Ngayon ang birthday ni mommy Ellen kaya may simpleng handaan lang plus nandito rin si Chuck dahil hindi pa siya nakakauwi sa Manila.
"Hindi ka ba kailangan sa trabaho mo ngayon? Isang linggo ka na kasi hindi bumabalik sa Manila."
"Gusto mo na ba akong bumalik sa Manila?"
Kung pwede lang na dito ka na muna ng ilang araw pero hindi, eh dahil may trabaho ka pa.
"And I consider that as yes?"
"No." Mabilis kong sagot sa kanya bago tingnan siya sa mga mata nito. "You can stay here as long as you want."
"And why you want me to stay here?" Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos iyon. "Hindi naman tayo kasal para magsama sa isang bubong."
Para tulog umakyat lahat na dugo ko sa ulo dahil pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon. I can't even imagine na magpapakasal kami ni Chuck.
"Ano kasi... Uh... Para kay Patrick dahil ayaw ko naman umasa siya isang araw na wala ka sa tabi niya at palagi ka niyang hinahanap sa akin."
"Why don't you and Patrick stay with me in Manila? Kahit pa paano ay ilang oras lang ako hindi makikita ni Patrick kung sa bahay kayo nakatira kasama ko."
Nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin sa akin pero...
"Ikaw pa nga ang nagsabi na hindi pa tayo kasal para magsama sa isang bunong."
"Then, marry me. Sabi ko nga sayo handa akong pakasalan ka."
"What? Ayaw ko, Chuck. Hindi pa handa magpakasal sayo." Tumingin ako kay Patrick habang natutulog sa crib niya. "Ineenjoy ko ang pagiging single mother."
"Ano ang gusto mong palabasin? Gusto mong ibang lalaki ang tumayong ama ni Patrick?"
Binaling ko ang tingin kay Chuck dahil galit na naman ito sa akin. Mood swing?
"Hindi naman sa ganoon. Ayaw kong madagdagan ang pagaalaga ko, kay Patrick pa nga lang ay hirap na akonv alagaan tapos dadagdag ka pa."
"Hindi mo naman kailangan gawin iyon because I can cook at kaya ko alagain ang sarili ko. Hindi mo nga alam noong panahon na wala ka sa tabi ko at walang nagaalaga sa akin noong may sakit ako."
"Ako ba ang sinisi mo kung bakit nagkasakit ka noon?" Nag cross ako ng arms habang nakatitig sa kanya.
"Hindi naman." Hinila niya ako para yakapin. Na miss ko ang mga yakap at halik ni Chuck pero heto ngayon niyayakap ulit niya ako. Gumanti na rin ako ng yakap sa kanya, lulubusin ko na baka hindi na mangyari ulit ito. "Nika..."
Tumingala ako para tingnan siya.
"Ano iyon?"
"Alam kong hindi mo na ako mahal..."
Kung alam mo lang, Chuck. Ngayon nakikita kong maging mabuti kang ama para kay Patrick ay lalo akong nahuhulog sayo at mas minahal kita ngayon.
"Can you be my girlfriend?" Napakurap ako ng ilang beses dahil sa tanong niya sa akin. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon. "Kung iniisip mo si Aizen ay ako na ang bahala sa kanya kahit sa parents mo. Ipaglalaban kita."
Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi naman iyon ang iniisip ko ngayon.
"Is that a no?" Bigla tuloy nalungkot ang mukha ni Chuck ngayon.
"No, nagiisip lang ako. Sorry."
"Kung ano man ang sagot mo ay tatanggapin ko, Nika. Alam ko naman hindi mo na ako mahal katulad ng dati." Humiwalay na siya sa pagkayakap sa akin bago bumuga ng hangin. Masyado ko ba talaga siya nasasaktan? Pati ako ay nahihirapan kapag nakikita kong ganyan siya, eh.
"Yes, I like to be your girlfriend." Ngumiti ako sa kanya kaya agad naman siyang tumingin sa akin. Yung mukha niya ay napalitan ng saya.
"R-Really? Yes." Napasinghap ako nang buhatin niya ako.
"Ibaba mo ko." Natatawa kong sabi habang hinahampas ang balikat niya. Agad naman niya ako inaba at hinalikan sa labi.
"Promise hindi ka magsisi at handa akong ipaglaban ka sa kahit sino." Ngumiti siya sa akin. Hindi na ito pilit na ngiti dahil tunay na ang ngiting pinapakita ni Chuck ngayon.
"Mommy.... Daddy..." Pareho kami ni Chuck napalingon dahil gising na pala si Patrick. Agad naman kinuha ni Chuck si Patrick sa crib niya.
"Mukhang gutom na si Patrick. Hindi kasi iyan nagigising kung ayaw pa niyang kumain o hindi pa siya naiihi."
"Tara na sa ibaba para makakain na si Patrick."
Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang kasiyahan dahil birthday ni mommy Ellen pero napapansin kong nakatayo sa labas ng bahay si Chuck at narinig kong para bang may kausap siya sa telepono.
"Oo, bukas na bukas ay babalik na ako sa Manila." Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Babalik na pala siya sa Manila. Mukhang ito na ang huling araw namin magkasama. "Ano ka ba, Buck. Wala, no! Sige na ibaba ko na itong tawag. Basta bukas ng umaga ay nasa pauwi na ako ng Manila."
Bumalik na ako agad sa loob at mabuti na nga lang hindi napansin ni Chuck ang presensya ko kanina. Busy siya makipagusap kay kuya Buck.
"Oh, hija bakit ang lungkot mo naman yata ngayon." Napatingin ako kay mommy Ellen pero ngumiti lang ako sa kanya. Ayaw ko masira ang birthday niya.
"May problema ba, Dani?" Mabilis akong umiling kay Cyrus. Dahil birthday ng tita niya kaya nandito ngayon si Cyrus.
Nalulungkot ako dahil aalis na bukas si Chuck pabalik ng Manila. Hindi ko naman siya pwedeng pigilan dahil alam ko naman marami pa siyang trabaho sa Manila na kailangan asikasuhin.
"Ayos lang ako." Nakita kong pumasok na si Chuck sa loob at nakatingin lang sa direksyon namin bago pa niya naisipang lumapit sa amin.
"Nika, can we talk?" Bungad niya sa akin.
"Oh siya. Maiwan na muna namin kayo para naman makapagusap kayong dalawa." Sabi ni mommy Ellen kaya umalis na sila ni Cyrus.
"Ano naman ang gusto mong pagusapan natin? Tungkol sa pagbalik mo ng Manila?" Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya.
"Narinig mo?"
"Yes. Hindi naman kita pipigilan na bumalik ng Manila dahil alam ko naman marami kang trabaho inaatupag ngayon. Isang linggo ka na rito, Chuck at kailangan mo na rin ang bumalik."
"Babalik ako dahil may project na naman kami ni Buck sa susunod na araw kaya kailangan kong bumalik ng Manila pero tatapusin ko agad ang trabaho para makabalik ako rito. Promise." Hinalikan niya ako sa noo. "At pagkatapos ng trabaho ko ay aayusin ko na ang lahat na problema natin. Para maging official na itong relasyon natin, pero mukhang may alam si Buck na mangyayari ito dahil isang linggo na nga ako hindi umuuwi."
"Paano ka nga pala uuwi? Wala kang pera para makauwi sa Manila."
"Huwag ka magaalala dahil susunduin naman ako ni Buck rito. Mamoblema lang tayo kung maligaw ang lalaking iyon bukas." Natatawang sabi niya.
"Huh? Pwede naman siya magtanong sa mga tao kung hindi niya alam ang daan papunta rito. Kilala naman si mommy Ellen at alam ng mga tao kung saan siya nakatira."
"Okay, sasabihin ko sa kanya mamaya."
~~~~~
Ang balak ko sana na book 1 pa lang itong story nina Chuck and Nika. Ang book 2 naman ay story ni Patrick pero may chapter na katuloy ng story nina Chuck at Nika.
Kaya huwag niyong sabihin sa akin na bitin dahil talagang bitin ang kakalabasan nito. 😂
-Skye
Comment and press ☆ to vote

BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...