Maagang umalis si Chuck dahil kailangan na daw niyang bumalik sa Ilocos ngayon pero heto na naman yung nararamdaman ko kahapon. Yung kinakabahan ako na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Wala naman siguro mangyayaring masama kay Chuck.
Pagkatapos kong asikasuhin si Patrick ay natulog siya ulit kaya iniwanan ko na lang siya sa kwarto. Tulog na rin naman ang anak ko.
"Hello, Cy." Ngumiti ako sa kaibigan ko dahil nandito siya ngayon sa Baguio. Kapag wala kasing trabaho itong si Cyrus ay nandito siya sa Baguio pero sa rest house niya siya tumutuloy.
"Hey." Ngumiti rin siya sa akin bago niya binuksan ang tv kaya pumunta na ako ngayon sa kusina para uminom ng tubig.
Inaalala ko na lang ang mga nangyari kahapon, ang pag-amin ko sa kanyang mahal ko pa rin siya. Sana hindi ako nagsising inamin sa kanyang mahal ko pa siya.
Napabuntong hininga na lang ako.
Sana maging maayos na ang lahat. Tanggapin na siya ni lolo. Ang balita ko rin ay hindi tanggap ni lolo si mama noon para kay papa pero wala na rin siyang magagawa dahil buntis na si mama noon sa amin ni Bryce. Ang hindi lang alam ni lolo may ibang pamilya si mama noon at ang pamilya iyon ni kuya Aizen. Nang dahil rin sa akin kaya nagkaayos na sila ni mama at kuya Aizen, iyon kasi ang gusto ko mangyari at saka pamilya na rin niya kami.
Pagpunta ko sa may sala ay nagulat na lang ako sa narinig ko sa balita kaya nabitawan ko na ang hawak kong baso dahil may resort daw ang nasusunog at ang pagkaalam ko ay resort iyan ng kaibigan ni lolo. Baka nandiyan tumutuloy si lolo ngayon habang nasa Iloco siya.
"Hija, ayos ka lang ba?" Narinig ko ang boses ni mommy Ellen pero hindi ako makagalaw hanggat tumulo na ang luha ko. Narinig ko rin may maid siyang inutusan para linisin ang bubog ng baso.
"Si lolo..." Niyakap na ako ni mommy Ellen at doon na rin ako umiyak. Sana walang mangyaring masama kay lolo. Kaya ba ganito ang nararamdmaan ko simula pa kahapon? Please, sana walang nangyaring masama kay lolo.
"Dani, walang mangyayaring masama sa lolo mo." Sabi ni Cyrus. Pinaupo na nila ako sa sofa at pinapakalma ko na ang sarili ko habang nanonood ng balita.
"Sana nga walang masamang mangyari. Sana mailigtas siya ng mga bumbero."
Habang nanonood ng balita ay napansin ko si kuya Buck, pero hindi niya kasama si Chuck. At ano naman ang ginagawa nila sa resort na iyon? Kaya tinawagan ko si kuya Buck.
"Kuya Buck, si Chuck?" Hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.
"Sorry, Nika. Nang nalaman ni Chuck nasusunog ang resort kung nasaan tumutuloy ang lolo mo ay agad siyang pumunta rito at pumasok siya sa loob para iligtas ang lolo mo."
"Ano?!" Napatayo ako sa sinabi ni kuya Buck kaya tumulo na naman ang luha ko. "S-Sabihin mo nakalabas na si Chuck at lolo sa sunog."
"I'm sorry, Nika. Nasa loob pa rin si Chuck pero ang lolo mo ay nakaligtas na ng mga bumbero. Kaya lang hindi nila mahanap ang kaibigan ko."
Hindi pwede mangyari ito. Si Chuck... Hindi ko kakayanin mawala si Chuck at mawalan ng ama si Patrick. Kawawa ang anak ko... Kung alam ko lang na ganito ang mangayayari.
"Tatawagan na lang kita kung nahanap na si Chuck."
"Nanonood ako ngayon ng balita."
Mga ilang oras rin kami naghihintay pero wala pa rin akong balita tungkol kay Chuck. Hindi pa rin napapatay ng mga bumbero ang sunog dahil lumalakas na ito.
Chuck...
"Hija, saan ka pupunta?" Tanong ni mommy Ellen nang makita niya ako palabas ng bahay.
"Pupunta po ako sa Ilocos ngayon." Sagot ko.
"Hindi kita pipigilan na pumunta doon dahil nandoon si Chuck." Tumingin si mommy Ellen sa pwesto ni Cyrus. "Cyrus, samahan mo si Nika sa Ilocos."
"Okay po, tita."
Habang nasa biyahe kami ni Cyrus ay tahimik lang ako at nagdadasal na walang mangyari at mahanap nila si Chuck. Hindi ko tanggap kung mawala ang lalaking pinakamamahal ko.
Nang nakarating na kami ay wala na yung apoy, ibig sabihin napatay na ng mga bumbero ang sunog.
"Yung kaibigan ko? Nasaan ang kaibigan ko?" Narinig ko si kuya Buck habang kausap ang isang bumpera kaya lumapit na ako sa kanila. "Nika?"
"Sorry, sir pero wala kaming nakitang tao na sa loob ng resort. Ang nahanap lang namin ang mga taong sugatan at ang iba naman ay namatay na dahil sa sunog. Baka po isa doon ang kaibigan niyo." Sabi ng bumbero kaya napaluhod na lang ako. Hindi pwedeng mawala ng ganoon ganoon lang si Chuck.
"Hindi. Wala doon ang kaibigan ko kahit sa mga namatay! Tsk. Hindi pwedeng mamatay si Chuck!"
"Chuck..." Humagulgol ako ng iyak. Hindi ko tanggap.
"Damn it. Hindi kita mapapatawad, Chuck."
"K-Kasalanan ko ito kung pinigilan ko lang sana si Chuck---"
"Don't blame yourself, Nika dahil alam kong buhay pa si Chuck hanggang wala akong bangkay nakikita. Umaasa akong buhay ang kaibigan ko."
Tama si kuya Buck. Hanggang walang bangkay ni Chuck ay buhay pa siya.
Chuck, kung nasaan ka man ngayon sana magpakita ka na sa amin. Kailangan ka namin ni Patrick.
"Dani, what are you doing?" Inaawat ako ni Cyrus sa ginagawa ko.
"Hahanapin ko si Chuck."
"Tanggapin mo na lang na wala--" isang malakas ang narinig ko kaya lumingon ako. Nakaupo na ngayon si Cyrus sa semento.
"Sira ulo ka ah! Kaibigan ko ang pinaguusapan dito at hindi pa patay ang kaibigan ko!" Halata sa boses ni kuya Buck ang galit sa sinabi ni Cyrus. Mahalagang tao rin ang nawawala kay kuya Cyrus. Kaibigan at kapatid.
May mga pulis na dumating, kung kailan tapos na ay doon lang sila dumating kaya humingi ng tulong si kuya Buck sa mga pulis na hanapin si Chuck. Sana nga mahanap na nila si Chuck. Iyon na lang ang hihilingin ko, ang mahanap na buhay ang boyfriend ko.
"Kuya Buck, alis na kami ni Cy."
"Sige balitaan na lang kita kung nahanap na namin si Chuck." Tumango na lang sa kanya bago kami sumakay ni Cyrus sa kotse niya.
"Cy, ayos ka lang ba? Ikaw kasi kung hindi mo iyon sinabi, hindi ka sana nakatikim na suntok galing kay kuya Buck. Kaibigan niya ang nawawala at kapatid na rin anv turingan nila. Kung nandito lang si kuya Aiz ay baka magalit iyon sayo."
Kahit rin ako ay nagalit kay Cyrus dahil sa sinabi niya pero naawa rin ako sa kanya dahil may pasa siyang nakuha dahil kay kuya Buck. Mahilig pa naman sa rambulan ang mga kaibigan ni kuya Aiz pero si Chuck ay nagaral pa daw ng martial arts. Kaya siguro knocked out yung kalaban niya noong niligtas niya ako.
"Ayos lang. Kasalanan ko rin naman kung bakit siya nagalit."
"Kahit rin ako galit sayo dahil boyfriend ko at ama ni Patrick ang nawawala ngayon."
"Sorry talaga, Dani."
~~~~
Last 2 chapter na lang at matatapos na ito. Matatagalan pa yung book 2 na sariling story ni Patrick pero sisingit ko rin doon ang karugtong ng love story ng magulang niya. Kaya asahan na may sariling point of view rin sila maliban kay Patrick sungit. =))
Story na muna nina Luca at Caleb bago ang book 2.
-Skye
Comment and press ☆ to vote
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...