Pagkarating namin sa Baguio ay sinabi na rin naman sa akin ni Buck kung saan siya ngayon dito sa Baguio.
"Mabuti hindi kayo naligaw." Natatawang sabi ni Buck kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Kaya mo ba iyan sinabi sa akin dahil naligaw ka." Tugon ko kaya napakamot siya ng ulo. Isa lang ibig sabihin, naligaw ang galunggong.
"Sila na ba ang team mo, Chuck?" Tumingin ako sa likuran ko bago tumango kay Buck. Lumapit naman siya agad sa mga kasamahan ko ngayon. "Hello sa inyo. Ako nga pala si arch. James Fernandez. Salamat sa pagpayag niyo para sa project na gagawin."
"Sayang ang opportunity, architect."
"Okay, guys. Magsisimula na tayo sa trabaho." Utos ko kaya nagsuot na sila ng hard hat bago pumunta sa pwesto nila. Tumingin ako kay Buck na ngayon ay nasa tabi ko na. "Yung blueprint?"
"Here." Inabot niya sa akin ang blueprint kaya tiningnan ko na ang design sa builing na gagawin. "May binago ako ngayon kumpara noong nakita mo iyan dati."
"Mukhang maganda naman ang kalalabasan nitong rest house at saka magagaling ang mga worker ko. Marami rin sila kaya sa tingin ko matatapos natin ng 1 o 2 taon o mas matagal 3 taon."
"Dude, hindi naman kailangan magdali dahil hindi naman nagmamadali yung kliyente ko para matapos ang napapagawa niyang rest house."
"Sinasabi ko lang sayo. Wala naman akong sinasabi na kailangan natin madaliin ang paggawa sa rest house."
1 year later...
May pader na ang rest house na ginagawa namin ngayon at katulad last year ay busy pa rin ang mga worker ko sa paggawa.
"Dude, pupunta pala rito ang kliyente ko para tingnan kung kamusta na ang trabaho namin." Tumango ako kay Buck.
"Kailan pupunta ang kliyente mo?"
"Mamayang hapon pa siguro siya pupunta rito."
"Okay. Pupunta lang ako para alamin na ang ginagawa nila." Nagsuot na ako ng hard hat bago pumunta sa site na ginagawa namin at kinakamusta ko ang iba. Wala naman naging problema sa site pero kailangan ko pa rin tingnan.
"Okay. Kain na muna kayo tapos balik ulit sa trabaho." Sabi ko sa kanila kaya huminto sila sa pagtatrabaho para kumain.
Pagkalabas ko sa site ay nakita kong may kausap si Buck kaya lumapit na ako sa kanya.
"Oh, nandito na pala si engr. Smith. Chuch, heto pala ang kliyente ko na si Cyrus Jimenez."
"Hi. I'm engr. Chuck Smith, ang head engineer." Nakipagkamayan kami sa isa't isa.
"Nice to meet you, engr. Smith."
"Gusto mo tingnan ang site? Pwede ka namin i-tour ni arch. Fernandez."
"It's pleasure."
Binigyan ko siya ng hard hat bago pumunta sa site.
"Everything goes well dahil magaling ang team ng kaibigan kong ito at sa tingin ko by next year ay matatapos na itong rest house niyo, mr. Jimenez." Ani Buck habang nililibot ang site.
"Hindi naman ako nagmamadali pero mukhang matatapos niyo nga agad ang trabaho."
"Yes, sir. Hindi pa sumisikat ang araw ay nagsisimula na kami sa trabaho."
"That's good."
Pagkatapos namin libutin ang site ay umalis na yung kliyente ni Buck at dumeretso kami ngayon sa isang kainan.
"Hindi mo talaga ako pinahiya, Chuck." Sabi ni Buck habang kumakain ng dim sum.
"Kung ipapahiya kita eh, masisira rin ang pangalan ko at saka kaibigan kita, Buck kaya hindi ko iyon gagawin."
"Ang laki ng pinagbago mo ah. Sa anong dahilan? O baka sino?"
"Wala. Ngayon lang ulit ako maging mabait dahil trabaho ito, Buck. Alam mo naman sawang sawa na ako maging mabait."
"Hanggang ngayon pa rin ba wala ka pang balita sa kanya?" Mabilis akong umiling. Ang pinaguusapan namin ni Buck ay ang sarili kong ama. Iniwanan niya ako noon sa isang fast food chain at hindi na niya ako binalikan. Mabuti na lang may isang babae ang kumupkop sa akin at inalagaan ako kaya hanggang lumalaki ako at pinangarap ko maging engineer para gawan siya ng sariling bahay bilang pagsasalamat pero noong nasa 2nd year college ako ay namatay siya sa sakit niyang TB. Huli ko ng nalaman na siya pala ang tunay kong ina. Masakit sa akin dahil nawala rin siya. Siya ang inspiration ko kaya nakapagtapos ako sa pagaaral.
"Hindi ko na rin naman siya hinanap dahil wala rin akong pakialam sa kanya. Iniwanan niya ako kaya kakalimutan ko na lang may ama ako kung buhay pa nga siya. Isa lang ang pamilya ko, iyon ay ang ina ko. Ang nagalaga sa akin simulang iniwanan ako ng sarili kong ama."
Siya rin ang may kasalanan kaya lumaki akong walang ina na kinilala dahil tinakas ako ng sarili kong ama noong baby pa lang ako at kaya pala sa tuwing nagtatanong ako kung saan ang mama ko ay hindi ako masagot. Ano ba alam ng isang apat na taong gulang para makapagisip ng ganoong bagay? Siyempre wala.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami ni Buck sa site pero siya na muna ang titingin sa site na ginagawa dahil may tatawagan pa ako.
Si Nika.
Napasinghap ako noong sagutin niya ang tawag ko.
"Finally, you answered my calls. I'm so worried about--" Naputol ang sasabihin ko noong binaba niya agad ang tawag kaya sobrang inis ko ay naibato ko ang phone. "Bwesit! Kung ayaw mo ko kausapin! Huwag mo!"
"Sino kausap mo, Chuck?"
"Some not importante person." Wala gana kong sagot.
"One of your fling?"
"No. Minahal ko noon kaya ngayon kakalimutan ko ng minahal ko siya at huwag mo ng tanungin kung sino. Lalo lang umiinit ang ulo ko."
"Ang lamig rito sa Baguio kaya chill lang." Inakbayan ako ni Buck. "Gusto mo pagkatapos nitong project ay inom tayo sa bar ni Luca? Miss ko na ang gagong iyon."
"Matagal pa matatapos ang site, Buck."
"Oo nga pala. Uwi na muna tayo ng Manila tapos inom sa bar ni Luca?"
"Sayang gas."
"Sabihin mo lang ayaw mong umuwi ng Manila ngayon."
"May tinatapos pa tayong project kaya huwag na muna isipin ang ibang bagay at saka busy rin yung tao. Hindi lang naman bar ang inaatupag ni Luca. Programmer rin siya sa isang sikat na game company."
"Eh, pagkatapos na lang nito inom tayo. Gusto ko rin kasi ang uminom at matagal tagal na rin ang huling inom ko ng alak."
"Bahala ka."
Isang taon na rin pala pero hindi ko pa nababayaran ang utang ko kay Luca. Sige pagbalik namin ay doon ko na siya babayaran sa utang.
~~~~~~
Comment and press ☆ to vote

BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...