Chapter 15

999 31 0
                                    

Pagkabalik namin ni Buck sa Manila ay dumeretso na ako sa trabaho imbes sa bahay para magpahinga at sumama pa sa akin si Buck.

"Yung blueprint?" Tanong ko pero napakamot ng ulo si Buck.

"Nakalimutan ko dalhin kanina bago kita sunduin sa Baguio."

"Eh, nasa ang blueprint?"

"Nasa bahay." Natatawang sagot nito kaya inikot ko na lang ang mga mata ko sa inis. "Sorry naman. Excited lang ako sa project kaya nakalimutan kong dalhin pero uuwi ako saglit para kunin."

"Bilisan mo." Umupo na muna ako sa swivel chair para magpahinga saglit habang wala pa si Buck.

Kahit ilang oras pa lang ako rito sa Manila ay miss ko na agad ang mag-ina ko. Ang hirap kasi wala sila rito sa Manila para pwede ko silang dalaw dalawin dahil malapit lang.

"Hoy, gising! Oras ng trabaho." May yumuyugyog sa akin at mukhang nakatulog pala ako habang hinihintay ang lalaking ito.

"Ano ba. Umaalog utak ko sa paraan na paggising mo sa akin." Nag-unat ako ng katawan habang humihikab. Nakuta ko rin ang paglapag ni Buck ng blueprint sa desk ko.

"Dahil ganitong design ang gusto ng kliyente kaya sinunod ko lang siya. Ano sa tingin mo?" Tiningnan ko ang blueprint na gawa ni Buck. As always hindi ako binibigo ni Buck sa pagdesign niya sa project kahit dalawang beses ko pa lang siya nakakasama sa isang project.

"Buck..."

"Bakit? Hindi ba maganda ang gawa ko?" Sumimangot naman ito kaya mabilis akong umiling.

"Okay naman ang ginawa mong design pero may naisip ako."

"Ano naman ang naisip mo?"

"Bakit hindi tayo magtayo ng ganito? You and me as a partner. Isa kang magaling na architect tapos engineer naman ako."

"Hm.. Maganda nga iyan naisip mo, dude. Sige papayag ako. Hanap na rin tayo na pwedeng pagtayuan."

Ngumiti ako sa kaibigan ko bago binalik ang tingin sa blueprint.

"Sa tingin mo ba mga ilang taon bago matapos itong project?"

"Magagaling naman ang team mo kaya sa tingin ko 2 to 4 years natin matatapos pero kung gusto mo patingin tingin ka na lang para may oras ka pa para sa mag-ina mo."

"Salamat. Pero saan ba gagawin ang townhouse?"

"Ilocos daw."

"Ilocos? Hm... Natingnan mo na ba yung lugar?"

"Yep. Malaki naman ang lupa na pagtatayuan natin kayang kaya ang townhouse doon."

"Ang bayad?" Talaga iyon ang naisip kong itanong sa kaibigan ko.

"Double payment, dude. Hati tayo sa bayad." Yun naman pala, eh. Walang problema kahit abutin ng ilang taon bago matapos itong pinapagawa.

"Hindi naman siguro nagmamadali itong kliyente mo, no?"

"Hindi naman. Kinausap ko na siya ang tungkol diyan at ayos lang sa kanya kahit matagalan."

"Sino bang kliyente ito?"

"Don Frederick Reed."

"What?! Kaya pala malaking offer sa pangbayad dahil mayaman pala ito." Natatawa kong sabi. Kung ganito palagi ang nagiging kliyente namin ay paniguradong mayaman na rin ako. Hindi naman ako kasing yaman ni Aizen dahil wala na rin naman akong pamilya na pwedeng maasahan at ako lang nagpaaral sa sarili ko hanggang matapos ang college. Mahirap ang maging working student para lang makapagtapos ako sa pagaaral. "Pero seryoso, pre... Don talaga?"

"Yup. Hindi nga rin ako makapaniwala noong una pero noong naalala ko yung mukha niya ay isa nga siyang don."

Wow. Mayaman talaga siya.

"Okay. Bukas na rin naman tayo magsisimula." Tumayo na ako sa pagkaupo ko. "Uwi na muna ako para makapagpahinga na rin."

"Sige. Balik na rin ako sa trabaho ko." Kinuha na niya ang blueprint sa desk ko at sabay kami lumabas sa opisina ko.

Kinabukasan...

Wala pang araw ay pumunta na ako sa Ilocos at dumeretso na rin ako sa hotel dahil hindi ko naman alam kung saan yung lugar. Kung tatawagan ko si Buck ay baka tulog pa iyon ngayon. Mamaya na lang siguro at matutulog na ulit ako.

Nagising na lang ako dahil sa tunog ng phone ko. May tumatawag sa akin kaya agad kong kinuha para sagutin.

"Hello?" Sagot ko habang humihikab. Inaantok pa ako.

"I missed you, Chuck." Napakurap ako dahil babae ang nasa kabilang linya kaya tiningnan ko kung sino. Pagkakita ko na si Nika pala ang tumawag ay napangiti na lang ako.

"Parang kahapon lang ako bumalik sa Manila ah."

"Alam ko pero nasanay na yata ako sa presensya mo rito, eh. Kahit si mommy Ellen ay tinatanong ako kung kailan ka babalik?"

"Maybe next month. Alam mo naman townhouse itong ginagawa naming project kaya matatagalan pero pinayagan naman ako ni bossing."

"Bossing? Hindi ba ikaw ang boss sa pinagtatrabuhan mo?"

"Si arch. James Fernandez ang tinutukoy ko."

"Ahh... Sige, ibaba ko na ito baka kasi nakaisturbo na ako sa ginagawa niyo."

"Hindi pa naman kami nagsisimula dahil wala pa naman akong tatanggap na tawag ni Buck. Mukhang naligaw na naman ang lalaking iyon." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Nika sa kabilang linya. "Musta ka na pala?"

"Ayos lang naman pero miss lang kita pati si Patrick ay hinahanap ka sa akin."

"Miss ko na rin si Patrick. Pero sa susunod na buwan pupunta ako diyan at pabisita bisita na lang ako rito sa Ilocos."

"Ilocos? Diyan yung project niyo?"

"Oo, eh. Mabuti na nga lang medyo malapit lang ang Baguio sa Ilocos."

"Ayaw ko naman mapagod ka dahil pabalik balik ka rito sa Baguio kaya ayos lang sa akin kahit hindi ka bumisita dito hanggat hindi pa kayo tapos diyan. Pwede naman tayo magusap lang dito. Kakausapin ko na lang si monmy Ellen na hindi ka masyado nakakabisita dito dahil busy ka."

"Aabutin ako ng 2 to 4 years bago matapos itong townhouse. Magpakasal na kaya tayo para naman makasama ko na kayo sa isang bahay at palagi ko rin kayo makita sa tuwing umuuwi ako."

"Pero hiwag na muna ngayon dahil gusto ko matapos na muna itong problema."

"Oh, sige pero wala rito sa bansa si Aizen kaya hindi ko alam kung kailan ko siya makakausap. Sa tingin ko parents mo na muna ang kakausapin ko."

"Gusto mong samahan kita?"

"Huwag na. Gusto ko, ako na muna kakausap sa kanila."

"Ibaba ko na ito, Chuck. Aasikasuhin ko na muna si Patrick."

"Alright. Ingat kayo lagi."

"Ikaw rin." Hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi hanggang matapos na ang paguusap namin ni Nika sa telepono.

Iniisip ko na lang bigla kung bakit ako sinagot ni Nika noong tinanong ko siya na maging girlfriend ko, kung hindi na rin naman niya ako mahal kumpara noon. Mahirap ang one sided love pero hindi naman ako agad susuko para sa kanilang dalawa ni Patrick. Kung magalit sa akin si Aizen ay tatanggapin ko kahit masira pa ang pagkakaibigan namin dahil ayaw kong mawala ulit sa akin si Nika.

~~~~

Comment and press ☆ to vote

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon