Chapter 8

1.1K 37 0
                                        

Alam ko ngayon ang outing nila pero pumunta ako ngayon sa bahay ni Buck ngayon.

"Oh. Ano ang ginagawa mo rito?" Tugon ni Luca sa akin. Hindi ko alam nandito rin pala si Luca.

"I changed my mind. Sasama na rin ako sa outing."

"Sigurado ka?" Tumango ako kay Buck. Alam ko ang gusto niyang sabihin sa akin. "Okay. Sasabay rin sa akin si Luca. Baka gusto mo rin sumabay sa amin papunta doon."

"Walang problema sa akin. Saan ba yung outing?"

"Ang sabi ni Aizen sa Tagaytay daw." Tumango ako kay Luca.

Nang nasa kaligtaan kami ng biyahe ay ang ingay ng dalawa. Si Buck kasi ang nasa driver's seat tapos si Luca sa passenger at ako naman nasa backseat.

"Anyway, Chuck." Napatingin ako kay Buck habang nagmamaneho ito ng sasakyan niya.

"Ano iyon?"

"Bakit bigla yata nagbago ang isip mo? Ang alam ni Aiz ay busy ka ngayon sa trabaho kahit hindi ka na rin naman pumapasok na simula pagtapos ng project natin noon."

"Ang totoo niyan gusto ko humingi ng tulong sa inyong dalawa. Kayo lang kasi ang pwede kong lapitan."

"Tungkol ba iyan kay Nika?" Hindi ako sumagot sa tanong ni Luca. "I consider that as a yes."

"Nagbago isip?" Natatawang tanong ni Buck.

"I'm serious, Buck."

"Halata nga. Ano ba ang gusto mong gawin namin ni Luca?"

"Gusto kong kausapin niyo si Nika at dapat walang alam si Aizen tungkol rito. Hindi pa kasi ako handa sabihin si Aizen ang tungkol sa problemang ito.

"Kawawang Aiz walang alam sa nangyayari."

"Busy kasi sa pamilya at trabaho ang kaibigan natin." Sabi ni Luca.

"Ano, guys? Matutulungan niyo ba ako?"

"Oo naman, pre. Kahit gago itong si Luca ay maasahan mo naman siya sa ibang bagay."

"Kung hindi ka lang nagmamaneho ngayon baka binatukan na kita ngayon."

Pagkarating namin sa destination ay bumaba na ako nang makarating sa isang hotel. Dito siguro tutuloy ang mga ito ngayon.

"Himala yata hindi ka naligaw ngayon, Buck." Pabiro ko sa kanya.

"Alam ko naman ang lugar kaya hindi ako maliligaw."

Pumasok na kaming tatlo sa loob ng hotel at kinausap na ni Buck ang front desk.

"Nasaan pala sila Aizen ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"Wala pa ang mga iyon ngayon. Nauna kasi tayo." Sagot ni Luca.

"Pero dito rin sila tutuloy?"

"Oo, pre. Wala naman rest house si Aiz dito." Sagot ni Buck sabay abot sa akin ng isang susi ng kwarto.

"Ah okay." Naglalakad na kami papunta sa elevator habang ang mga gamit namin ay dinala na ng staff nila sa magiging kwarto namin.

"Kailan mo pala balak kausapin si Nika?"

"Ewan. Kayo bahala kung kailan niyo siya nakausap basta inform niyo na lang ako."

Pagkarating ko sa kwarto ay humiga na agad ako sa kama dahil napagod ako kanina sa biyahe.

Kinabihan...

Nagising na lang ako nang may kumakatok na sa kwarto kaya bumangon na ako para buksan ang pinto.

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon