Nakahiga lang ako sa isang kama. Hindi ko nga alam kung saan ako dinala ng lalaking ito.
"Ugh." Ang sakit ng ulo ko. Sobrang dami ang nainom ko kanina.
"Kukuha lang ako ng gamot." Sabi niya. Paalis na sana siya ay hinawakan ko ang isang braso niya. "May kailangan ka pa ba?"
"Stay here, please..." May luhang tumutulo sa mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Hindi naman ako aalis ng bahay. Kukuha lang ako ng gamot para mawala ang sakit ng--" Tumayo ako saka hinalikan siya sa labi. Hindi ko alam ang ginagawa ko ngayon. Kusa na lang gumagalaw ang katawan ko. Pero bigla ko naalala ang nangyari kanina kaya sinampal ko na naman siya ng malakas. "What the fuck!"
"Hindi kita mapapatawad." Sabi ko habang umiiyak.
"Ano na naman ba ang ginawa ko sayo, babae?" Hindi ko na siya sinagot pang muli at umupo na lang ako sa gilid ng kama habang humikbi. "Ano ba ang problema natin, Nika? Sabihin mo sa akin para naman hindi ako ang kawawa sa mga sampal mo."
Tuloy pa rin ako sa paghikbi. Sobrang nasasaktan na ako kapag kasama ko ang lalaking ito dahil naalala ko ang lahat na sakit kanina. Sabi ko nga iiwas na ako sa kanya pero hindi ko magawa.
"Magsalita ka naman para alam ko." Nakaluhod na pala siya sa harapan ko at halatang nagaalala siya sa akin. Nagaalalaga? Asa ka pa, Nika. Ang katulad niya ay malabong magaalala sa katulad mo.
"Uuwi na ako." Tumayo na ulit ako at lumabas na sa kwarto. Ayaw ko na talaga makita ang pagmumukha mo.
"Nika, ano ba?! Teka nga lang!" Hinablot niya ang braso ko at pinipilit kong alisin.
"Bitawan mo ko, Chuck!"
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi mo sabihin sa akin ang problema. May problema ba tayong dalawa?"
"Let me correct you walang tayo kaya wala tayong problema." Hinawi ko ang kamay ko kaya bumaba na ako ng hagdanan. Nawala na rin ang kalasingan ko kanina.
"Nika!" Napahinto na ako sa pagbukas ng pinto nang yakapin niya ako mula sa likod. "Ayaw ko man sabihin sayo ito dahil magagalit sa akin si Aizen pero noong unang beses kitang nakita sa bar ay natamaan na ako sayo. Kaya noong nalaman kong kapatid ka ni Aizen ay sinusubukan kong iwasan ka dahil hindi ka pwede."
"A-Alam mong may kapatid si kuya Aiz?"
"Yes. Nakilala ko noon si Bryce dahil sa EU rin siya nagaaral pero wala akong ideya na may kapatid pa lang babae si Aizen." Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. "Mas tatanggapin ko pa ang galit sa akin ni Aizen kaysa malayo ka sa akin. Mahal kita, Nika."
Ang bilis ng tibok ng puso ko noong nagconfess siya sa akin. Ang akala ko pa naman inubos na niya ang anaethesia sa ospital kaya sobrang manhid ng lalaking ito pero hindi pala.
Pinaharap niya ako saka hinalikan ako sa labi.
Kinabukasan...
Bumangon na ako pero sumakit na naman ang ulo ko dahil sa hangover. Sa susund huwag na ako iinom ng marami. Tumingin ako sa katabi ko dahil naalala ko ang mga nangyari kagabi at nilapit ko ang mukha ko sa kanya para halikan siya sa labi.
I'm sorry, Chuck.
Kinuha ko na ang mga damit ko para suotin at iniwanan na si Chuck sa bahay niya.
Mahal ko si Chuck, mahal rin niya ako pero alam ko naman importante sa kanya ang pagkakaibigan nila ni kuya Aizen. Simulang mga bata pa lang sila ay magkaibigan na. Ayaw ko masira iyon nang dahil sa akin. Kaya lalayo na lang ako sa kanya at kalimutan niyang minahal niya ako dahil kailangan.
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Bryce. He is my twin brother pero hindi kami magkasundo na dalawa.
"Saan ka galing kagabi?"
"Ano bang pakialam mo? Hindi na sabi ko once na pinakialam mo ang mga ginagawa ko sa buhay ay hindi ako magdadalawang isip na sabihin kila papa ang pinaggagawa mo noon at ngayon kuya Bry." Panakot ko sa kanya. Alam ko kasi ang mga ginagawa niya kaya lang hindi alam ng mga magulang namin at tungkol sa pagtawag ko sa kanya ng kuya Bry dahil gusto niya kaya ayan kinukuya ko na siya ngayon.
"Subukan mo, Danica."
"Talagang susubukan ko!" Sigaw ko saka iniwanan siya.
Pagkatapos ko maligo ay nagiimpake na ako ng mga gamit ko dahil ngayong araw na ako aalis pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Bahala na.
Gusto ko rin maging independent. Kailangan ko mamuhay na hindi humihingi ng tulong sa ibang tao.
Pagkalabas ko ng bahay ay nagabang na ako ng taxi. Nang may huminto ay sumakay na ako.
"Kuya, sa terminal ng bus."
Wala naman akong balak lumabas ng bansa kaya dito na lang ako kung saan man ako pupunta. Doon na lang ako mamumuhay magisa.
Narinig kong tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Chuck. Kaya pinatay ko na lang ang phone ko para walang makakatawag sa akin na kahit sino.
Sorry talaga, Chuck. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ba ako o hindi na dahil sa pagiwan ko sayo.
Alam kong mali dahil binigay ko sa kanya ang sarili ko kahit hindi pa kami kasal.
Nang nakarating na ako sa terminal ng bus ay binayaran ko na ang taxi driver bago bumaba ng taxi.
Saan ba ako pupunta ngayon?
Sumakay na ako ng bus pero hindi ko alam kung saan ako pupunta nito pero bahala na. Basta makalayo lang kay Chuck. Ayaw ko na rin kasi umasa at masaktan pa.
Ang katulad niya ay hindi magseseryoso sa isang relasyon dahil ayaw niya ng commitment.
Tumingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa kalagitnaan ng biyahe ang bus at onti onting pumipikit ang mga mata ko sa antok.
Maya maya pa ay may gumising na sa akin. Yung conductor ng bus at sinabing nandito na daw kami sa Baguio. So, Baguio pala ang destination ng bus na ito. Hindi ko na kasi inabalang tingnan kanina bago ako sumakay.
Ang lamig talaga rito.
Nagsimula na ako maglakad para makahanap ng matitirahan ko hanggang may isang may edad na babaeng lumapit sa akin.
"Excuse me, miss." Napatingin ako sa kanya. "Naghahanap ka ba ng matitirahan mo?"
"Yes po."
"Tamang tama. Pwede kita patirahin sa bahay ko tutal magisa lang naman ako roon."
"Nakakahiya naman po. At saka wala po akong pangbayad."
"Hindi mo na kailangan magbayad dahil wala rin naman akong kasama at saka patay a rin ang asawa ko."
Naawa rin ako sa kanya dahil may edad na ito at wala na pala ang asawa niya.
"Eh, yung anak niyo po?"
"Hindi kami binigyan ng anak ng asawa ko kaya kaming dalawa na lang ang magkasama."
"Sige po. Tatanggapin ko na yung offer niyo na tumira sa bahay niyo."
"Maraming salamat, hija."
"Ako po pala si Nika."
"Ellen. Mommy Ellen na lang itawag mo sa akin." Ngumiti ako sa kanya at sa nakikita kong mabait siya. Kung hindi, hindi niya ako papatirahin sa bahay niya.
Pagkarating namin ay nagulat ako dahil ang laki pala ng bahay ni mommy Ellen tapos magisa lang siya rito.
~~~~
Fact:
Sa totoo lang hindi ko binalak na maging magkapatid sina Nika at Aizen. Ang plano ko sana sa STATUS: Married With My Ex kontrabida si Nika pero hindi ko na lang tinuloy at ginawa ko siyang kapatid ni Aizen. 😋
-Skye
Comment and press ☆ to vote

BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...