Chapter 12

1.1K 39 0
                                        

Wala na rin naman ako magagawa dahil sobrang kulit ni Chuck na sumama sa amin...

"Fuck. For a year dito ka lang nakatira sa Baguio?!" Halata sa boses nito ang pagka inis nang makarating na kami sa bahay ni mommy Ellen.

"Sorry, ayaw ko lang talaga sabihin sayo kung saan ako babalik pagbalik natin galing Tagaytay pero sobrang kulit mo." Sagot ko pero tuloy pa rin siya sa pagmumura. "Hey, watch your word. May bata tayong kasama."

Mabuti na lang kinuha na ng maid si Patrick para dalhin sa kwarto namin. Nanatili lang kami ni Chuck sa garden at si Cyrus naman ay pumasok na rin sa loob.

"It's your damn fault, Danica. Ano ba ang ginawa ko sayo?!" Tinaasan na niya ako boses.

"Nagkaroon ka ng feelings sa kapatid ng kaibigan mo kahit alam mong kinausap ka niyamg huwag siyang gagalawin. Pero mali rin naman ako dahil minahal rin kita noon." Yumuko na lang dahil kahit anong oras ay tutulo ang luha ko. Nasasaktan ako ng sobra sobra.

"Anong mali doon? Masisi mo bang ikaw ang tinitibok ng puso ko? Masisi mo ba ako?" Sunod sunod niyang tanong. Iyon na nga dahil hindi naman pwedeng sisihin ang puso at mas lalong hindi pwede pumili ng tao na pwedeng mahalin.

"Ano nangyayari rito? Ayos ka lang, hija?" Tumingin ako sa nagsalita. Si mommy Ellen. Kaya ngumiti lang ako sa kanya.

"I'm fine, mommy Ellen."

"May kasama ka pala ngayon, Nika."

"Si Chuck po."

"Hello po." Biglang kumalma ang mukha ni Chuck pagkaharap kay mommy Ellen. "I'm Chuck Smith at hindi na rin po ako tatagal dahil kailangan ko na rin bumalik sa Manila."

"Ayaw mo bang sumama para sa darating na birthday ko?"

"Thank you po sa invitation, ma'am pero marami pa po akong ginagawa sa trabaho." Ngumiti siya sa matanda. Talagang ibang iba ang aura ni Chuck ngayon kumpara kanina. "Advance happy birthday po."

"Salamat."

Nagpaalam na sa amin si mommy Ellen kaya bumalik na siya sa loob ng bahay.

"We're not done yet." Malamig na pagkasabi ni Chuck.

"Ngayon may balak kang bumalik sa Manila, kaya paano ka ngayon babalik?"

"Wala ka ng paki kung paano ako babalik ng Manila." Nakita kong kinakapa niya ang pantalon na suot niya. Halatang wala siyang dalang kahit anong pera. "Shit. Nasa bag ko pala ang wallet ko."

"Hindi ba wala akong paki? Kaya manigas ka diyan sa lamig." Sabi ko at pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala na akong pakialam kung manigas siya sa labas dahil sa malamig na panahon ngayon.

Nagising na rin si Patrick kaya pinaliguan ko na siya at pinalitan ko na rin ang diaper niya.

"Gutom na ba ang baby ko?" Ngumiti ako kay Patrick at binuhat ko na siya para pumunta kami sa kusina pero pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Chuck. "Paano ka nakapasok?"

"Pinapasok ako ni ma'am Ellen at dito na muna daw ako titira."

"Okay. Huwag mo kong kakausapin dahil hindi tayo---" Nagulat ako noong siniil ako ng halik ni Chuck pero narinig ko ang pagtawa ni Patrick kaya doon ako naglakas itulak siya. "Bakit mo ko hinalikan?"

"Mommy..." Turo sa akin ni Patrick then turo naman kay Chuck. "Daddy..."

Namilog ang mga mata ko dahil tinawag ni Patrick na daddy si Chuck. Ngumiti naman si gago.

"Yes, bud. I'm your daddy." Sabi naman ni gago pero ang anak ko ay gusto pang magpabuhat kay Chuck at kinuha naman siya sa akin. Himala nga dahil hindi umiiyak si Patrick kapag hindi ako ang nagbubuhat sa kanya dahil kapag si mommy Ellen at Cyrus ang nagbubuhat kay Patrick ay umiiyak siya.

Kita sa mukha ni Chuck ang saya habang karga niya si Patrick. Hinalikan pa nga nito ang maliit na kamay ng anak ko.

"Ako na ang magbibigay ng pagkain sa kanya." Sabi nito bago bumaba ng hagdanan. Sumunod lang ako sa kanya papunta sa kusina at pagkarating namin sa kusina ay nilagay niya sa high chair si Patrick.

"Huwag naman masyadong maraming gatas dahil hindi mauubos ni Patrick iyan at masasayang lang." Sabi ko sa kanya.

"Okay. May allergy ba siya? Para naman alam ko."

"Allergy si Patrick sa nuts at dusts."

"Anong allergy reaction?"

"Nahihirapan huminga ang bata kapag inatake ng allergy." Tumango lang siya sa akin. "Kaya nagaalala ako sa kanya noong inatake siya ng allergy at ayaw ko ng maulit ang nangyari."

Binigay na ni Chuck ang bote ni Patrick kaya agad naman ito umiinom ng gatas.

"Noted about his allergies. Tatandaan ko iyan."

"Bakit mo ito ginagawa, Chuck?"

"Sabi ko nga sayo gagawin ko ang resposibilidad ko bilang ama ni Patrick."

"Ayaw ko kasi masanay yung bata kapag wala ka sa tabi niya. Baka palagi ka niyang hanapin kaya hindi naman--" Tinitigan ako ng masama ni Chuck kaya tumaas ang lahat na buhok ko sa katawan.

"Akala ko ba hindi mo ko pipigilan sa gagawin ko? Kahit ayaw mo maging ama ako ni Patrick ay hindi ko naman kailangan ng permisyo mo."

"No fight." Napatingin kami pareho ni Chuck noong nagsimula ng umiyak si Patrick kaya agad ko siyang kinuha sa high chair.

"Shhh... Stop crying, baby. Hindi kami nagaaway ng daddy mo." Pinapatahan ko na si Patrick sa pagiyak niya.

"Sorry, bud." Pinahid ni Chuck ang luha ni Patrick kaya napatingin ako sa kanya.

But our eyes met.

Agad naman ako umiwas ng tingin sa kanya at kinuha niya ulit sa akin si Patrick. Binalik niya yung bata sa high chair.

Nanigas ako sa sunod na ginawa ni Chuck. Hinalikan niya ako sa labi at wala akong lakas para itulak ulit siya. Imbes ay tumugon rin ako sa kanya.

Mahal ko ang gagong ito, eh.

"Sorry, I didn't know." Naitulak ko si Chuck nang may tao pumasok sa kusina. Si Cyrus. Nandito pa rin pala siya.

"Hindi ko alam nandito ka pa pala."

"Magpapaalam na sana ako pero ang sabi ni tita ay nandito ka daw sa kusina kaya pumunta ako rito. Pero Dani, siya ba ang ama ni Pat?" Tinuro pa niya si Chuck kaya napatingin ako sa katabi ko bago tumango kay Cyrus. "Kaya pala ganoon umasta ang lalaking ito kanina."

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo agad na si Chuck ang ama ni Patrick."

"Ayos lang. Sige, uwi na ako sa Manila. Babalik na lang ulit ako sa birthday ni tita." Agad naman lumabas sa kusina si Cyrus.

"Chuck, mahal mo pa rin ba ako?" Biglang tanong ko sa kanya. Hindi sa curious ako dahil hinalikan niya ako kanina. Pero tinitingan lang niya ako.

"What will you do if I say yes?" Namilog ang mga mata. Mahal pa rin niya ako hanggang ngayon kahit iniwanan ko siya noon. "I'm fucking love you, Nika. Sinusubukan kong kalimutan ka at magalit sayo pero hindi ko magawa kaya sa sarili ko na lang. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari."

Mas namilog ang mga mata ko ng makita ko siyang umiyak. Ang huling kita ko sa kanyang umiyak doon sa bahay niya habang naglalasing.

"I'm planning to talk with your parents pagkatapos kay Aizen." Pinahid na niya agad ang kanyang luha.

"Huh? Hindi pa nila alam ang tungkol kay Patrick."

"Sasamahan kita sa kanila kung handa ka na ng pakilala si Patrick sa kanila."

"Baka naman nagmamanhikan ka na sa akin." Pabiro ko pero sinabayan ko na rin ng tawa. Alam ko naman wala pa sa plano ni Chuck iyon.

"Why not? Plano ko rin naman na yayain ka magpakasal."

Huh? Ano daw? May balak si Chuck yayain ako magpakasal?

~~~~

Comment and press ☆ to vote

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon