Chuck's POV
Naghihintay ako sa pagdating ni Buck dahil ang sabi niya sa akin ay nasa Baguio na daw siya hanggang sa natataw ko na ang isang familiar na sasakyan. Kotse ni Buck. At bumaba na nga sa driver's seat ang galunggong.
"Mabuti naman hindi ka naligaw papunta dito." Nakangising tugon ko sa kanya. Hindi kasi bagay kay Buck ang maging driver dahil minsan ay wala siyang sense of direction, ayaw kasi mag-hire ng driver para hindi na siya maligaw.
"Ang sabi mo magtanong tanong na lang sa mga tao rito kung paano pumunta. Kaya magtanong sa kanila." Sagot naman nito.
"Ako na ang magmamaneho pabalik sa Manila baka kung saan pa tayo makarating. Bukas ang trabaho nating dalawa." Binigay na sa akin ni Buck ang susi ng sasakyan niya. Pinagkakatiwala rin niya sa akin ang sasakyan niya. Alam kasi nilang lahat ay maingat ako sa gamit lalo na't hindi sa akin itong gagamitin ko. "Wait lang, magpapaalam lang ako sa iba."
Tumango na lang sa akin si Buck bago tumalikod sa kanya pero sa hindi ko inaasahan nasa likuran ko lang pala si Nika.
"Hello, Nika." Rinig kong bati ni Buck sa likuran ko.
"Hello." Tumingin naman agad sa akin si Nika. "Ingat kayo sa paguwi niyo ah."
"Oo naman. Tatapusin namin agad yung trabaho."
"Tatapusin agad? Eh, townhouse ang gusto ng kliyente." Napamura ako sa sinabi ni Buck. Taon na naman ito.
"Pwede bang umurong na lang?" Nilingon ko siya pero isang kibit balikat ang binigay sa akin ng kaibigan ko.
"Nagiintay naman kami rito ni Patrick sa pagbalik mo. At kailangan ka nila doon kaya umalis na kayo ni kuya Buck baka gabihin pa kayo." Napasimangot ako sa huling sinabi ni Nika na para bang gusto na niya akong umalis dito.
Nang nasa kalignaan ng biyahe ay ako na ang nagmamaneho ng sasakyan.
"Musta naman kayo ni Nika ngayon?"
"We're totally fine."
"Wala bang... You know." Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon sa akin ni Buck.
"She is my girlfriend." Sagot habang nasa daan pa rin ako nakatingin.
"Seryoso ka na ba, dude? Kapatid siya ni Aiz"
"Hindi ko makakalimutan na kapatid siya ni Aizen at handa akong kausapin si Aizen pati na rin ang mga magulang niya."
"Seryoso?" Sumulyap ako saglit kay Buck. "Talagang mahal mo si Nika, no? Kahit piangbawal ni Aiz na lumapit ka sa kapatid niya."
"Hindi naman niya ako pinagbawalan lumapit kay Nika. Sinabi lang niya bawal kong hawalan ang kapatid niya at hindi ko naman tinupad dahil nandiyan na si Patrick pero hindi naman ako nagsisi na nagkaroon kami ng anak."
"Kawawang Aiz dahil siya na lang ang walang alam sa nangyayari. Mukha kasing may alam na si Aya pati na rin si Callie."
"Eh, si Alex? Ang alam ko mas close rin si Nika kay Alex kaysa sa inyong dalawa ni Luca."
"Grabe ka, dude. Pero hindi ko alam kung may alam na ba si Alex o wala. Baka nasabi na iyon ng asawa niya."
Sa tingin ko hindi naman dahil hindi naman madaldal si Callie. Kilala ko si Callie simulang umapak kami nv high school, kaklase siya ni Aya dahil pareho sila ng section noon, mahal ni Luca kaya noong nagpakasal si Callie kay Alex ay nageemote ang gago.
Si Aya naman simulang mga bata pa kami ay kilala ko na siya. Madalas nga siya kinaiinisan ni Aizen noon sa tuwing nagkikita ang dalawa pero nauwi rin sa kasalanan. Psh.
"Kung hindi alam ni Alex ay hindi lang nagiisa si Aizen."
"Pero kailangan mong sabihin sa kanila dahil kaibigan natin sila."
"Bahala na, Buck. Kung ano ang maging resulta ay tatanggapin ko."
"Baka pati kay Enzo ay sabihin mo rin ah."
"Sira ulo. Nanahimik na yung tao sa Australia kasama ang sariling pamilya."
"Speaking of family, may anak ka na pero hindi pa kayo kasal ni Nika dahil kay Aizen at sa pamilya nito. Ano ang gagawin mo pagkatapos?"
"Yayain magpakasal si Nika."
"Seryoso ka na ba diyan?"
"Ano sa tingin mo sa akin? Nagbibiro?" Tumingin ako sa kanyang seryoso.
"Eyes on the road, dude. Ayaw kong mamatay ng maaga na hindi ko pa nahahanap ang babae para sa akin." Binalik ko agad ang tingin sa daan dahil ayaw ko rin naman mamatay ng maaga, no!
"Wow. Sayo pa talaga nanggaling iyan. Akala ko pa naman wala ka na ng balak magkaroon ng sariling pamilya dahil busy ka sa trabaho at sa pagaalaga mo sa mga pamangkin mo."
"Pamilya ko rin naman sina Chase at Cress kaya kailangan ko silang alagaan na dalawa." Tumingin ito sa labas ng bintana. "Hindi ko nga alam sa haba ng panahon ay wala pa rin paramdam ang ama nila sa kanila."
"Baka naman nakalimutan na niyang may mga anak siya."
"Ewan ko. Hindi ko nga masyado kilala ang ama nila, eh dahil isang beses ko lang siya nakausap noong libing ni ate Eva."
Nandoon ako noong burol at libing ng kapatid ni Buck dahil siya na lang ang natitirang pamilya ni Buck. Kahit nawalan siya ng isang pamilya ay hindi naman siya sumuko para sa dalawang pamangkin niya at nandito naman kami mga kaibigan niya para tulungan siya kahit may mga sariling pamilya na ang iba.
"Sira ulo talaga si Aiz."
"Oh? Bakit naman?" Sumulyap ako saglit sa kanya dahil nakatingin na pala ito sa phone niya.
"Pupunta pala sila sa Australia kasama ang pamilya niya. Hindi man lang tayo inimbitahan."
"Bakasyon ng mga bata ngayon at siguro sinabihan siya ni Aya na magpahinga na muna dahil alam mo naman ang mga doctor. At nandoon naman sa Australia si Enzo."
"Exactly. At saka gusto ko rin naman pumasyal sa Australia, no!"
"Sumunod ka sa kanila para hindi na matuloy ang project na ito."
"Ayos ka rin. Gusto mo lang bumalik kay Nika." Ngumiti ako habang nagmamaneho. "Anong ngiti iyan? Kadiri ka, dude."
"Masaya ako kapag mangyari iyon." Natatawang sabi ko.
"In love ka na talaga."
"Simulang umamin ako sa kanya ay hindi na paiba iba ang mood ko. Hindi na rin ako galit."
"Halata nga. Daig mo pa ang babaeng buntis sa pagkakaroon ng mood swing. Kaya naiisip namin ni Luca minsan kung bipolar ka ba."
"Sira. Kayo talaga."
May nakita akong kainan sa kalignaan ng biyahe namin kaya pinarada ko doon para kumain na muna.
"Kain na muna tayo. Lunch na rin, oh."
"Sige, nagugutom na rin ako."
Pareho na kami bumaba ni Buck sa kotse niya at pumasok na sa isang carinderia.
"Ang sakit na ng pwet ko. Kahit kailan talaga hindi ako kumportable sa kotse mo." Pagrereklamo ko. Masakit na talaga ng pwet ko sa haba ng biyahe namin. Kung hindi lang kami huminto ay sana nasa bahay na ako ngayon at nagpapahinga pero hindi naman pwedeng hindi kumain.
"Sa susunod na magrereklamo ka, make sure palagi mo dala ang sasakyan mo ah."
~~~~
Comment and press ☆ to vote

BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
Roman d'amourAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...