Nakatanggap na ako ng tawag galing kay Buck kanina kaya agad na ako pumunta sa lugar na sinasabi niya.
"Sorry talaga, dude. Kakagising ko lang noonv tumawag ako sayo at hindi pa ako kumakain." Paghihingi niya ng paumanhin sa akin.
"Ano magagawa ko? Nangyari na kaya kumain ka na muna. Mamaya pa dadating ang mga worker ko kaya may oras ka pang kumain."
"Baka hindi ka pa rin kumakain kaya samahan mo na ako."
"Oh sige kaysa naman maghintay ako rito ng matagal."
Pumunta na kami ni Buck sa isang kainan para kumain ng agahan. Hindi pa kasi ako kumakain.
"Busy ba ngayon si Luca?" Tanong ko sa kanya habang kumakain na kami.
"Hindi ko alam. Baka tulog pa iyon sa ganitong oras. Alam mo naman kung anong oras nagsasara ang bar niya sa gabi, diba?" Tumango na lang ako sa kanya. Mga past 1 na rin kasi nagsasara ang bar ni Luca kaya palaging puyat yung lalaking iyon. "Kailan mo pala balak kausapin si Aiz?"
"Pagkabalik nila ng bansa pero kakausapin ko na muna ang parents niya."
"Paano na lang kung ayaw sayo? May mga magulang na ayaw ang boyfriend para sa anak nilang babae."
"Kung ayaw nila sa akin eh, wala silang magagawa dahil ayaw ko ng mawala ulit sa akin si Nika at saka may anak na rin kami."
"Boto na talaga ako sayo. Ayaw ko man aminin maliban kay Aiz...."
"Na ano?" Kumunot ang noo ko dahil huminto ito sa pagsasalita.
"Mabait."
"Hindi ba mabait si Alex at Enzo?"
"Sa ating apat lang. Si Alex at Enzo naman ay sobrang bait."
"Sasabihin ko lang sayo hindi naman talaga ako mabait. Alam mo namang ayaw ko ng maging mabait dahil ikaw rin naman ang iiwanan sa ere."
"Chuck, kung hindi ka mabait ay sana hindi mo napatawad ang ginawa ni Nika kayo."
"Mahal ko yung tao at handa naman akong suportahan ang mag-ina ko sa lahat na makakaya ko." Ngumiti ako sa kanya.
"C-Chuck?" Lumingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Noong makita ko na kung sino ay namilog ang mga mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Damn! Ano ang ginagawa niya rito?! For 21 years noong iniwanan niya ako tapos magpaparamdam siya sa akin at akalain mo iyon buhay pa pala siya. Sana siya na lang ang namatay hindi si mama.
"Pre, tapos ka na bang kumain?" Tanong ko.
"Hindi pa."
"Mauuna na ako sayo sa site baka nandoon na yung mga worker."
"Dito ka na muna. Hindi pa ako tapos dito."
"Darn it! Take out mo na lang iyan."
"Sige na nga." Kinuha na niya ang kinakain niya bago kami lumabas. "Bakit ka ba nagmamadaling bumalik sa site?"
"Hindi ko inaasahan nandito rin pala siya sa Pagudpud."
"Sino?" Kumunot noo siyang nakatingin sa akin.
"Sino ba ang ayaw kong makita?"
"Ohh... I get it. Baka naman namiss ka na niya."
"Gago. Hindi ko siya kailangan sa buhay ko."
Pagkabalik namin sa site ay nandito na nga ang mga worker ko kaya nagsimula na kami sa trabaho.
"Dude, maganda ang beach dito. Bakit hindi kaya tayo rito magbakasyon sa susunod? Kasama yung iba."
BINABASA MO ANG
Fall In Love With Me
RomanceAno na lang ang gagawin mo kung nagkagusto ka sa kapatid ng best friend mo? Isa lang ang ibig sabihin off limit siya. Bawal halikan o kahit ano pa man. Meet Danica Santos ay isang spoiled brat pero mabait sa mga taong mahalaga sa kanya, kakambal ni...