Ngayon ang last day namin dito dahil bukas ay uuwi na kami at tumingin ako sa direksyon ni Chuck habang busy siya makipagusap sa ibang babae. Ang sabi niya ay wala siyang pakialam kung may gusto mangligaw sa akin pero hindi naman ako papasok sa isang relasyon, no! May anak ako kaya si Patrick lang ang priority ko.
"Hey, Dani." Tumingin ako kay Cyrus nang tawagin niya ako. "Uuwi ka ba bukas sa Manila?"
"Sa tingin ko dederetso akong Baguio para bisitahin si mommy Ellen."
"Malapit na rin pala ang birthday ni tita. Sige, sasama ako sayo pabalik ng Baguio."
Oo nga pala. Nawala na sa isip ko ang tungkol sa birthday ni mommy Ellen dahil sobrang daming problema sa isipan ko ngayon.
"Hanap tayo ng regalo habang nandito tayo." Sabi ko kaya tumango sa akin si Cyrus at nilagay ko na si Patrick sa stroller niya.
"Gusto mo ako ang magtulak ng stroller ni Pat?"
"Salamat pero kaya ko naman ito."
Nakarating kami ni Cyrus sa isang souvenir shop kaya naghahanap na kami na pwedeng ipang regalo kay mommy Ellen sa darating na birthday niya.
"Heto na lang kaya ang iregalo natin sa kanya." Pinakita ko kay Cyrus ang hawak kong bag.
"Kahit isang taon mo pa lang nakakasama si tita ay parang kilalang kilala mo na siya ah." Natatawang sabi nito.
"Babae ako, Cy kaya alam ko ang mga gusto ng mga babae."
"Okay, okay. Maganda naman kaya sigurado akong matutuwa iyon sa regalo mo dahil ikaw ang nagbigay."
"Share na lang tayo rito."
"Huh? Seyoso ka?" Tumango ako sa kanya kaya binayaran na namin. Kahit sa bayad ay hati kami.
Pagkatapos namin bumili ay bumalik na kami sa hotel pero hindi ko inaasahan ay makikita ko si Chuck sa lobby.
"Cy, mauna ka na sa itaas ah."
"Sige." Naglakad na si Cyrus papunta sa elevator.
"Hindi boyfriend ah? He acts like your boyfriend." Ngumisi pa ito sa akin.
"Hindi ba wala ka naman pakialam kung ano meron sa amin ni Cy? Kahit sabihin ko naman sayo na kaibigan ko lang talaga siya."
"I don't care about what your relationship with that guy." Tumayo na ito sa pagkaupo niya sa solo na sofa. "Ang gusto ko lang naman ay sana hindi mo na lang sinama sa date niyo si Patrick."
He sounds like a jealous boyfriend. Bakit ka ba ganyan, Chuck?
"Dahil anak ko siya."
"He is my son too."
"Bakit parang magseselos ka sa tuwing kasama ko si Cy, Chuck? Sabihin mo nga sa akin ang totoo."
"Hindi ako nagseselos. Ama lang ako ng anak mo kaya ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang ama niya."
"Dapat lang gawin mo ang responsibilidad mo kay Patrick at wala ka ng pakialam kung sino ang kasama ko. Ikaw nga kung sinu-sino rin ang kasama mong babae!"
"Sino na ang nagseselos ngayon?" Nakataas pa ang isang kilay nito sa akin.
"Ewan ko sayo." Tinulak ko na ang stroller ni Patrick papunta sa elevator. Akala ko pa naman maayos na ang paguusap namin kahapon pero mukhang nagkamali pa ako. Isa lang pala kalokohan ang lahat nangyari kahapon.
Pagkabukas ng elevator ay laking gulat ko nang makita si ate Aya.
"Ate Aya."
"Ang daya mo, Nika." Naguluhan ang sa bungad ni ate Aya sa akin. Ano ang ginawa ko? "Sinabi sa akin ni Callie na sinabi mo sa kanya kung sino ang ama ni Patrick pero hindi naman niya sinabi sa akin kung sino."
"Sorry po." Tumingin ako sa likod ni ate Aya pero wala si kuya Aizen. Nasa hotel room yata kasama ang mga anak nila.
"Sino ba ang ama ni Patrick?"
"Si Chuck po." Nakita sa mukha ni ate Aya ang pagkagulat pero nabawi rin iyon agad. Alam kasi niyang may gusto ako kay Chuck.
"Kaya ba sa tuwing nagtatanong kami ay hindi mo masagot dahil ba kay Aizen?" Naiilang akong tumango sa kanya. "Gusto mo bang tulungan kitang kausapin siya?"
"Huwag na po. Kung ano man ang maging desisyon ni kuya Aiz para sa amin ni Chuck ay tatanggapin ko na lang."
"Ano na lang ang sasabihin ng daddy mo sayo? May alam na ba sila tungkol kay Patrick?"
"Wala pa. Hindi pa kasi ako bumabalik sa bahay simulang umalis ako doon, eh."
"Saan ka ba tumutuloy?"
"Nasa Baguio po ako tumutuloy kasi may isang matandang babae ang tumulong sa akin at doon ko rin nakilala si Cyrus."
"Anak ng tumulong sayo?" Mabilis akong umiling sa kanya.
"Pamangkin po niya si Cyrus at dahil maliit lang ang mundo kasi naging kliyente pala ni kuya Buck si Cyrus noon."
"Ang liit nga ng mundo. Pero ano na ang gagawin mo pagbalik natin bukas?"
"Babalik na po ako sa Baguio bukas. At wala rin naman alam si Chuck kung saan ako nakatira kaya hindi niya ako guguluhin na pagkatapos nito."
"Kung kailangan mo ng tulong para kausapin si Aizen ay huwag kang mahiyang lumapit sa akin ah." Ngumiti ako kay ate Aya dahil sobrang bait talaga niya. Kaya siguro na in love sa kanya si kuya Aizen.
Hindi ko kasi alam kung paano sila nagkahiwalay noon dahil hindi ko na iyon pinakialaman. Ang importante ay masaya na silang dalawa. Ako kaya, kailan ako magiging masaya? Yung makakasama ko yung lalaki para sa akin. Yung kaya akong mahalin.
Kinabukasan...
Maaga akong pumunta sa lobby dahil kailangan ko na rin bumalik agad sa Baguio kasi sobrang miss ko na si mommy Ellen kahit 3 days lang kami rito sa Tagaytay.
"Dani, tara na." Tumango ako kay Cyrus pero napatingin ako nang may humawak sa braso ko. Si Chuck.
"May kailangan ka, Chuck?"
"Hatid ka na namin, Nika." Sabi nito sa akin. Walang kang alam kung saan ako umuuwi ngayon.
"Hindi mo na kailangan gawin iyan. Alam ko naman busy ka sa trabaho mo pagbalik niyo ng Manila." Nakita kong kumunot ang noo nito kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Hindi ka sa Manila?"
"May pupuntahan pa kasi ako kaya kay Cy ako sasabay ngayon."
"Eh, sasama ako sa inyo."
"No! Hindi ka pwedeng sumama sa amin." Tinaasan ako ng isang kilay ni Chuck. Hindi niya kasi pwedeng malaman kung saan ako tumutuloy dahil ayaw ko ng gulo. Kapag nalaman niya ay guguluhin lang niya ako kaya nga hindi ko sinasagot ang mga tawag niya noon, eh.
"At bakit naman? Ano ang masama kung sumama ako sa inyo? Makakasira ba ako sa date niyong dalawa?" Sunod sunod na tanong nito sa akin kaya agad naman niyang binatawan ang braso ko. "Kung may date kayong dalawa huwag niyong isasama si Patrick sa inyo."
"Pre, makapagsalita ka naman akala mo--"
"Manahimik ka dahil hindi ikaw ang kinakausap ko at huwag na huwag mo kong tatawagin pre dahil hindi tayo close!" Tumaas ang boses ni Chuck at nakita kong lumapit sa kanya ang dalawa pa niyang kaibigan. Malaking gulo ito kaya kailangan ko silang awatin na dalawa at mabuti na lang nauna na sila kuya Aizen pabalik ng Manila kasi may emergency pa daw kailangan asikasuhin sa ospital ngayon sina kuya Aizen at kuya Alex. "Ano, Danica?!"
Ano na ang gagawin ko ngayon?
~~~~~
Comment and press ☆ to vote

BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...