PROLOGUE

151 9 2
                                    

Yung image po na nasa taas is si Elna po :) May mga ibang words po na baka 'di niyo magustuhan kaya magso-sorry na po ako :) Happy Reading! :)

---------------------


"Papa! Hindi! Nagsisinungaling ka lang! Bat mo ginagawa yan kay Mama?!" Nagising na lang ako bigla habang umiiyak at hinihingal, napaginipan ko nanaman ang mga pangyayaring ayaw na ayaw ko ng balikan. Dahil sa panaginip ko ay 'di ko mapigilang hindi balikan ang mga nangyari when I was only 12.

I heard my parents fighting, they're shouting like they don't love each other anymore. Sumisilip ako sa medyo nakaawang na pintuan sa kwarto nila mama at papa habang patuloy padin sila sa pagaway. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala naman si Kuya dahil college na sya that time at ginagabi na siya lagi ng uwi dahil sa madami siyang ginagawa. Patuloy padin sila sa pagaaway ng bigla nalang magpantig ang tenga ko dahil sa mga narinig ko.

"Hindi ko sinasadya Elna! Ngayon lang sinabi sakin ni Martha na nagkaanak kami!" Umiiyak na ako habang nakikinig ako sa pinaguusapan nila. Hindi ko alam kung maniniwala ba talaga ako sa pinagsasasabi ni Papa. Parang hindi si Papa yung tao na gagawa ng mga maling bagay na alam niyang ikasisira ng pamilya namin.

"Hayop ka James! Paano mo nagawa saamin ito?! Sabihin mo sakin ngayon James! Kailan pa yan?! Ilang tao na ang bata?! Dalawang taon?! Tatlo? Lima? Ano?! Magsalita ka!"

"La-labing tatlong taon na" Mahinang sabi ni Papa. Hikbi na ako ng hikbi habang patuloy ako sa pakikinig sakanila. 

Kasabay ng pagsabi ni Papa ay ang pagsampal ni Mama sakanya. "13?! Ibig sabihin 13 years mo nadin kaming niloloko?! Mas matanda pa siya kesa kay Kell!"

"Elna, hindi. Hindi ko alam na nagkaanak kami. Ngayon lang niya sinabi sakin. Listen to me, hon. That was 13 years ago, ikaw---kayo na ang kasama ko ngayon at pamilya ko."

"That was 13 years ago?! Nagbibiro ka ba?! May anak ka na that time! Si Kyle! Anim na taon na ang panganay natin pero nagawa mo pading kumalantari ng ibang babae?!"

"I'm so sorry. Hindi ko sinasadya." Mahinang sabi ulit ni papa kasabay ng paghagulgol niya. Naawa ako kay papa kasi first time ko siyang makitang umiiyak pero mas naaawa padin ako kay mama. Hindi sagabal ang age ko para hindi maintindihan  ang nangyayari at ang mga pinagsasabi nila. May anak si Papa sa ibang babae at ang mas masakit habang pinagbubuntis ako ni mama may anak na pala siya sa iba. 

"Hindi mo sinasadya?! Ano yun? Bigla nalang pumasok yang ari mo sa ari niya ng di mo alam? Habang magkasama ba kayo sa kotse at bigla nalang bumangga kasabay din ba 'non ang pagentrance mo sakanya? Ha?! Sabihin mo! Binigay ko lahat sayo, pinilit kong bigyan ka ng magandang pamilya pero ikaw lang ang sisira?! Tell me, alam ba niyang may pamilya ka ng may mangyari saiyo?!" Pinagsasampal ni Mama si Papa at pinagpapapalo sa dibdib.

"N-no. She didn't know" This time, mas malakas at mas malutong na sampal ang ibinigay ni Mama kay Papa.

Nang marinig ko ang sagot ni Papa kay Mama hindi ko alam ang mararamdamn ko. Sa babae ba ako ni papa dapat magalit o sakanya kasi hindi man lang niya sinabi na may pamilya na siya. Ikinakahiya ba kami ni Papa? Pilitin ko man magalit sa babae ni papa hindi ko magawa kasi ang alam ko si papa ang lahat ng may kasalanan.

"Hindi mo man lang ba sinabi na may pamilya ka na? Ikinakahiya mo ba kami?!"

"H-hindi. Lasing lang ako ng may mangayri saamin ni Martha." Pilit hinahawakan ni Papa ang kamay ni mama pero inilalayo at tinatabig lang ni mama ang mga kamay ni papa. Lungkot na lungkot ako kasi hindi ko man lang sila kayang awatin at pagabatiin nalang agad. 

"Sigurado ka ba na anak mo siya? Sabihin mong hindi, please" Iyak padin ng iyak si mama at mukhang nanghihina na.

"O-oo, w-we already had a D-DNA test." And with that bigla nalang napaupo si mama at nakatulala sa sahig habang tuloy padin ang pag-agos ng mga luha niya. Parang sumabog ang mundo ko. Hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko kaya bigla nalang ako pumasok sa kwarto nila habang tumatakbo at lumapit kay Papa saka siya pinagpapa-palo. Halatang nagulat sila ni Mama sa pagpasok ko, pilit akong inaalis ni mama kay papa pero hindi ako nagpatinag.

Being UsedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon