Chapter 17

1K 34 0
                                        

Nika's POV

Nagising na ako dahil umiiyak si Patrick kaya bumangon na ako ng higa para patahanin siya.

"Shhh... Gugutom ka na ba?" Kinuha ko yung bote malapit sa crib niya dahil hinanda ko na ito kaninang madaling araw habang natutulog pa si Patrick, akala ko kasi magigising siya ng ganoon oras para uminom ng gatas niya. May naramdaman akonv braso nakapalibot sa beywang kaya napalingon ako sa likod. "Chuck?! Kailan ka pa nakarating dito?"

"Halos kakarating ko lang." Nakangiting sabi niya. Halos dalawang buwan ko na rin hindi mapatawagan si Chuck kaya iniisip kong busy siya sa ginagawa nilang townhouse sa Ilocos. "I missed you."

Palihim akong ngumiti dahil miss ko na rin ang lalaking ito. Nasanay na kasi akong nandito siya palagi sa tabi ko.

"Musta naman ang ginagawa niyong townhouse?"

"Maayos naman ang trabaho. At sorry kung ngayon lang ako nakapunta kasi pumunta yung kliyente namin para matingnan yung project."

Curious tuloy ako kung sino ang kliyente nila kasi townhouse ang pinapagawa niya sa kanila. Ibig sabihin mayaman itong kliyente nila. No, sobrang yaman dahil pwede ka naman bumili na lang ng townhouse kung may pera ka, eh pero hindi ito gusto pa talagang gumawa ng sariling townhouse.

"Do you want to know who is our client?" Napatingin ako sa kanya na parang nalulungkot siya.

"Sino?" Dahil nga curious ako kanina kaya wala na rin naman mawawala sa akin.

"Your grandfather. Don Frederick Reed Santos." Napasinghap ako sa aking narinig. Kailan pa nakabalik ng bansa si lolo? Ang alam ko nasa Japan siya all this years dahil ayaw na niyang bumalik ng Pilipinas kasi tumatanda na siya.

"Musta na siya? Grabe ang--"

"Why you didn't tell about your grandfather, Nika?"

"Sorry, hindi kasi maganda ang relasyon namin ni lolo noong huling bisita ko sa kanya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap na dalawa."

"Alam mo bang may nirereto siyang lalaki para sayo."

"Wala akong alam. Sabi ko nga sayo hindi ko na nakakausap si lolo. Paano mo naman nalaman na may gusto akong ipakasal ni lolo?"

"Naikwento niya sa amin ni Buck noong bumisita siya sa Ilocos para tingnan ang townhouse." Hinawakan ko ang pisngi niya dahil kahit anong oras ay tutulo na ang luha ni Chuck. Nagiging iyakin na ang lalaking ito. "Please, Nika... Huwag kang pumayag sa kagustuhan ng lolo mo. Hindi ko kayang mawala ka sa akin."

"Hindi naman mawawala sayo."

Wala na tumulo na ang luha ng lalaking ito. Pati si Patrick ay umiyak na rin.

"Tingnan mo ang ginawa mo pati ang anak mo ay umiyak na rin." Tumalikod na ulit ako kay Chuck para kunin si Patrick sa crib niya.

"Sorry."

"Tahan na, baby."

"Your grandfather doesn't like me for you, Nika." Napahinto ako sa ginagawa ko at humarap kay Chuck. "I told him everything pero hindi niya ako tanggap."

Hindi ko magawang magalit kay Chuck dahil sinabi niya kay lolo. Pwede rin makarating iyon sa pamilya ko na walang alam tungkol kay Patrick.

"Ano ang gagawin mo ngayon?"

"Papatunayan ko sa kanya na kaya kitang buhayin kahit hindi naman ako ganoon kayaman."

Hindi ko naman kailangan ng pera, eh. Hindi ko kailangan ng luho. Ang gusto ko lang katulad nang kay kuya Aizen... Simple lang pero masaya dahil magkakasama sila.

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon