Chapter 9

1K 38 0
                                        

Nika's POV

Pagkatapos kong patulugin si Patrick ay pumunta na ako sa club dahil niyaya ako ni Cyrus. He is a good friend of mine pero wala siyang ideya na si Chuck ang ama ni Patrick, ang alam lang niya ay kaibigan lang siya ni kuya Aizen kaya nandito. Wala nakakaalam kung sino ang ama ng anak ko maliban lang kay Chuck dahil sinabi ko sa kanya pero hindi naman niya pinagutan yung bata. Dapat handa na ako iyon ang sasabihin niya sa akin.

Pagkarating ko sa club ay nakita ko si Chuck kasama sina kuya Buck at kuya Luca. Meron rin silang kasamang tatlong babae, tig isa silang babae. Nasasaktan akong makita si Chuck na masaya sa ibang babae. Inaamin kong mali ang naging desisyon ko noon na iniwana ko siya. Nagsisi na ako. Kung pwede lang ibalik ang lahat at i-tama ang mga mali ko ay matagal ko ng ginawa.

"Hey, Let's have fun." Sabi ni Cyrus sa akin. Wala na rin ako magagawa at hindi na rin naman ako pwedeng magback out dahil pumayag na ako pumunta ngayon sa club kasama niya. Kung alam ko lang na may balak rin sila pumunta ay sana hindi na lang ako pumupunta. Alam ko naman iniiwasan ako ni Chuck.

"Sa daming club, bakit dito pa?" Tanong ko sa kanya habang nakaupo sa bar stool. Nasa lounge ngayon ang mga lalaki.

"Bagonv bukas lang daw kasi itong club at saka malapit lang sa hotel kung saan tayo nakacheck in." Tumango tango ako sa kanya.

"Musta na pala yung rest house na pinapagawa mo sa Baguio?"

Nakilala ko si Cyrus noong bumisita siya kay mommy Ellen noon. Pamangkin kasi siya ni mommy Ellen kaya nandoon rin siya sa mansyon pero hindi ko naman inaasahan na magiging magkaibigan kaming dalawa at may balak rin pala pagpatayo ng rest house doon.

"Tapos na ang rest house ko kaya kahit kailan ko gusto magbakasyon ay may tutuluyan na ako."

"Bakit kasi hindi ka na lang doon sa bahay ni mommy Ellen tumira habang nagbabakasyon ka?"

"Ayaw ko kasi maisturbo si tita sa tuwing nandoon ako at saka gawa na yung rest house ko."

Lumingon ako sa likuran kung saan nakaupo sila Chuck pero nagulat na lang ako nang makita kong ang lapit ng mukha ng babaeng kasama ni Chuck sa kanya pero baliwala lang sa kanya.

"Hey, Dani. Hinay-hinay lang sa pagiinom ng alak. Walang aagaw sayo." Pagawat sa akin ni Cyrus dahil nilalagok ko na yung bote ng alak na iniinom ko.

"Gusto ko uminom ng marami ngayong gabi kaya huwag mo ko pigilan, Cy."

"Hindi pwede baka pagalitan ka ng kuya mo. Hindi ba sinabi mo sa akin dati kaya hindi mo sinasabi sa amin kung sino ang ama ni Patrick dahil magagalit ang kuya mo."

"Yep, dahil kasalanan ko naman kung bakit magagalit si kuya Aiz sa akin."

"Kaya huwag ka masyado uminom."

Hindi ko na pinakinggan si Cyrus dahil tinuloy ko pa rin ang paginom ko ng alak kahit inaawat na niya ako at pinipilit na kunin yung bote sa akin pero nilalayo ko sa kanya.

Dahil sobrang kalasingan ko na kaya inuwi na ako ni Cyrus sa hotel room ko pero pagkabalik niya sa hotel room niya ay lumabas ako at pumunta sa hotel room ni Chuck. Alam ko ito ang hotel room number niya kaya kumatok ako sa pinto.

"What the... hell-- Danica, what are you doing here?" Bungad niya pagkabukas ng pinto sa hotel room niya. Ngumiti ako sa kanya. "Lasing ka ba?"

"Hindi ako lasing." Hinawakan niya ako sa braso dahil nawawalan na ako ng balanse.

"Shit. Bumalik ka na sa hotel room mo. Baka hanapin ka ng anak mo."

"Hindi iyan. Tulog na si Patrick ngayon."

"Danica, kailangan ka--" Hindi ko na tinapos ang sasabi niya dahil siniil ko siya ng halik. Napangiti ako noong tumugon siya sa akin. He kissed me back.

"Shit. Hindi ito tama. Kaya kailangan mo ng bumalik sa hotel room mo."

"Hindi mo na ba ako mahal?" Tumingin ako sa kanya dahil nakatitig lang siya sa akin.

"Yes, I don't love you anymore." Sabi niya. Wala man lang hesitation.

Pero ang sakit dahil harap harapan niya sinabi sa akin ang salitang iyon.

"Sorry sa pagiwan ko sayo noon." Tumulo na ang luha ko dahil hindi ko na mapigilan ang emosyonal ko.

"Wala na. Tapos na. Nangyari na, Danica kaya hindi mo na maibabalik ang lahat. Kalimutan mo na lang ang lahat dahil kinakalimutan ko na ang lahat nangyari noon pati ikaw ay kakalimutan ko na rin."

Ang sakit talaga.

Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang kalimutan ka niya.

"Mahal pa rin kita, Chuck. Nagsisi ako sa pagiwan ko sayo noon." Humihikbi na ako dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko. "Ano ba ang gusto mong gawin ko para lang patawarin mo ko?"

"Umalis ka na at huwag na huwag ka na magpapakita pang muli sa akin." Nakatingin ako sa kanya at kita sa mukha niya ang pagkaseryoso. Seryoso siyang gusto akong umalis.

"Okay. Hindi mo na ako makikita pang muli. Salamat sa lahat." Pinahid ko na ang luha ko bago tumalikod sa kanya at lumabas sa hotel room niya pero hinablot niya ang braso ko kaya lumingon ako sa likod. "Akala ko ba gusto mo na akong umalis kaya aalis na ako ngayon."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago ako pinaharap sa kanya at niyakap.

"C-Chuck?" Narinig ko ang pagsingot niya. Umiiyak ba siya? Hindi ito ang unang beses kong makita umiiyak si Chuck, ang una ay yung nakita kong naglasing siya sa bahay niya. Sobra ko siyang nasaktan. Isang taon ako hindi nagparamdam sa kanya.

Mahal niya ako pero ano itong ginawa ko sa kanya? Iniwanan ko siya at sinasaktan.

"I'm sorry, Chuck."

No response...

Ang naririnig ko lang ang paghikbi niya habang yakap ako. Umiiyak nga talaga siya.

"Give me a second chance." Sabi ko sa kanya.

"You don't deserve a second chance." Humiwalay na siya sa akin at pinunasan na niya ang kanyang luha.

"What do you mean?"

"Pare-pareho lang kayo. Kaya mas mabuting magdusa kayo sa mga maling ginawa niyo sa akin noon."

Kinabukasan...

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Chuck kagabi. Sino ba ang tinutukoy niya?

Habang nagiisip ay nakita ko si kuya Buck palabas sa hotel room niya, si Patrick kasi nanonood ng cartoon sa tv.

"Kuya Buck."

"Morning, Nika."

"Morning. Pwede ba magtanong sayo?"

"Sure. Ano iyon?"

"Dahil ikaw ang unang nakita ko at sana sagutin mo ito dahil hindi naman sasagutin ni Chuck ang itatanong ko."

"Ano ba iyon?"

"Ano ba nangyari kay Chuck noong maliita pa siya? Ikaw kasi isa sa mga nakakilala sa kanya."

"Lumaki si Chuck na walang kinilalang ina pero isang araw ay iniwanan siya ng sarili niyang ama sa isang fast food chain at hindi na bumalik pang muli at may isang babae ang nagalaga sa kanya pero noong nag-college na kami ay namatay naman siya dahil may sakit itong TB. Doon rin nalaman ni Chuck na siya pala ang ina niya."

Ganoon pala ang nangyari kay Chuck.

"Kaya galit si Chuck sa sarili niyang ama. At ang totoong niyan bago nangyari ang lahat ay isang mabait na bata si Chuck."

Nakita kong nagbukas ang pinto sa room ni Chuck.

"Ganoon po ba? Salamat."

~~~~

Comment and press ☆ to vote

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon