Chapter 7

1.1K 39 0
                                        

Pagkagising ko sa umaga ay dumeretso na ako sa site para tingnan.

"Engineer, good morning." Bati sa akin ng isang worker.

"Morning."

"Ang aga mo naman yata pumunta rito." Tumingin ako sa nagsalita. Nandito na rin pala si Buck. "Kain na muna tayo."

"Salamat pero mamaya pa ako kakain."

"Ano ka ba, Chuck. Simulang bumalik ka rito sa Baguio ay hindi ka na kumakain ng maayos. Sakit ba ang hanap mo?" Hindi ko na pinansin si Buck dahil nagsuot na ako ng hard hat para tingnan ang loob. Simulang nakita ko ulit siya ay nag focus na ako ngayon sa trabaho ko. Kung alam ko lang konektado sa kanya itong site ay sana hindi na lang ako pumayag. "Chuck! Huy! Akala mo hindi ko malalaman na may problema ka."

Huminto ako sa paglalakad bago humarap kay Buck. Ano ba ang problema ng lalaking ito?

"Ano ang pinagsasabi mo diyan?"

"Hindi ko alam kung bakit hindi mo sinabi sa akin ang katotohanan, Chuck. Kaibigan mo ko."

"Katotohanan?" Kumunot ang noo ko sa lalaking ito.

"Na may relasyon pala kayo ng kapatid ni Aiz."

"Sinabi sayo ni Luca ang tungkol diyan?"

"Alam ni Luca tapos ako hindi ko alam. Ganyan ka na ba ngayon, Chuck?"

Ibig sabihin hindi pala sinabi ni Luca ang tungkol doon. Pero paano nalaman ni Buck?

"Wala kaming relasyon na dalawa." Tumalikod na ako sa kanya.

"Teka nga lang, Chuck." Humarap ulit ako sa kanya pero nagulat ako noong sinuntok ako ni Buck sa mukha.

"Gago ka ah! Ano ba ang problema mo?!" Hinatak ko siya sa kwelyo kaya yung ibang worker ay inaawat ako. "Bitawan niyo nga ako!"

"Hindi ko alam kung ano meron sa inyong dalawa pero sana man lang, sana nga lang sinabi mo sa akin ang tungkol sa problema mo para matulungan ka namin."

"Wala akong problema! At wala nga kami! Hindi naging kami!" Sigaw ko at pinipilit ko pa rin kumawala sa mga worker. "Ano ba! Sinabi ko ngang bitawan niyo na ako!"

"Kung si Aizen ang iniisip mo ay pwede mo naman siyang kausapin ng maayos at pwede ka rin naman humingi ng tulong kay Aya."

"Hindi ko kailangan ng tulong dahil mas mahalaga sa akin ang pagkakaibigan namin ni Aizen." Nilagpasan ko na si Buck saka binato ang hard hat sa semento at sinabunutan ko na ang buhok ko sa sobrang galit ko. Galit rin ako sa sarili ko! Bwesit!

"Chuck, matagal ng alam ni Aizen na may gusto ka kay Nika dahil kilalang kilala ka niya. Hindi lang siya nagsasalita dahil hinihintay ka lang niya na kausapin mo siya."

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko kailangan kausapin si Aizen."

"Pero may anak ka kay Nika." Kumunot ang noo ko at nilingon ko si Buck.

"Anong pinagsasabi mo? Wala akong anak."

Anak ko si Patrick? Posible dahil magaan ang loob ko sa bata pero hindi pa rin. Hindi ko pananagutan ang bata.

"Wala akong anak." Sabi ko bago sumakay sa kotse ko.

She is from my past. Iniwanan niya ako kaya kakalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Pero may nangyari sa amin a year ago at si Patrick ang bunga noon. Anak ko si Patrick.

Hinampas ko ang manebela.

"Damn it!"

5 months later...

Tapos na rin yung rest house na ginagawa namin kaya bumalik na ako agad sa Manila at hindi na ako bumalik sa kumpanya simula noon kaya ang dami na rin tawag sa akin pero hindi ko sila kinakausap.

"Hello?"

"Chuck, yayain sana kita mag-out of town. Kung hindi ka busy." Sabi ni Aizen sa kabilang linya.

"Sinu-sino ang mga kasama?"

"Ako, si Aya, yung mga bata, si Buck, Luca, Alex, Callie at yung kambal nila."

"Sila lang?"

"Um, si Nika pa pala." Natahimik ako ng ilang minuto.

"Pass na muna ako sa outing. Marami pa akong ginagawa ngayon."

"Ganoon? Sayang. Ngayon nga lang tayo ulit nagkakasamang apat."

"Sorry talaga, pre. Ang dami ko lang talaga naging kliyente ngayon hanggang katapusan na rin ito ng taon." Pagdadahilan ko. May dahilan ako kaya ayaw ko sumama sa outing nila. Ayaw ko na makita ang babaeng iyon at iniiwasan ko na siya.

"Ayos lang. Alam ko naman busy ka rin sa trabaho mo."

Pagkatapos kong kausapin si Aizen ay pumunta na ako sa kusina para kumuha ng beer sa ref at umupo na sa lapag habang umiinom ng beer.

Bakit ba ako nasasaktan nang makita ko siyang may kasamang ibang lalaki? Dammit!

"Ikaw kasi! Kung titibok ka, sana naman doon sa taong kaya rin ibalik ang nararamdaman ko. Hindi doon sa taong sasaktan lang ako." Pinapapalo ko ang dibdib ko sa sobrang inis sabay ng pagpatak ng luha ko. Ngayon lang ako umiyak dahil noong iniwanan niya ako ay hindi ako umiyak. Ang huling iyak ko noong namatay si mama.

Nagmahal pa ako sa maling babae.

Inangat ko ang ulo ko dahil may humawak sa braso ko pero kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"How did you get inside of my house?"

"Bukas ang pinto ng bahay mo, Chuck at nagaalala rin ako sayo."

"Nagaalala? Narinig mo ba iyang sinasabi mo ngayon sa akin? Umalis ka na dahil kahit kailan hindi kita kailangan pa!" Tatayo na sana ako ay bigla ako napaupo ulit sa lapag. Sinuntok ko ang sahig sobrang galit ko. "Umalis ka na!"

"Lasing ka na, Chuck."

"Ano naman sayo kung lasing ako?! Iniwanan mo ko ng isang taon at hindi ka nagparamdam sa akin! Tapos ngayon bumalik ka sa buhay ko! Ano ba gusto mo, Danica?! Umalis ka na bago mawala sa isip ko na kapatid ka ni Aizen."

"Makinig ka na muna sa akin, Chuck... Kaya lang naman ako umalis noon dahil ayaw ko masira ang pagkakaiban niyo ni kuya Aiz. Alam kong importante sayo ang pagkakaibigan niyong dalawa dahil simulang mga bata pa lang kayo ay magkaibigan na at ayaw kong masira iyon nang dahil sa akin."

Yumuko ako bago huminga ng malalim.

"Sino yung batang kasama mo?"

"Si Patrick. Anak ko siya."

"Sino ang ama niya?" Tumingin ako sa kanya pero wala akong narinig na kahit ano sa kanya dahil nakayuko lang siya sa akin. "Ano?!"

"Importante pa ba sayo kung sino ang ama niya?"

"Siyempre! May nangyari sa ating dalawa."

"Ano ang gagawin mo kapag nalaman mo kung sino ang ama ni Patrick?"

"Wala." Tumayo na ulit ako at tumingin sa kanya habang nakayuko. "Kahit anak ko nga iyan ay hindi ko pananagutan ang bata. Kung hindi mo ko iniwanan noon ay pwede ko pang panagutan pero hindi, eh. Iniwanan mo pa rin ako sa ere."

"Sabi na nga ba iyan ang sasabihin mo kaya ayaw kong sabihin sayo ang tungkol kay Patrick. Walang alam si kuya Aiz kung sino ang ama ni Patrick pero kilala na niya ang bata."

"Ayaw ko na marinig na kahit ano mula sayo kaya pwede ka ng umalis sa bahay ko."

Hindi naman katagalan ay umalis na rin siya sa bahay ko at sumandal na ako sa pader.

Hindi ako makapaniwalang may anak ako. Pero dahil sa ina ni Patrick ay nadamay rin yung bata.

~~~~

Comment and press ☆ to vote

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon