Paano na ako uuwi nito baka hinahanap na rin ako ng mga kaibigan ko o ni kuya Aizen. Kinuha ko yung phone ko sa pouch pero wala niisang message o missed call galing sa kanila. Isa lang ibig sabihin hindi nila ako hinahanap,
Maya maya pa ay may tumunog na isang phone kaya hinanap ko kung saan galing iyon hanggang nakita kong napatungan lang pala ng unan kaya kinuha ko iyon. Cellphone ba ito ni kuya Chuck? Kaya napatingin ako sa pinto ng banyo dahil naliligo siya ngayon at tiningnan ko ulit ang phone na hanggang ngayon ay nagriring pa rin pero teka. Aizen? Si kuya Aizen? Kaibigan ba siya si kuya Aizen?
Narinig kong bumukas na yung pinto ng banyo kaya binitawan ko na agad yung phone. Lumabas na si kuya Chuck at mukhang tapos na siya maligo.
"Hindi ka talaga tumakas, no?"
"Paano ako tatakas? Ang sabi mo huwag akong tumakas." Sagot ko pero ngumisi lang ito.
"Hindi ko alam masurin ka pala, Nika. Kung ako sayo ay huwag kang habang buhay mabait dahil ikaw rin ang masasaktan sa huli."
Ano daw? Bakit naman masasaktan ang mga mababait? Siguro inaape sila ng mga taong naiinggit sa kanila. Insecure lang sila sa akin kung maiinggit sila.
"Um, pwede magtanong?"
"Depende. Ano iyon?" Sabi niya habang nagtutuyo ng buhok.
"May kilala ka bang Aizen Evergreen?" Napalingon sa akin na parang nagtataka.
"Paano mo-- Isa ka ba mga babae ni Aizen?" Inikot niya ang kanyang mga mata para bang naiinis siya sa nalaman. Bakit naman? At kilala niya si kuya Aizen. "Never mind. Hindi na kagulat na maraming babae si Aizen pagkatapos ang break up nila ng dati niyang girlfriend."
"Hindi ako ex girlfriend o kung man niya. Sa totoo niyan ay kapatid niya ako. Half sister."
"What?! You gonna be kidding me?!"
"I'm serious, kuya Chuck. Hindi ko nga alam na magkakilala pala kayo ng kuya Aizen ko."
"Shit. Fuck." Paulit ulit ang pagmumura nito. Anong problema ng lalaking ito? "Sa bahay ka ni Aizen nakatira ngayon?"
"Yes. Alam mo saan ang bahay ni kuya Aizen?"
"Hatid na kita." Imbes na sagutin ng lalaking ito ang tanong ko ay sinabi na lang na hatid na lang niya ako.
Pagkarating namin sa bahay kuya Aizen ay bumaba na ako ng kotse kasi naman hindi ko na gusto ang atmosphere sa loob.
4 months later...
Hindi na ulit nagpakita sa akin si kuya Chuck. Ewan ko ba sa lalaking iyon kung bakit ko hinahanap. Siguro may gusto ako sa kanya kahit kailangan siya ni kuya Aizen.
Speaking of my brother, sobrang busy niya sa pagaaral kaya nagpaalam ako sa kanya uuwi na ako ng Pilipinas dahil malapit na rin ang pasukan ko. Pumunta lang akong states dahil doon ako nagaral ng middle school kaya may mga naging kaibigan ako tapos noong college na ay dito na ako sa Pilipinas nagaaral dahil gusto ni mama na umuwi ako para makasama naman nila ako. Kinumbinse ako ni kuya Aizen na umuwi dito kahit ayaw ko talaga umuwi.
Present...
Ngayon ay kasal na si kuya Aizen kay ate Aya tapos may anak pa sila na si Eizen. Grabe hawig talaga ni kuya Aizen si Eizen. Ang cute nga. Mini me ni kuya Aizen.
Hindi ko naman pwedeng guluhin pa ang kapatid kong iyon kaya gagawin ko ang lahat para mabuhay or not...
Sinundan ng mga mata ko yung tao nakita ko kani-kanina lang. Si Chuck iyon. Bakit nasasaktan nang may kasama siyang babae? Ang sabi ni ate Callie ay ayaw ni Chuck sa commitment or pumasok sa isang relasyon. Parang dudurog ang puso ko noong makita kong hinalikan niya yung babae pero naiinis ako dahil wala man lang silang privacy kung gusto nila magtukaan. Sana naman sa private place.
Nakita kong parang nagulat siya ng makita ako.
"Nika?!" Ngumiti ako ng mapait sa kanya bago tumalikod. Mahal ko iyong tao kaya nasasaktan ako.
Noong kasal nina kuya Aizen at ate Aya ay iniiwasan niya ako kaya ngayon ay ako na ang iiwas sa kanya. Mukhang tama si ate Callie na masasaktan lang ako kung si Chuck ang mamahalin ko.
May humablot sa braso ko at pinaharap ako sa kanya.
"Ano bang kailangan mo sa akin, Chuck? Kung wala kang kailangan aalis na ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin sa trabaho ko."
Isa akong model ng damit, iyon kasi ang gusto kong trabaho at masaya ako sa mga bagong damit nasusuot ko.
"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?"
"Ang kapal din ng mukha mo, no? Fyi, bago kayo dumating ng kasama mong galing pa yatang party dahil sobrang kapal ng make up. Prostitute yata iyon."
"Don't talk her like that. Nagseselos ka ba?"
"Tingnan natin kung gaano makapal iyang mukha mo para masabi natin nagseselos ako sa kasama mong prostitute." Sinampal ko siya. Isang malakas na sampal dahil ayaw ko naman aminin sa kanya na nagseselos ako. Mahal kita, Chuck. Bakit ang manhid mo? Ilang beses ka ba tinurukan ng anasethesia para maging manhid ng ganyan? Hindi mo lang napansin ang nararamdaman ko para sayo.
"What the hell!" Hinimas niya ang kanyang pisngi kung saan ko siya sinampal. "Bakit mo iyon ginawa?"
"Dahil nararapat sayo iyon!" Sigaw ko. Wala na akong pakialam kung maraming tao ang napapalingon sa amin.
"Ano ba ang problema mo, Nika?" Galit na ang boses ni Chuck ngayon.
"Naiinis ako sayo!" Sigaw ko pa rin. Medyo namamaos na ang boses ko.
Huwag kang iiyak sa harapan niya. Hindi ka mahinang tao, Nika.
"Kung may nararamdaman ka para sa akin ay dapat mo ng kalimutan. Hindi ako ang tamang lalaki para sayo, Nika. Off limit ka dahil kapati ka ng kaibigan ko." Sabi niya at iniwanan na ako rito magisa. Bumalik siya doon sa babaeng mukhang prostitute.
Off limit ako dahil kapatid ako ng kaibigan niya. Ano ibig sabihin noon?
Nagsisi ako na siya ang lalaking minahal ko. Dapat talagang kalimutan ko na lang ang nararamdaman ko para sa kanya.
Pumunta ako ngayon sa isang club dahil nawalan na ako ng gana magtrabaho ngayon.
"Kuya, isa nga pong margarita."
"Coming up, ms. Beautiful." Ngumiti na muna siya sa akin bago gawin ang inorder kong inumin. Kadiri! Akala mo naman gwapo. Bakit ba ako nilalapitan ng mga panget? Pinaparusahan ba ako ngayon? Grabe naman ang parusang ito.
Nakailang shot na ako ng margarita kaya natatamaan na ako.
"Kuya, isa pa." Sabi ko sa bartender. Nahihilo na ako ngayon. Gusto ko na rin ang sumuka.
"Don't serve any drinks for this lady." Tumingin ako sa nagsalita. Nagiging doble ang paningin ko dahil sa kalasingan. Hindi ko alam may kakambal pala siya.
"What are you doing here? Hindi ko naman kailangan ng tulong mo kaya alis."
"Tsk. Kababaing mong tao ay pumupunta ka sa ganitong lugar. Ang hilig mo talaga ng gulo, no!" Hindi na ako sumagot noong binuhat niya ako na parang sako. "Heto na lahat na bayad sa mga ininom niya kamina and here's my membership card. Pakisabi sa boss mo hindi na ako tatagal ngayon.
"Hoy. Ibaba mo na ako. Kaya ko naman ang maglakad."
"Will you just shut up?! Ang ingay mo. Nakakairita na."
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...