Chapter 19

1.1K 30 2
                                    

Isang buwan na ang nakalipas pero wala pa rin akong balita kay Chuck tapos nagkasakit pa si Patrick noong sinama ko siya sa Manila. Iba kasi ang panahon dito kaya siguro hindi nasanay ang anak ko at nagkasakit.

Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

Kaya nagpasya na muna ako bumalik sa bahay dahil wala naman akong sariling bahay rito sa Manila maliban sa bahay ng mga magulang ko.

"Nika..." Niyakap ako ni mama pagkakita niya sa akin. Sobrang miss na miss ko na si mama. Pero siya rin ang humiwalay sa akin. "Sino naman iyang batang kasama mo?"

Ako na ba ang magsasabi sa kanila na anak ko si Patrick na dapat si Chuck ang magsasabi? Pero wala na si Chuck, eh. Isang buwan na.

Sasagot pa sana ako ay biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya agad ako nagduwal dito sa labas ng bahay namin.

"Buntis ka ba, Nika?" Tanong ni mama sa akin.

"H-Hindi po siguro." Buntis ba ulit ako? Hindi malabo iyon dahil ang kulit ni Chuck. Kahit ayaw ko pa ay sobrang kulit parang bata. Wala na rin naman ako nagagawa kung may bata ulit sa sinapupunan ko. "M-May nakain lang siguro ako kahapon na hindi ko nagustuhan."

Tumango na lang sa akin si mama bago pumasok kami sa loob at kinuha ko si Patrick sa stroller niya habang hawak nito ang isang laruan na binigay ni Chuck sa kanya. Palagi niya ito hawak simulang mawala si Chuck sa amin.

"Sis..." Napatingin ako sa itaas kung saan nakatayo ngayon si Bryce. Wala akong sa mood makipagaway ngayon ay Bryce. "Saan ka ba nanggaling? Halos dalawang taon ka na hindi nagparamdam sa amin. Kung hindi lang sinabi ni Aizen na nagkikita kayo ay hindi matata---"

"Bry, huwag na muna ngayon." Binalik ko na ulit si Patrick sa stroller niya pero tumulo ang luha ko. Bwesit naman.

"What's wrong? Kambal kita kaya alam kong malungkot ka o hindi, Nika." Hindi ako makasagot kay Bryce dahil humihikbi na ako at naramdam kong niyayakap na ako ng kapatid ko. Kahit hindi kami close ay alam kong concern rin siya para sa akin. "Kung ano man ang problema mo nandito lang kami para sayo."

"S-Salamat, Bry..." Pinahid ko na ang luha ko.

"Sino ba itong bata?" Lumuhod si Bryce sa tabi ng stroller at nilalaro niya si Patrick.

"Si Patrick."

Nakita ko si papa bumababa galing sa taas at lumapit sa amin. Mabait naman si papa kaya siguro maiintindihan naman niya ako.

"Look, dad ang cute ng baby." Kita sa mukha ni Bryce ang tuwa habang nilalaro si Patrick at tuwang tuwa rin ang anak ko. Ngayon ko lang nakitang nakikipaglaro si Patrick sa ibang tao maliban sa amin ni Chuck. Kung ibang tao kasi ay palaging umiiyak si Patrick.

"Pa, I'm sorry." Agad kong niyakap si papa dahil umalis ako ng bahay noon na walang communication sa kanila. Tinanggal ko lahat na communication. Noong nagpakita ako kay kuya Aizen noon ay nagalit siya sa akin pero pinatawad rin niya ako.

"Saan ka ba nanggaling, Nika?" Kalmadong tanong niya sa akin.

"Sa Baguio po. May isang matandang babae ang kumupkop sa akin doon at pinatira niya ako sa bahay niya."

"Alam mo na ba ang nangyari sa lolo mo?" Tumango ako kay papa.

"Kaya po namatay ang isa sa mga kaibigan ni kuya Aiz dahil niligtas niya si lolo sa sunog." Tumingin ako kay Patrick.

"Nika, si Chuck ba?" Nagulat ako sa tanong ni Bryce habang nakatingin sa akin.

"P-Paano mo---" Hindi natapos ang sasabihin ko.

"I know everything about you. Kambal tayo. At alam kong may gusto ka kay Chuck noon pa kahit sinabihan ka ni Aizen na huwag ang kaibigan niya pero ang tigas talaga ng ulo mo. So tell us, anak niyo ba si Patrick?"

Hindi ako makaimik dahil ang daming pares ng mata ang nakatingin sa akin. Namilog na lang ang mga mata ko noong niyakap ako ni papa.

"Ang kuya Aizen niyo ay tinanggap dahil alam kong siya ang unang anak ng mama niyo.
Kaya Nika tatanggapin ko rin ang anak mo kahit rin yung ama ng anak mo."

"Papa, salamat po..."

"Dad, hindi niyo po alam kung anong---"

"Bry, wala na yung tao kaya huwag mo naman siya sisiraan."

Hindi ako makapaniwalang wala na si Chuck. Hindi ko na mararamdaman ulit ang yakap at halik niya. Hindi ko na rin makikita ang mga ngiti niya.

Ilang araw ang nakalipas ay nagkakaroon ako ng morning sickness ko. Hindi kaya tama ang sinabi ni mama sa akin? Buntis ako?

Pagkatapos ko kumain ay pumunta ako sa doctor pero hindi ko inaasahan na makikita ko si kuya Aizen.

Oo nga pala sa kanya itong ospital.

"Nika?" Bakas sa mukha niya sa pagkagulat.

"Sorry sa pagkawala ng isang taong mahalaga sa inyo, kuya Aiz."

"So, alam mo na rin pala ang nangyari kay Chuck." Tumango ako sa kanya pero kinakagat ko na lang ang labi ko para hindi umiyak. "Pero bakit ka humihingi ng sorry sa akin?"

"Sa resort na iyon kung saan tumutuloy si lolo noon at kung bakit siya sumugod sa sunog."

"Stop it, Nika. Masakit para sa amin ang mawalan ng kaibigan pero hindi na maibabalik ang isang buhay." Niyakap ako ni kuya Aizen. "Bakit ka pala nandito?"

"Ang sabi ni papa na dalawin ko si lolo dito." Pagsisinungaling ko pero dito naman nakaconfined si lolo kaya siguro pagkatapos ko sa OB ay dadalawin ko na rin siya.

Tumango lang sa akin si kuya Aizen kaya nagpaalam na ako sa kanya.

Nang nakarating na ako para magpacheck up ay nagulat ako dahil buntis ulit ako. Kung nandito lang si Chuck sigurado akong matutuwa iyon dahil ito naman ang gusto niya.

Baby, kahit wala na yung daddy mo ay mahal na mahal ka noon. Mahal kayo kayo ng kuya mo...

Kahit wala na si Chuck ay iniwanan naman siya sa akin.

Maiyak iyak ako pagkarating sa hospital roon kung nasaan si lolo kaya pinahid ko na agad ang luha ko bago kumatok at pumasok. Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si lolo nakatingin sa akin.

"Danica..." Naghihina si lolo dahil sa nangyari sa kanya.

"Lolo, sorry po sa lahat kahit yung noon."

"Ako dapat ang humingi sayo ng paumanhin, hija... kung hindi ako niligtas ng boyfriend mo ay sana hanggang ngayon ay kasama mo pa rin siya." Mabilis akong umiling kay lolo. Hindi niya kasalanan ang nangyari kay Chuck. Wala naman may gusto mangyari ito.

"Hindi niyo po kasalanan, 'lo." Ngumiti ako ng pilit sa harapan ni lolo at hinawakan ko ang kamay niya. "Basta po magpagaling kayo at magpalakas ah."

Iniisip ko tuloy kung bakit nagpagawa ng townhouse sa Ilocos si lolo.

"Matapang tao ang boyfriend mo, hija kahit buhay niya ang kapalit."

Sabi nga ni kuya Buck ay hindi nagdalawang isip si Chuck na sumugod sa sunog.

"Danica, yung townhouse na pinapagawa ko ay para sayo iyon."

"Para sa akin po? Bakit naman po?"

"Kung gusto niyo magbakasyon doon ay may matitirahan kayo."

"Salamat po."

Hindi ko alam kung kaya kong magbakasyon sa Ilocos dahil isa si Chuck sa mga tumulong sa paggawa ng townhouse na iyon.

~~~~

Sorry kung nakakalungkot ang part na ito. Hindi naman ako fan ng sad ending pero no choice ako haha

Last 1 chapter

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon