyon ay mahal rin niya ako pero nagkamali ako. Kahit may nangyari sa amin.
Kakaisip ko ay hindi ko namalayang ubos na pala ang iniinom kong alak.
"Alis na ako. Salamat sa pakikinig mo sa akin, Luca." Tumayo na ako sa pagupo ko sa bar stool.
"Hoy, bayaran mo muna ang mga ininom mo!" Sigaw niya sa akin.
"Ikaw na muna ang magbayad! Babayaran na lang kita sa susunod na pagkikita natin. Thank you!" Sigaw ko habang naglalakad palayo.
Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso ako sa banyo para maligo. Hindi naman ako matagal maligo at may natanggap akong text message galing sa kasama ko sa trabaho. Binasa ko yung message dahil alam kong importante ito.
Pagkarating ko sa kumpanya ay binati ako ng guard pati na rin ang ibang staff nakakasalubong ko.
"Good afternoon, engr. Smith. Arch. Fernandez is already inside of your office and he wants to meet up with you." Kumunot ang noo ko. Arch. Fernandez? Buck? Hindi naman masasagot iyang kung hindi ako pumasok sa loob kaya pumasok na ako sa loob ng opisina ko.
"Hey, Chuck. Hindi mo man lang ako babatiin?" Binaling ko ang tingin ko sa isang lalaki nakaupo lang sa upuan habang may tinitingnan na blueprint.
"Himala yata hindi ka busy sa pagbabysitter sa mga pamangkin mo ngayon, Buck."
"Importante rin sa akin ang trabaho ko at nakauwi na rin naman si Chase galing school niya kaya hindi ko kailangan bantayan ang kapatid niya."
"Anyway, ano ang kailangan mo at pumunta ka rito ngayon?"
"May pabor sana ako sayo."
"Okay. Ano iyon?"
"Gusto ko sana ikaw ang maging engineer sa project na gagawin ko next week kasi may maging kliyente ako ngayon pero wala naman akong kilalang magaling na engineer maliban sayo, Chuck."
"Let me see the blueprint." Inabot niya sa akin ang blueprint at tiningnan ko ng maigi. "Hmm... Not bad. Pero sobrang laki naman yata ng pinapagawang bahay sayo."
"Hindi bahay iyan, dude. Isang rest house iyan papagawa ng kliyente ko."
"Ohh.. Sorry, akala ko bahay. Saang lugar naman?"
"Baguio city."
"Okay. Tatanggapin ko ito, Buck. Pero kailan? Next week?" Tumango ito sa akin. "May mga worker na ba?"
"Wala pa kasi hindi pa naman magsisimula ang contruction."
"Sabi ko nga. Isasama ko na lang ang team ko para sa project na ito."
"Thanks, Chuck. Hindi ako magkamali na ikaw ang pinili ko."
"Kilala mo ko, Buck. Basta trabaho ay gagawin ko ng tama at patas dahil sayang rin ang kinikita ko rito sa project." Binalik ko na sa kanya ang hawak kong blueprint.
"Sige, alis na ako kasi tatapusin ko pa itong blueprint para next week ay ikaw na bahala."
Hindi pa pala tapos ang blueprint na ginagawa niya. Akala ko tapos na niya ang designs ng rest house.
"Okay, ingat." Sabi ko at lumabas na ng opisina ko si Buck.
Bigla ko na naman naalala si Nika pero umiling na lang ako bago lumabas ng opisina.
"Mich, tawagin mo ang ibang kasamahan natin dahil magkakaroon tayo ng unexpected meeting ngayon. Hihintayin ko kayo sa function room."
Hindi naman ako naghintay ng matagal rito sa function room dahil dumating agad ang mga kasamahan ko sa trabaho.
"Nandito na ba ang lahat?" Tanong ko at tumango naman ang lahat sa akin.
"Bakit niyo kami pinatawag rito, Chuck?"
"Dahil gusto kong sabihin sa inyong lahat na may project tayong gagawin next week."
"Saang lugar ang project, engineer?"
"Sa Baguio ang lugar kung saan tayo magtatrabaho at kayo ang isasama ko doon. Sinabi ko na rin kay arch. Fernandez."
"Anong klasenye building ang project?"
"Rest house. Kaya sa tingin ko aabutin tayo ng 2 o 3 taon bago natin iyon matatapos. Marami naman tayo kaya mapapadali natin matatapos ang trabaho." Pinatong ko ang mga kamay ko sa table. "May tiwala ako sa iyong lahat at kakayanin natin ang project na ito."
Siyam na taon na ako nagtatrabaho sa kumpanya na ito ay naalala ko pa kung paano ako nagsimula biglang isang rookie engineer. Wala pa ako sa ganitong posisyon noon at hindi pa kilala ang pangalan ko. May naging mentor ako kaya nagsumikap ako sa trabaho at nangako ako sa kanya na hindi ako aalis kung saan ako nagsimula, naghirap at nakilala. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil naabot ko ang mga pangarap ko.
~~~~
Hi, 2 updates ngayon dahil mawawala ako ng 3 araw.
-Skye
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...