Chapter 10

1.1K 34 0
                                    

Ngayon ay kumakain kaming lahat ng agahan at tumingin naman ako kay Patrick habang umiinom ng gatas sa kanyang bote.

"Nika, sino ba ang ama ni Patrick?" Tumingin ako kay ate Aya. Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa kanya kung sino lalo na't kasama niya si kuya Aizen. "Oh, sorry. Masyado bang biglaan ang tanong ko?"

"No, it's okay. Alam ko naman nagtataka kayong lahat kung sino ang ama ni Patrick." Tumingin ako kay Chuck na busy makipagusap sa dalawa niyang kaibigan. Si kuya Aizen kasi busy sa pagalaga sa kambal at ganoon rin si kuya Alex kaya hindi sila nakakasali sa tatlo.

Pagkatapos kumain ay naglalakad lang ako sa labas kasama ang anak ko.

"Niks." Lumingon ako nang may tumawag sa akin.

"Hi, ate Callie." Ngumiti ako sa kanya. Simulang pinakilala sa akin ni ate Aya si ate Callie ay naging kaibigan ko na rin siya.

"Sama ako sa inyo mag-ina ah habang si Alex ang nagaalaga sa kambal."

"Walang problema para naman may makausap ako."

"Niks, sa nakikita ko kay Patrick si Chuck. Alam kong may gusto ka sa lalaking iyon noon, ewan ko lang ngayon."

Tinitingnan ko lang si Patrick habang natutulog sa stroller niya.

"Ganoon po ba?"

"Yep. Si Chuck ba ang ama niya?" Tumingin ako sa kanya. "Kung ayaw mong sagutin ay ayos lang."

Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanya.

"Yup, si Chuck nga po ang ama ni Patrick."

"Nagkaroon kayo ng relasyon ni Chuck noon?" Umiling ulit ako sa kanya.

"Wala kaming relasyon pero dahil sobrang mahal ko siya kaya naibigay ko ang sarili ko sa kanya at si Patrick ang bunga noon. Hindi naman ako nagsisi dumating sa buhay ko si Patrick."

"Alam ba ni Chuck? Ni Aizen?"

"Alam ni Chuck pero ang sabi niya ay hindi niya pananagutan si Patrick."

"What?! Gago talaga ang lalaking iyon!"

"Alam ko naman kasi ganoon ang sasabihin niya pagkatapos kong iwanan siya."

"Eh, ni Aizen?"

"Walang alam si kuya Aiz kasi hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol dito. Ayaw ko naman masira ang pagkakaibigan nila ni Chuck nang dahil sa akin."

Sa aming dalawa ni Bryce ay ako ang close kay kuya Aizen kaya ayaw ko rin masira ang tiwala sa akin ng kapatid ko. Siya na nga lang ang kasama ko palagi sa buhay, eh tapos mawawala pa sa akin si kuya Aizen.

"Kung kailangan mo ng tulong ay nandiyan naman si Aya para tulungan ka niya at kausapin ang asawa niya."

Pagkabalik namin sa hotel room ay humiga na ako sa kama habang nasa tabi ko si Patrict at natutulog pa rin. Ang sarap kasi ng tulog niya nang biglang may kumatok sa pinto kaya agad ako bumangon para buksan ang pinto.

"Chuck?" Hindi ko inaasahan na si Chuck pala ang kumakatok.

"Can we talk?"

"Sure. Pasok ka na muna." Pag alok ko sa kanya para pumasok sa loob ng room namin.

"Si Patrick?"

"Tulog pa rin siya." Tumango lang siya sa akin at hinihintay ko kung ano ang paguusapan naming dalawa.

"Alam kong sinabi sayo ni Buck kanina ang tungkol sa akin."

"Sorry. Alam kong hindi mo ko sasagutin kapag tinanong kita kaya sina kuya Buck at kuya Luca na lang ang choice ko."

Fall In Love With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon