Araw-araw kong hinihiling na sana magising na ako sa bangungot na ito pero masakit man aminin ay isa itong katotohanan at wala na talaga si Chuck.
Hindi ako pwede ma stress dahil makakasama sa baby namin ni Chuck.
"Ano Patrick saan mo gusto pumunta ngayon?" Tanong ko sa anak ko at sinusubukan kong ngumiti para kay Patrick. Ayaw ko pakita sa kanyang malungkot ako.
"Daddy..." Mas lalo akong nalungkot sa sagot nito. Gusto ko umiyak dahil hinahanap ni Patrick si Chuck. Ano ang gagawin ko?
"O-Okay, pupuntahan natin ang daddy mo." Ngumiti akong pilit sa kanya. Wala pang alam si Patrick na hindi na pwedeng makita at makilala si Chuck paglaki niya. Sobrang tagal na ang paghahanap ng mga pulis sa katawan ni Chuck ay wala sila makita pero nakita nila ang isang gamit ni Chuck, ang relo niya na palaging suot ni Chuck. Ang sabi ni kuya Luca ay paborito daw iyon ni Chuck dahil iyon daw ang huli regalo sa kanya ng mama niya bago ito namatay.
Nang nakarating na kami sa sementeryo ay bisita na namin si Chuck pero may nakita akong isang matandang lalaking hindi namab familiar sa akin.
"Um, excuse me?" Lumingon ito sa akin pero laking gulat ko nang makita na kamukha ni Chuck. Siya siguro ang ama. "Kayo po ba ang ama ni Chuck?"
"Ako nga. Sino ka naman?"
"Girlfriend po niya ako at ito namang kasama ko ay ang anak namin."
"May anak na kayo pero hindi pa kayo kasal."
"Palagi po ako niyaya ni Chuck magpakasal pero ang gusto ko lang po makausap na muna ang mga magulang ko."
"Sige mauuna na ako sayo." Paalam nito sa akin at agad umalis. Hindi man lang kami nakausap ng maayos. Gusto ko pa naman malaman kung bakit niya iniwanan si Chuck noon pero wala naman ako sa pwesto para pakialamin iyon.
Binaba ko na si Patrick pero hawak ko ang maliit niyang kamay.
"Miss ka na agad ng anak mo kaya nandito kami ngayon para bisitahin ka. At saka naiins ako sayo dahil iniwanan mo kami ng mga anak mo. Kung kailan handa na ako magpakasal sayo doon ka naman wala." Tumulo na ang luha ko dahil sobrang na miss ko na si Chuck pero ang masakit pa ay hindi ko na siya makikita pang muli.
"Mommy." Tumingin ako kay Patrick at binuhat ko ulit siya. Nilapad niya ang kanyang maliit na kamay sa pisngi ko at pinahid niya ang luha kong pumapatak. "No crying..."
"Sorry, baby." Ngumiti ako sa kanya saka niya pinatong ang kanyang ulo sa balikat ko. "Inaantok ka na ba? Sige balik na tayo sa bahay."
"Okay."
Humarap ulit ako kay Chuck pero pakiramdam ko ay may pares ng mga mata nagmamasid sa akin. May sikat pa ng araw kaya imposibleng multo iyon.
"Uwi na kami, Chuck."
Pagkauwi namin sa bahay ay pinalitan ko agad ang damit si Patrick nang pangbahay niya saka naman ito kinuha ang paborito niyang laruan. "Mommy, let's play."
"Mamaya na, baby. Pagod na si mommy ngayon." Hinalikan ko siya sa pisngi at nilagay ko na siya sa crib. Doon na niya nilalaro ang kanyang laruan.
Maya maya ay nagising ako gani na pala kaya bumangon na ako sa kama para ipaghanda na si Patrick ng gatas niya pero wala siya sa crib niya.
"Patrick?" Bigla akong kinakahaban noong wala ang anak ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba nang makita ko si mama nilalaro si Patrick.
"Gising ka na pala, Nika. Sorry kung kinuha ko si Patrick. Mukha kasing nabobored na siya sa crib niya kaya kinuha ko para maglaro."
"Ayos lang po, ma." Umupo na rin ako sa tabi ni mamam.
"Pinainom ko na rin ng gatas ang apo ko. Ang lakas pala niya sa gatas." Napatingin ako kay mama. Hindi naman malakas sa uminom ng gatas si Patrick.
"Ganoon po ba?" Bigla kong naalala kung gaano karaming gatas ang nilalagay ni Chuck noong beses niya magtimpla. Siguro naalala ni Patrick iyon.
"Mommy.... Daddy." Pareho kaming napatingin ni mama kasi may tinuturo ito sa labas. May nakikita siguro siyang tao na akala niya si Chuck pero tumayo ako para tingnan kung may tao pero wala naman ako nakikita. Umaasa ba akong buhay si Chuck at babalik siya sa amin?
Masakit ang umasa dahil hindi na siya babalik, Nika.
Kinabukasan...
Nagpasya akong bisitahin sila kuya Aizen para kamustahin sila at siyempre kasama ko si Patrick para makalaro niya ang mga pinsan niya.
"Hi, ate Aya. Sorry kung manggugulo kami rito ng anak ko ah."
"No, ayos lang. Pasok ka na muna." Ngumiti ako kay ate Aya bago pumasok sa loob ng bahay nila at umupo na ako sa soda saka binaba si Patrick. Marunong na rin naman kasi maglakad ang anak ko pero hindi siya umaalis sa harapan ko. "Ano ang gusto mo maiinom?"
"Tubig na lang po."
Pumunta na si ate Aya sa kusina nila para kumuha ng maiinom at bumalik naman siya agad at nilagay ang baso ng tubig sa center table.
"Nasa trabaho po ba si kuya Aiz ngayon?"
"Oo, eh. Mamayang gabi pa uuwi iyon at si Myke naman ay mamayang hapon pa."
"Ang kambal po?"
"Tulog pa sila hanggang ngayon." Tumango na lang ako kay ate Aya. Mamaya pa pala makakalaro ni Patrick ang kambal. "Alam kong masakit para sayo ang mawala si Chuck dahil lalaki si Patrick na walang kinalalang ama."
"Masakit po para sa akin pero kakayanin ko naman para sa mga anak namin."
"Mga anak? Buntis ka?" Tumango ako kay ate Aya bilang kasagutan. "Oh Gosh! Congrats. Kahit wala na si Chuck ay may iniwanan pala siya sayo."
"Gusto kasi ni Chuck na sundan namin si Patrick kaya ito magkakaroon ulit kami ng anak pero hindi ko naman inaasahan mangyayari ito sa kanya." Hinaplos ni ate Aya ang likuran ko dahil kahit anong oras ay tutulo ang luha ko. Sobrang miss ko na ang lalaking iyon. Sana nandito siya ngayon. "Mahirap kasi magalaga ng bata. Mabuti na nga lang hindi pasaway itong si Patrick at sana sa paglaki niya ay maging mabuti siyang anak."
"Hindi ko masasabi na hindi magiging pasaway ang anak niyo dahil simulang mga bata pa kami ay dakilang pasaway si Chuck pero mabait naman siya."
Pasaway nga pala si Chuck. Sana nga lang wala sa mga anak namin ang maging pasaway katulad ng ama nila.
Nagpaalam na muna sa akin si ate Aya na titingnan niya ang kambal baka gising na daw.
Maya maya pa ay nakita ko ng bumaba na si ate Aya kasama ang kambal nila ni kuya Aizen. Kaya naglalaro na sina Aiden at Patrick habang si Irenen naman ay nagbabasa lang ng story book.
"Paborito talaga ni Irene ang story book na iyan kasi bago siya natutulog ay iyan ang gusto niyang basahin sa kanya." Natatawang sabi ni ate Aya. Ang cute nga ng mga anak nila pero hindi ko naman sinabing hindi cute si Patrick.
Bago pa gumabi ay nagpaalam na ako kay ate Aya at hindi ko na mahihintay ang paguwi ni kuya Aizen dahil alam kong busy iyon sa trabaho niya. Bilang isang doctor ay maraming pasyente sila sa ospital.
Pagkasakay namin ni Patrick sa taxi ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana dahil iniisip ko na naman si Chuck. Kailangan ko rin ang maging masaya dahil kapag malungkot ako ay baka malungkot rin si Chuck kung saan man siya.
-----THE END-----
~~~~
Sorry kung sad ending kinalabasan ah. Pero sa book 2 ng story sa sariling story ni Patrick ay doon natin malalaman kung buhay o patay ba talaga si Chuck. Papakita ko doon ang buong detalye ;)
Kaya huwag na kayo umiyak 😂
Next story kay Luca na ang lalaking aminadong isa siyang... Alam niyo na hahaha
-Skye
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomansAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...