Chapter 6

1.1K 34 2
                                        

Malapit na rin naman matapos ang rest house na pinapagawa sa amin. 1 and 1/2 year lang namin ginagawa nang makita ko si Buck lumalapit sa akin.

"Gusto ka makausap ni Luca dahil hindi ka niya matawagan." Inabot sa akin ni Buck ang phone niya.

"Gusto mo raw ako kausapin. Ano yun?"

"Bakit hindi kita matawagan ah?"

"Sorry. Binato ko kanina ang phone ko sa sobrang inis kay Nika pero pwede ko gamitin ang phone ko sa work." Kinuha ko ang isang phone ko at nagcompose ng message kay Luca.

To Luca;
Heto na. Ano ba iyon?

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil nagreply agad si Luca kaya binuksan ko agad pero kumunot ang noo ko noong may sinend siyang picture ng isang bata.

"Who is that kid?"

"His name is Patrick. Ang cute niya, no?" Tumawa pa ang gago kaya lalong kumunot ang noo ko. Kaninong anak naman kaya iyon?

"Sino ang magulang niya?"

"Kung gusto mo malaman kung sino ang ina ni Patrick ay lumuwas ka ng Manila, pre. Alam kong nasa Baguio ka ngayon kasama ni Buck."

"Alam mo naman siguro may trabaho kami rito at hindi ko pwedeng iwan."

"Bahala ka. Hindi mo malalaman ang ina ni Patrick."

"Fuck you! Oo na! Uuwi na ako ng Manila." Binaba ko na yng tawag at binalik na kay Buck ang phone niya. "Babalik na muna ako sa Manila."

"Bakit?" Napatingin sa akin si Buck pagkakuha niya ng phone sa akin.

"May kailangan lang akong asikasuhin ngayon doon. Sorry kung biglaan ito pero tawagan mo na lang sa number na ito." Binigay ko sa kanya ang number ko sa work. "Bibili na lang ako ng bagong phone pagkatapos natin dito."

Nang nakabalik na ako sa Manila ay wala pa akong tulog dahil dumeretso na ako sa lugar ni Luca para alamin kung sino ang ina ng batang iyon. Hindi ko alam kung bakit ako curious sa batang iyon.

"I'm here. Sabihin mo na sa akin sino ang ina."

"Ang bilis mo naman. Pinalipad mo ba yung sasakyan mo?"

"Wala akong oras para sa kalokohan mo, Luca. Kailangan ko rin bumalik sa Baguio para sa site na ginagawa namin."

"His mother is from your past, pre."

Nanigas ang buong katawan ko noong narealize kung sino ang ina ng batang iyon. Shit. Totoo ba ito?!

"Fuck! Huwag mo nga ako lokohin, Luca."

"Hindi ka naniniwala sa akin? Pero totoo iyon. Kahit nga ako ay nagulat noong makita ko siya kahapon."

"Nasaan siya ngayon? May address ka kung saan sila nakatira?"

"Wala, eh. Hindi sinabi sa akin baka siguro ayaw ka niya makita at saka doon sa picture ay hindi niya alam ang tungkol doon."

"Damn it! I really want to talk with her."

"Bakit? May nangyari ba sa inyo ni Nika?"

"Wala." Agad kong sagot kay Luca. Ayaw kong umasang anak mo iyong bata. "Salamat na lang. Kailangan ko na rin umalis."

"Kailanvan mo na bang bumalik agad sa Baguio?"

"Magpapahinga na muna siguro ako sa bahay bago bumalik doon. Wala pa akong tulog."

Pagkagising ko ay hapon na kaya kumain na ako sa may mall. Nandito na rin naman ako sa mall ay bibili na rin ako ng bagong cellphone ko para hindi na tumawag sa work ko sina Buck at Luca.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa bilihin ng mga phone.

Tumitingin lang ako ng magagandang brand ng phone ngayon pati na rin ang presyo hanggang may naramdaman akong yumakap sa leg ko at napatingin ako sa ibaba dahil may bata kaya lumuhod ako sa harapan niya.

"Hey. Where's your mommy? Or daddy?"

"I don't know. But I don't have any daddy." Medyo bulol pa siyang magsalita ngayon and wait familiar sa akin ang mukha niya ah. Shit. Ibig sabihin nandito rin siya sa mall?

"What's your name, bud?"

"Patrick." Sagot niya kaagad. Hindi nga ako nagkamali. Siya yung batang pinakita sa akin ni Luca kanina.

"Let's find your mommy. Okay?" Ngumiti ako sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya. Hindi ko nga alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa batang ito. Malabong buntis si Nika noon. Tumingin ulit ako sa bata habang naglalakad. "How old are you?"

Tumingala siya sa akin.

"I'm 1 year old turning 2."

He is 1 year old? Hindi kaya... No, isang taon na rin umalis si Nika kaya malabong akin itong bata at saka iniwanan niya ako sa ere kaya kakalimutan ko na ang tungkol sa babaeng iyon.

Habang naglalakad ay may nakita akong familiar. Isang lalaki na parang may hinahanap hanggang may isang babaeng lumapit sa kanya. Teka, si Nika ba iyon?

"Mommy!" Sigaw nitong batang kasama ko kaya lumingon ang babaeng tinawag niyang mommy. Totoo nga ang sabi ni Luca kanina.

"Pat--- Chuck?!" Hindi ko na siya pinansin dahil tumalikod na ako. Ang importante ay naibalik ko sa kanya ang anak niya at ang lalaking kasama niya ay si Cyrus Jimenez, ang kliyente ni Buck.

Nakakuyom ang kamao ko.

Bakit ba ako apektado? Iniwanan niya ako noon at wala kami kahit noon pa kaya pwede siya makipagrelasyon sa ibang lalaki. Mas mabuti na ito kaysa masira ang pagkakaibigan namin ni Aizen kapag nalaman niya ang totoo. Lahat nangyari sa nakaraan ay kalimutan na lang iyon...

Pagkasakay ko ng kotse ay tinawagan ko si Buck para kamustahin na ang site. Nakabili na rin kasi ako ng bagong phone at nagpalit na rin ng number dahil ayaw ko ng gamitin ang dati kong number.

"Hello? Sino ito?"

"Wala pa akong isang araw umalis ng Baguio ay nakalimutan mo na agad ako."

"Chuck? Bumili ka ng bagong phone mo?"

"Yep." Walang gana kong sagot sa kanya.

"Akala ko ba pagkatapos na lang nang trabaho natin ikaw bibili."

"Nandito na rin naman ako sa Manila kaya sinabay ko na. But anyway, musta na ang site?"

"Wala ka pa ngang isang araw kinakamusta mo na agad ang site. Ayos lang naman ang rest house." May naririnig akong ibang boses mula sa kabilang linya. Mukhang yung iba kong tauhan iyon. "Kailan ka ba babalik rito?"

"Bukas pero papunta na ako ngayon." Tiningan ko ang oras sa wrist watch ko dahil late na pala. Kailangan ko na rin kumain ng dinner. "Maghahanap na muna ako ng makakain ko ah. Hindi ko namalayang late na pala."

"Sige, pre. Ingat sa pagmamaneho mo." Hindi na ako sumagot nang binaba ni Buck ang tawag.

Nang nakahanap na ako ng pwedeng kainan ay pinarada ko na ang kotse ko bago bumaba at pumasok na rin ako sa loob.

"Good evening, sir." Bati sa akin ng waitress. "Good for two po?"

Lumingon ako sa likuran ko bago tumingin ulit sa kanya.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?"

"Wala po."

"Tsk. Kita mo naman nagiisa lang akong pumasok." Naglakad na ako baka uminit pa ang ulo ko sa waitress na ito at umupo na ako sa bakanteng table. Tiningnan ko na rin ang binigay na booklet menu.

Pagkatapos ko kumain ay dumeretso na ako pabalik ng Baguio.

~~~~

Hi. I'm back pero hindi pa sana ako magUD ngayon dahil sumama pakiramdam ko ngayon.

-Skye

Comment and press ☆ to vote

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon